Kahayag: Ulat Pang-kalagayan Para sa Katotohanan

Kahayag: Ulat Pang-kalagayan Para sa Katotohanan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kahayag: Ulat Pang-kalagayan Para sa Katotohanan, Education, University of the Philippines Diliman, Quezon City.

Kahayag: Ulat Pang-kalagayan sa Pag-aresto ng ICC kay Dating Pangulong Duterte

Kahayag is a social media campaign that aims to dismantle the continuing disinformation surrounding Duterteโ€™s war on drugs in light of his recent arrest.

Bisitahin ang aming mini exhibit sa AS Walk mula Mayo 21-22, 2025 mula 8 n.u. hanggang 5 n.g.
21/05/2025

Bisitahin ang aming mini exhibit sa AS Walk mula Mayo 21-22, 2025 mula 8 n.u. hanggang 5 n.g.

๐‘ฒ๐‘จ๐‘ป๐‘ถ๐‘ป๐‘ถ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘น๐‘ผ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ตKaakibat ng malawakang pag-abuso at pagpaslang, isang bulag at bulok na sistemang pang-hustisya...
15/05/2025

๐‘ฒ๐‘จ๐‘ป๐‘ถ๐‘ป๐‘ถ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘น๐‘ผ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต

Kaakibat ng malawakang pag-abuso at pagpaslang, isang bulag at bulok na sistemang pang-hustisya ang patuloy na kumakalinga sa mga krimen ng dating Pangulong Duterte. Sa kabila ng takot at panggigipit, may mga Pilipinong patuloy na tumitindig, humihingi ng hustisya, at nagsusulong ng pananagutan. Ngayon, muling nakita ang pag-asa dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.
Ano nga ba ang papel ng ICC sa paglaban sa mga krimeng hindi pinaparusahan ng sariling pamahalaan? Balikan natin ang kasaysayan ng dugo at dahas, at alamin kung paanong ang internasyonal na pagkilos ay naging tanglaw sa matagal nang pinapatay na pag-asa ng sambayanan.
Panahon na upang ipaglaban ang hustisyang matagal nang ipinagkait. Hindi dapat makaligtas sa pananagutan ang sino mang lumapastangan sa karapatang pantao. ๐‡๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฆ๐ž๐ง๐  ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž! ๐๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž! ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž!



๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐งBago pa man maupo bilang pangulo, dala na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong seguri...
10/05/2025

๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง

Bago pa man maupo bilang pangulo, dala na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong seguridad at kapayapaan. Ngunit sa kaniyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao, naging madugo ang katuparan ng pangakong ito.

Binalot ng katahimikan ang lungsod, katahimikang binabalot ng takot โ€” takot dahil sa sunod-sunod na pamamaslang. Maging ang mga inosente ay nadamay. Hindi kapayapaan ang namayani, kundi pangamba at karahasan.

Hanggang sa kaniyang termino bilang pangulo, dala niya pa rin ang madugong sistema โ€” sistemang lumapastangan sa karapatang pantao at kumitil ng libu-libong buhay.

Isang malaking krimen ang kaniyang ginawa. ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’๐’ ๐’๐’‚ ๐’–๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ ๐’”๐’Š๐’š๐’‚โ€™๐’š ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’“๐’Š๐’ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’–๐’•๐’Š๐’!



๐‘จ๐’๐’ ๐’๐’ˆ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’‘๐’†๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’…๐’š๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’“๐’†๐’‰๐’Š๐’Ž๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’–๐’•๐’†๐’“๐’•๐’†?Sandata ng katotohanan, minsaโ€™y naging kasangkapan ng panlilinlang. Sa...
06/05/2025

๐‘จ๐’๐’ ๐’๐’ˆ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’‘๐’†๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’…๐’š๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’“๐’†๐’‰๐’Š๐’Ž๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’–๐’•๐’†๐’“๐’•๐’†?

Sandata ng katotohanan, minsaโ€™y naging kasangkapan ng panlilinlang. Sa ilalim ng rehimeng Duterte, naging larangan ng tunggalian ang midyaโ€”lumalaban, pinatatahimik, at pilit na binabaluktot. Habang pinapaikot-ikot ang katotohanan at ikinakalat ang mga fake news, ang sambayanan ang unti-unting nabibingi sa tunay na sigaw ng bayan. Sa ganitong kalagayan, paano hinubog ng midya ang paniniwala ng sambayanan? At higit sa lahatโ€”sino ang dapat managot?



๐๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐“๐ž๐ซ๐จ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ!Pilit na pinatatahimik sa isang pitik. Talamak na red-tagging ang natatanggap ng ...
26/04/2025

๐๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐“๐ž๐ซ๐จ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ!

Pilit na pinatatahimik sa isang pitik. Talamak na red-tagging ang natatanggap ng mga nagsisilbing boses ng mga Pilipino laban sa napang-api at mapang-abusong administrasyon ng dating Pangulong Duterte.

Tunghayan ang kabagsikan ng rehimeng Duterte tungkol sa usapin ng aktibismo at kilalanin ang ilan sa mga patuloy na lumalaban para panagutin si Duterte sa mga krimen nitong lumalabag sa karapatang pantao ng mga Pilipino.



๐‘ซ๐’†๐’‘๐’†๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’, ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’†๐’‘๐’†๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’!Bago pa man magsimula ang administrasyon ng dating pangulong Duterte, isa ang kampanya laban s...
20/04/2025

๐‘ซ๐’†๐’‘๐’†๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’, ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’†๐’‘๐’†๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’!

Bago pa man magsimula ang administrasyon ng dating pangulong Duterte, isa ang kampanya laban sa iligal na droga ang kaniyang nais isulong, na tinitingnang isang hakbang upang bumaba ang antas ng krimen sa bansa. Subalit, ang War on Drugs na ito ay naging madugo at nagdala ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino.

Mula sa mga inilabas na datos ng gobyerno, bumaba ang crime rate sa kaniyang administrasyon. Ngunit sapat na batayan ba ito para sabihing epektibo ang kaniyang pamamalakad?



Address

University Of The Philippines Diliman
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kahayag: Ulat Pang-kalagayan Para sa Katotohanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category