12/08/2020
PLS READ THIS 👀
Ang mga mag-aaral na nag-enroll online/dropbox bago mag ika-15 ng Hulyo 2020 ay makatatanggap ng tawag o text mula sa inyong magiging adviser gamit ang inyong itinalang mobile numbers sa Enrollment Form. Ito ay magsisimula ngayon, August 12, hanggang Biyernes, August 14. Maaari rin kayong hanapin sa inyong Facebook account kaya kailangan na maayos ang inyong pangalan at profile picture.
Kung walang natanggap na tawag o text sa Biyernes, ay ipapaskil ang mga pangalan ng year level coordinators sa darating na Lunes, Agosto 17, 2020 upang malaman kung sino ang kokontahin para sa kumpirmasyon.
Ang mga late enrollees na nag-enroll noong ika-16 ng Hulyo hanggang Agosto ay mahuhuling mabibigyan ng sections.
Inaaanyayahan ang lahat na dumalo sa Orientation sa Agosto 14,2020 (8:00 A.M) upang ipaalam ang mga gagawing paghahanda, pagpalit ng learning modalities, sectioning, atbp.
Maraming salamat at palaging mag-ingat, Holysians.