23/10/2024
Pagsusumikap para sa Pangarap
โ๐ป | Farrah D. Bato
Ngayong Oktubre 2024, ipinagdiriwang ng Departamento ng Araling Panlipunan ang United Nations Monthโkasabay nito ang pagkakaroon ng malawakang kompetisyon na kung tawagin ay "DTI" o "Dress to Impress" Elimination Round na isinagawa makalipas ang isang linggo, Oktubre 16. 2024.
Apat mula sa pangkat Mendeleev ang nakilahok at rumampa kasama ang kanilang kaakibat na galing, talento maging ang taglay sa pag-rampa sa entablado. Pinangunahan ng kanilang baitang ang pag-rampa ng kanilang kalahok na si Glenn Owen R. Del Socorro na rumepresenta sa bansang Japan, Sinundan ito ni Erich Anne L. Dela Cruz, rumepresenta naman sa bansang Tsina, kasunod nito ay si Shaira Faye V. Santos at Shawn Ivan Khalil D. Basa na rumepresenta sa bansang Pilipinas.
Sa kalagitnaan ng kompetisyon, hindi maiiwasang tumili at ipaglaban ang mga kinagisnang kinatawan ng kanilang pangkat. Ang 9 - Mendeleev ay naghanda ng maikling taginting at kanta nang masuportahan ang bawat isa, lalo na sa kanilang mga kinatawan.
Matapos ang naging paligsahan, nakamit ni Shaira Faye V. Santos ang Unang Puwesto, habang ang tatlo pang kalahok ay patuloy na magsusumikap para sa susunod pang kompetisyon nang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa pagkapanlo sa ibaโt ibang paligsahan. Giit ng apat na lumahok, "Manalo man o matalo, tuloy pa rin ang laban hanggang dulo!"
Kaya naman, ibinabahagi ng pangkat na ito ang pagiging isang bukas na kalahok; Bukas ang puso, isip at diwa sa bawat laban na haharapin. Para sa kanila, isa itong paligsahan na sumubok sa kanilang kakayahan; Ang kakayahan kung paano ipaglaban ang isang bagay na matagal nang hinahangad. At muli nila itong napatunayan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa.