19/06/2026
DALAWANG BUWAN NA MULA NANG
PASLANGIN ANG TOBOSO 19.
Kasama ng buong komunidad ng UP at ng sambayanang Pilipino, nakikiisa ang UP Economics Towards Consciousness sa panawagan para sa hustisya para kay Alyssa Alano at sa lahat ng biktima ng Toboso 19.
Dalawang buwan matapos ang masaker sa Toboso, Negros Occidental, nananatiling walang pananagutan ang mga responsable sa pagpaslang sa 19 na indibidwal. Habang patuloy ang militarisasyon at mga pag-atake sa mga komunidad ng magsasaka, patuloy rin nating ipinapanawagan ang hustisya, pananagutan, at paggalang sa karapatang pantao at International Humanitarian Law.
Hindi namin malilimutan sina Alyssa at ang iba pang biktima ng Toboso 19.
Hindi kami tatahimik hangga't walang hustisya.
12/06/2026
Opisyal na Pahayag ng UP Economics Towards Consciousness hinggil sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, 2026
Kailan ma’y hindi natapos ang pakikipagsuong ng mga Pilipino laban sa mga mapanupil at mapanakop. Sapagkat ang tunay na malayang Pilipinas ay isang bayang hindi nagugutom at pinagnanakawan.
Sa araw na ito, ginugunita ang ika-128 na taong Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa pamumuno Emilio Aguinaldo laban sa pananakop ng mga Kastila. Subalit kung ating mapanuring babalikan, kasabay ng paglaya sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 ay ang pagdeklara rin sa Pilipinas bilang protectorate ng United States. Inabot pa nang halos limang dekada bago tuluyang makilala ang hiwalay na kasarinlan ng Pilipinas. Sa ilalim ng pananakop, maraming Pilipino ang pinilit magbayad ng mabibigat na buwis at sapilitang paggawa, habang ang ekomoniya ay kontrolado ng mga dayuhan na nagdulot ng kahirapan at kawalan ng sariling kaunlaran.
Ang usapin ng kalayaan ay hindi pawang diskusyong umiikot sa mga petsa’t kaganapang nakasulat sa kasaysayan, bagkus ito ay nagpapaalala na ang pagtalo sa isang mapanupil at mapanakop na puwersa ay hindi nangangahulugang kalaayaan mula sa iba pang uri ng paniniil. Bagaman naiwan sa kasaysayan ang pagmamalupit ng mga banyagang mananakop, hinaharap naman ng Pilipinas sa kasalukuyan ang panibagong uri ng panggigipit na kapuwa naglulubog sa walang kapangyarihan at nagpapalawak ng agwat sa pagitan ng may kaya’t nasa laylayan. Ang Pilipinas ay nakapailalim sa mapanakop at mapansamantalang sistema ng kurapsyon at kahirapan.
Ang una sa maraming patunay nito ay ang paniniil laban sa mga pamilyang Pilipino sa pamamamagitan ng kakulangan ng mga oportunidad sa trabaho at paliit nang paliit na disposable income at purchasing power ng bawat tahanan. Nananatili pa ring mataas ang unemployment rate sa bansa, kumpara sa nagdaang taon, na sinasabayan pa ng tumataas na presyo ng bilihin (inflation) at bumababang halaga ng piso. Kaugnay din dito ang samu’t sari at hindi makatarungang buwis na ipinapataw sa mga mamamayan. Mula rito’y malinaw na ginigipit ng nawawalang pag-unlad ang bawat Pilipinong pamilya, lalo’t higit ang mga nasa low- at middle-income na mga uring manggagawa, na nagiging sanhi naman ng mas lumalawak na hindi pagkakapantay-pantay.
Ang ikalawang maliwanag na katibayan sa kasalukuyang mapansamantalang sistema ay ang paniniil laban sa lokal na ekonomiya ng bansa na nakaugat sa pag-asa ng Pilipinas sa pag-aangkat at limitadong pakikilahok sa pandaigdigang kalakalan. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, lalo pang lumaki ang trade deficit ng bansa, dulot ng tumataas na halaga ng mga produktong inaangkat nito. Kaugnay din sa usaping ito ang hindi matapos-tapos na pag-aangkin sa West Philippine Sea na nagpapahirap sa maraming mangingisda. Mapapagtanto na ang mabagal na pagpapasagana sa lokal na ekonomiya ng bansa ay pumipigil sa pagtatakda ng mas mababang presyo ng bilihin at sa pakikilahok ng bansa sa malawigang pandaigdigang produksyon.
Ang ikatlong mahalagang patunay pa sa paniniil ng sistema ay ang pagkakait sa pangkalahatang karapatan ng mga Pilipino sa pananagutan at hustisya. Ito ay masasalamin sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng kasalukuyang presidente at bise-presidente, kasabay ng nakakabulabog at nakakawalang galang na mga kaganapan sa senado nitong mga nakaraang linggo. Ang lantarang pag-aagawan sa mga posisyon, pagpapatahimik sa oposisyon, at pagsusulong ng kaniya-kaniyang interes ay sintomas ng mapanupil na sistemang nagbabalewala ng karapatan ng mga Pilipino sa katotohanan.
Mahalagang kinikilala ng bawat Pilipino ang Araw ng Kalayaan hindi lamang bilang tanda ng matagumpay na pagkawala sa mga tanikala ng Kastila, bagkus ay araw din ng pagharap sa panibagong mapanupil na puwersa. Ito rin nawa’y maging araw ng kolektibong paglaban sa pagkakahati ng lipunan dulot ng hindi pagkakapantay-pantay at hidwaang pulitikal. Sa pagkilala na tayo ay nakapailalim sa mapanakop na sistema ng kurapsyon at kahirapan, mapagtatanto rin natin na katulad ng mga propagandista’t mga pinuno ng mga kilusan sa ating kasaysayan na nagpalaya sa atin mula sa mga mananakop, mayroon din tayong kasalukyang kakayahang magpasimuno ng parehong mga kampanya na magpapalaya sa atin sa namamayagpag na sistema. Kaugnay nito ay ang tungkuling protektahan ang ating mga sarili at iba laban sa anumang uri ng red-tagging at misinformation.
Bilang pagbabaliktanaw sa makasaysayang tanda ng pagpapalaya, naninindigan ang UP Economics Towards Consciousness laban sa anumang anyo ng paniniil at, higit sa lahat, sa porma ng kurapsyong nagdudulot ng kahirapan at nagpapasakit sa lokal na ekonomiya’t maliliit na tahanan. Mariin kaming nananawagan para sa mas malalim na pagpapakahulugan sa kalayaan at sa mas mapanuring pagbabantay sa kalagayan ng bayan. Upang matagumpay na maisulong ang diwa ng pagkakaisa sa Araw ng Kasarinlan, inaanyayahan ng UP ETC ang bawat mamamayan na ibalik ang katapatan at karangalan sa sarili at sa bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng sistemang hindi basta makabayan, bagkus maka-Pilipino.
Ang tunay na malayang Pilipinas ay isang bayang hindi nagugutom at pinagnanakawan. Ang tunay na kalayaan ay ang pagkakaroon ng sistemang sa mga manlulupig, hindi nagpapasiil.
-128naDeklarasyonngKalayaan
References:
[1] Flores, N. F. (2015). Araw ng Kalayaan o Kataksilan? Rappler. https://www.rappler.com/voices/imho/96194-araw-ng-kalayaan-kataksilan/.
[2] Philippine Statistics Authority. (2026). Unemployment Rate Eased to 5.0 Percent in March 2026. https://psa.gov.ph/statistics/labor-force-survey/node/1684083411.
[3] Philippine Statistics Authority. (2026). Summary Inflation Report Consumer Price Index (2018=100) National Capital Region: April 2026. https://rssoncr.psa.gov.ph/statistics/cpi.
[4] Philippine Statistics Authority. (2026). International Merchandise Trade Statistics of the Philippines, April 2026 (Preliminary). https://psa.gov.ph/statistics/export-import/monthly.
08/06/2026
📣 : Amping, Mindanao!
The recent 7.8-magnitude earthquake in Mindanao has left many families in urgent need of assistance. We appeal for your support through monetary donations to help provide relief and aid to affected communities. Every contribution, no matter the amount, can make a difference. Kindly scan the QR codes below to donate.
BDO
VON EIRON MICKHELL MAKAINAG
0067 5023 7214
GCASH
VON EIRON MICKHELL MAKAINAG
0945 447 9025
BPI
VON EIRON MICKHELL MAKAINAG
5586731787
Lagi't lagi, Para sa Bayan 💙
27/05/2026
Sa gitna ng patuloy na krisis sa langis, suriin natin ang mga ipinapataw na buwis sa petrolyo, kasama na ang debate ukol sa suspensyon nito para sa pagbibigay ng agarang relief sa mga sektor na pumapasan ng bigat ng presyo vis-à-vis sa epekto nito sa pambansang pondo. Atin ding himayin ang mga implikasyon ng mga alternatibong polisiya tulad ng targeted aid, subsidies, at fare hikes.
Be PROGRESSIVE. Be CRITICAL. Be ASSERTIVE. 💙🤍🖤
22/05/2026
𝗘𝗧𝗖 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗢𝘂𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗶𝗻 #𝗛𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗨𝗣𝗗𝟮𝟬𝟮𝟲 & 𝗦𝗘𝗦𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟲–𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀
UP Economics Towards Consciousness proudly congratulates our members who stepped forward to serve the student body in this year’s elections.
We celebrate the victories of Lorenz Sy, Mico Xander Rubico, and Rheanne Nicole “Rhylle” Mogol, and we also commend Lance Gubat for courageously offering their service to the student body. Win or lose, your willingness to lead and stand for the interests of the students is already a meaningful achievement.
As ETC members now serving the broader student population, we wish you all a smooth and meaningful term ahead, and we hope you continue to embody the organization’s values of being critical, assertive, and progressive in your leadership and service to the people.
Be PROGRESSIVE. Be CRITICAL. Be ASSERTIVE. 💙🤍🖤
17/05/2026
Still looking for a reason to join this year’s UPFront?
Here’s something worth checking out: selected classes will be offering incentives for attending the event. Be sure to follow the guidelines provided, along with any additional instructions from your professor, to receive your points.
More classes are still expected to be confirmed, so stay tuned for further updates.
16/05/2026
Buong-pusong sinusuportahan ng UP ETC ang aming mga miyembro na tumatakbo para sa darating na School of Economics Student Council (SESC) at University Student Council (USC) Elections:
🤍 Lorenz Sy | for USC Students Rights and Services Councilor
🤍 Lance Gubat | for USC Finance Councilor
🤍 Mico Xander Rubico | for Economics Representative to the USC
🤍 Rheanne Nicole “Rhylle” Mogol | for SESC Education and Research Councilor
Sa kanilang walang sawang dedikasyon at mga nagawa para sa organisasyon, tiwala kami na bitbit nila ang mapanuring kaisipan at malalim na kamalayan sa pagtupad ng kanilang plano para sa positibong panlipunang pagbabago sa loob at labas ng Unibersidad.
Be PROGRESSIVE. Be CRITICAL. Be ASSERTIVE. 💙🤍🖤
15/05/2026
Be heard. Make it count.
Now is the time to bring your questions and concerns forward and put our future student leaders’ plans and commitments to the test. You may submit your queries for our candidates through the link or by scanning the QR code below.
bit.ly/UPFront2026Questions