13/10/2020
Sa pagpapatuloy ng ating series, sinagot namin ang tanong na: "Kailan maaaring tawagan ang NCMH Crisis Hotline?"
Tawagan ang aming linya kung ikaw o ang kakilala mo ay:
• Kailangan ng taong makikinig o kakausapin
• Nakararanas ng matinding problema o pinagdadaanan sa buhay
• Nakadarama ng depression, pangamba (anxiety), takot (fear), at/o panic attacks
• Nasa isang emergency situation at nangangailangan ng psychological first aid
• Napag-iisipang magpatiwakal o su***de
• Sinusubukang magpakamatay (su***de attempt)
• Sinasaktan ang sarili (self-harm)
• Nais malaman kung ikaw o ang kakilala ay may mental health concerns na dapat mapagtuunan ng isang mental
health professional
• Nangangailangan ng impormasyon sa iba pang available na mental health services
• Nais malaman ang pinakamalapit na mental health provider na maaaring bisitahin o tawagan
Tandaan na laging may handang dumamay at makinig sa iyo.
: Tumawag sa 24/7 NCMH Crisis Hotline: 1553 (Luzon-wide landline toll-free); 0917-899-8727 (USAP); (02) 7-989-8727 (USAP).
Para sa iba pang impormasyon, sundan kami sa Facebook (fb.com/ncmhcrisishotline) at Twitter (twitter.com/ncmhhotline).
20/08/2020
30/07/2019
26/05/2019
12/10/2018
12/09/2018
07/09/2018
05/09/2018
29/08/2018
13/08/2018