23/06/2016
MSF011
"TIME MACHINE"
Napakasarap mainlove alam natin yan kahit simpleng crush o paghanga lang ang saya kaya sa feeling na lagi kang inspired kahit mainit ulo mo pag nakita mo lang sya okay kana buo na agad araw mo lalo na pag nalaman mo na gusto ka rin pala nya hayy heaven
4th yr. student ako dati, a simple girl with a simple dream ang mapansin ng taong gusto ko 1st week pa lang ng klase I saw a guy standing outside of our room mukang may inaantay pero snob ko lang, actually cute sya Unang kita ko pa lang sa knya gwapong gwapo na talaga ko kahit parang ang cold ng aura niya. Dumaan yung maraming weeks na madalas ko syang nakikita napagwapo nya talaga :") Kahit ang liit nya then I started crushing on him, pero nalaman ko na he's a grade 7 student pala so nadown ako kasi mas bata pa pala sakin ung nagustuhan ko hayy pero narealize ko rin naman na wala namang mali na magustuhan ko siya dahil "hinahangaan" ko lang naman sya. Kaya hinayaan ko na lang tong feelings ko lakas nga ng tama ng mga kaibigan ko sabihan ba naman ako ng child abuse daw ay grabe parang crush lang nmn eh. Pero nalaman ko na gusto rin pala sya ng friend ko hahaha haba ng hair ni kuya ang daming nagkakagusto.
Then one time magkakasama kami magkakaibigan, uwian na nun tapos nasa may stage si guy na grade 7 my friends told me na magpapicture dun pero nahihiya ako sobra kahit na alam ko na mas bata pa sakin yun nahihiya padin ako pero pinagtutulukan parin ako ng mga friends ko babait nila diba tapos nandun pa yung isa naming classmate na boy na maingay actually close nya yung grade 7 na crush ko kaya ayun no choice kundi magpapicture ang awkward pa nga eh ang haggard ko nun di man lang nila ako pinag-ayos "simplicity is beauty" daw. Pero atleast may picture kami :") Eh kaso nga lang bago ako makapagpapicture, I saw a girl sitting beside him and I found out it was his girlfriend.
May girlfriend na pala sya! sakit naman nun char! Crush na nga lang masasaktan kapa pero okay lang ulit kasi nga "crush" ko lang sya. Crush namin ng isa kong friend gwapo kasi talaga niya lakas ng appeal :") kahit may girlfriend siya ng time na yun crush ko parin sya . Pag dadaan sya sa may hallway tatakbo agad kami nung friend ko masulyapan lang siya kahit naiinis kami dun sa girlfriend niya haha then one day nalaman na lang namin na break na sila o diba updated grabe talaga yung impact sakin ng boy na to medyo matagal ko na rin syang nagugustuhan may time pa nga na nakita ko sya maglaro ng badminton ang galing sobra! kaso eto namang friend ko na may gusto din sa kanya 123 paraparaan din eh nakipaglaro siya so eto naman ako hanggang tingin lang
Madalas akong mainggit dun sa friend ko bakit? Kasi lagi syang nakakapagpapicture sa kanya sa tuwing may event sa school minsan pa nga naiisip ko na baka gusto rin sya ni crush nako wag naman sana & oo nga di sya gusto sadyang mabait & di lang pala snob si crush kaso haha meron nanamang problema nalaman ko na gusto nya yung isa kong classmate sobra na crush ah masakit na but, may good news! Same age lang pala kami nako naman so, di ko alam kung matutuwa ba ko tsaka kahit matuwa or what wala namang magbabago iba parin yung gusto nya si classmate at hindi ako
Hayy andun na lang tuloy ako sa malayo kausap yung isa kong kaibigan na habang tinititigan si crush nakikipagkwentuhan minsan ko ng nasabi na hanggang tingin na lang siguro talaga ako Kaya pinilit ko na tanggalin na tong feelings na to ayoko na haha
Sa wakas naman sumuko na rin ako tinulungan ko na lang yung friend ko na may gusto sa kanya na mapansin nya so naging friends naman sila pero si girl talaga na classmate namin yung gusto ni boy so wag kana umasa friend
Madalas naming nakikitang magkasama si classmate & si boy tuwing break time & uwian pero dahil nga sa di ko naman na siya crush di nako nagpapaapekto
May advantage rin pala yung pagkawala ng feelings ko kasi natulungan ako nito na medyo mapalapit sa kanya & kapag magkakasalubong nagkakangitian . Isang gabi nagulat na lang ako nung bigla syang nagchat: Hi ate ikaw po ba yung nililigawan ni..... then I replied yes dun na nagsimula yung conversation namin about dun sa boy who's courting me at that time
Kapag nasa school na pag nakikita nya ko lakas ng tama nya mang asar haha feeling close agad to si ex crush noh everytime I saw his smile, his laugh lalo pala syang gumagwapo nasanay kasi akong makita siya na ang cold ng aura. Pero syempre kahit mapang asar sya hindi ko iniisip na baka siguro may gusto rin siya sakin kasi alam ko naman na si classmate yung gusto nya mukang mahal na nga nya yun eh kasi sakin siya nag oopen nice naman si ex crush kahit di pa kami medyo magkakilala nag oopen na agad sakin
Graduation day na Masaya na malungkot kasi syempre maghihiwa hiwalay na kami magkakaklase, yung mga friends ko di ko na makakasama araw araw, mga teachers na tiniis kami at minahal mamimis ko sobra & syempre si ex crush, syempre naging part rin sya ng highschool life ko "ultimate crush" nga ehh tawag ko sa kanya noon. After ng graduation ceremony I saw him & my classmate took up pictures together arrrrhh! Sweet pero nung nakita nya ko nginitian lang ako di man lang ako binati ng congratulations grabe sya Pero akala ko yun na yung huling araw na makikita ko siya hindi pa pala kasi pinabalik kami sa school after a few days nakalimutan ko na kung anong reason ah ayun! Farewell party pala So, nagkita nanaman kami kasama niya yung guy na suitor ko hayy ayan nanaman siya mang aasar ng paulit ulit napakakulit niya pala talaga parang bata pero ka age ko lang sya
Yun na pala talaga yung last day na makikita at maaasar niya ko ewan ko ba kung malulungkot ako ng sobra parang sobrang bigat ng nararamdaman ko alam ko naman na wala na kong gusto ginive up ko na yung feelings ko pero bakit parang ang hirap na hindi ko na pala siya makikita masaya naman na ko dun sa isa I tried to open my heart to someone else na gagawin ang lahat mapasaya nya lang ako pero bakit ganito ang hirap padin
Vacation time sinagot ko yung guy pero sandali lang naging kami dahil may nalaman ako na kinasakit ng feelings ko
Tinext ako ni ex crush kinomfort niya ko nung mga oras na ang sakit sakit pa rin nandyan siya at mga kaibigan ko pero wala paring pumapasok sa isip ko na bakit kaya siya ganyan sakin? Parang may iba pero siguro nga concern lang talaga siya minsan na nya kong inaya kumain sa labas di siya nagsawang icomfort ako hanggang sa dumating na yung time na makamove on ako andyan parin siya. Sa tagal na naming nagkakausap, nagkakasama, napapasaya niya na ako natatakot parin ako kasi baka mafall ako ng walang sa oras yun yung pinakaayaw kong mangyari ang magustuhan siya ulit dahil alam ko naman masasaktan lang ako si classmate yung mahal niya hindi ako lagi ko yang pinapaalala sa sarili ko
Yung mga oras na lumalabas na kami, nanunuod ng sine ayoko pa rin mag assume tsaka friendly date lang yun walang malisya sa araw araw na katext ko sya, kausap sa phone andami kong nalalaman tungkol sa kanya and kahit pag magkasama kami grabe di ko na kaya nahihirapan na ko, nalilito na yung feelings ko siguro nga talaga unti unti na kong nahuhulog nag open siya sakin isang beses ilelet go na daw nya yung girl na minahal niya kasi imposible na yung sa kanila ayaw nya ng umasa dun, mahirap ng magsisi sa huli kaya sinisimulan niya ng mahalin yung isang babaeng sinaktan lang. (ako) naiyak ako Madalas na kaming umaalis, manuod ng sine, kumain together, umuwi ng sabay pag galing ako dun sa bestfriend ko sobrang saya at buo ang araw ko pag nakakasama ko siya. Nanligaw siya, naging mas comfortable ako sa kanya, mas lalo ko siyang nakilala & sa huli naging kami ang sarap mainlove sobra maiiyak ka sa sobrang tuwa
Pero may nangyari sa di ko inaasahang pagkakataon hindi nagwork yung relationship namin Iniwan niya ko dahil sa mas pinairal ko yung pride ko di ko siya inintindi may pagka moody rin kasi ako. Then one time naggive up na sya akala ko tatagal kami kasi nung hindi ko pa sya sinasagot matagal na kaming comfortable sa isat isa pero nung naging kami na may nabago . Nung nakakaramdam nako na unti unti na syang sumusuko hindi pumasok sa isip ko na sukuan din siya mahal na mahal ko siya kaya di ako magigive up binigyan ko sya ng time na mag isip, bigyan ng space muna.
But, before the new years eve he texted me na di niya na kaya and mas okay na maging magkaibigan na lang kami ouch durog na durog ako so it means ayaw na niya, break na kami sobrang sakit grabe para akong isang bata na iniwan lang ng isang tatay o nanay na halos mawalan na ng hininga kaiiyak wala akong maiyakan walang wala kundi ang unan ko lang
Ang saklap ng pasok ng 2016 sakin grabe pasabog . Nagsimula yung unang araw ng 2016 paggising ko na wala na pala siya sa buhay ko, durog na durog ako na kahit mga kaibigan ko nauubusan na at paulit ulit ng payo sakin di ko parin kayang ipaintindi sa sarili ko na wala na sya sa buhay ko tama na wag mo ng saktan ng paulit ulit ang sarili mo HINDI KA NA NIYA MAHAL
After our break up sinubukan kong kalimutan siya, nagfocus muna ko sa school, review a lot, hanging out with friends, mag focus sa bias ko from a boy group, sumama kay mama magbakasyon, magpakasaya ienjoy ang summer kasama ang family, let be free Pero...................... mahirap parin talaga sinubukan ko naman kalimutan siya tinry kong magkagusto sa iba pero mahirap turuan ang puso, akala ko move on na ko pero di pa pala, nagbigay ako ng letter sa kanya pero huli na pala ang lahat he was already in a relationship akala ko d nako iiyak, akala ko di nako babalik sa dati , akala ko di na babalik lahat ng sakit & sa nalaman ko pa na may girlfriend na siya sakit sobra
Masakit parin pala hanggang ngayon kung magkakaroon lang ako ng chance gusto ko siyang makita, makitang masaya kahit sa ganun lang na bagay makita ko lang siya na masaya di man ako yung rason ng pagngiti nya, pagtawa niya sapat na sakin yun malaman ko lang na okay lang siya, kahit ako pa yung mas nasasaktan
Namimis ko na siya kamusta na kaya siya? at kahit masakit man sa side ko sana masaya siya kasama yung girl na nagpapasaya sa kanya 6 months na rin ang nakalipas ng hiwalayan niya ko at hanggang ngayon walang nabago MAHAL KO PARIN SIYA tulad nga sa isang lyrics ng kanta “And even if I cry a thousand tears tonight, would you come back to me?” sana nga.
Pangarap ng mga babae like me na magustuhan o mahalin rin siya ng taong gusto niya kahit hindi yun possible sa iba, pero sa story ko naranasan ko na mahalin ako ng taong gusto ko "ultimate crush" nga gaya ng sabi ko pero kahit sa sandaling naranasan ko yun naging masaya ako at walang pinagsisihan. And sa huli thankful parin ako kasi pinakilala siya ni God sakin, isa yun sa greatest gift na natanggap ko
Sa ngayon isa na syang grade 9 student sa MRHS.
TIME MACHINE please
MRHS
Batch 2014-2015
2nd Year College- Ganda☺
FEU Tourism