24/08/2026
🇵🇭 BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 🇵🇭
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, ating binibigyang-halaga ang wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at edukasyon.
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mahalagang katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pananaliksik at pagkatuto, habang ang wikang Filipino ay nagsisilbing tulay upang mas madaling maunawaan at mapakinabangan ang yaman ng impormasyon.
Sa pamamagitan ng wastong pag gamit ng wika at makabagong teknolohiya, sama-sama nating linangin ang isang henerasyong mapanuri, malikhain, at responsable sa paggamit ng kaalaman.
🌾 Wika ang ating pagkakakilanlan.
💻 Teknolohiya ang ating kasangkapan.
📚 Kaalaman ang ating kayamanan.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! 🇵🇭✨