21/09/2026
SMC REMEMBERS. WE WILL NEVER FORGET.
Setyembre 21: Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-54 na anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa Pilipinas.
Bilang bahagi ng paggunita, nagsagawa ng panalanging bayan sa pangunguna ng piling mag-aaral mula Baitang 4 hanggang Baitang 12. Sa bawat panalangin, may simbolismong inialay na sumasalamin sa ating mga adhikain na patuloy na ipaglaban ang kalayaan, katarungan, at kapayapaan.
Kasabay nito, ating inaalala at ipinapanalangin ang mga martir at bayani na nag-alay ng kanilang buhay at tapang sa paglaban sa Martial Law at sa pagtatanggol ng ating mga kalayaan.
Sa paggunita, dala natin ang panawagang patuloy na pangalagaan ang alaala ng ating kasaysayan, pakinggan at alalahanin ang mga tinig ng mga nakaranas ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao, at matuto mula sa nakaraan upang hindi na maulit ang mga karanasang nagdulot ng pagdurusa sa ating bayan.
Nawaβy magsilbing paalala ang kanilang mga sakripisyo na ang kalayaan, katarungan, at kapayapaan ay mga pagpapahalagang dapat nating patuloy na pangalagaan at ipagtanggol.
Never again. Never forget.