lang araw na lang at eleksyon na.Lalong umiinit ang mga bangayan ng bawat panig ng mga kandidato at marami ang may kanya-kanyang reaksyon mula sa kanilang taga suporta. Halos lahat ng reaksyon na nababasa ko sa social media ay puro patama at galit laban sa mga katungali ng kanilang kandidato.
Mga kasama sana magnilay-nilay lang tayo at wag tayong magpadala sa gimik ng bawat kandidato, mas makakabuti kung pag-aaralan muna nating mabuti ang bawat sitwasyon at wag tayong magpapadala sa bugso ng ating damdamin.
Matanong nga kita. Una,kilala mo na ba ng lubusan ang iyong kandidato ng hindi kumukuha ng impormasyon sa ibang tao o nabasa lang sa social media? Pangalawa, kung talagang kilala mo na sya ano-ano ang kanyang platorma?Pangatlo, sino-sino ang mga makikinabang dito?at Pang-apat,sa paanong paraan nya magagawa ito?
Kaibigan ang bawat boto natin ay mahalaga at kailangan ng malalimang pag-iisip kung sino ba sa kanila ang dapat umupo sa pwesto. Huwag sanang sumunod sa uso lang para masabing "Cool" ka. Subukan sana natin sagutin ang apat na katanungan sa taas kung ang kandidato nga natin ang magiging sagot. Sana natuto na tayo sa mga nagdaang panahon, maging matalinong botante at responsableng mamamayan ng ating bansa dahil laging nasa huli ang pagsisisi!
"We create our own evil"
MMC ROTC Council 2012-2013
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MMC ROTC Council 2012-2013, School, Jordan Plains Subdivision Moses Street, Novaliches, Quezon City.
THE COUNCIL OFFICERS
Darrell Papilla
President
Ricky Serdeña
Vice President
Jecil Saragoza
Secretary
Kathleen Khristal Lim
21/05/2013
May 2013
TUMIGIL KA NGA! NAKAKAIRITA KA NA! (UNJUST VEXATION)
Minsan may mga tao talagang buwiset sa buhay, kahit na wala kang ginagawa sa kanya ay madalas kang iinisin at guguluhin. Ito ang tinatawag nating epal, pakialamero’t-pakialamera, maingay, magulo at matindi pa nito “Ang kapal ng mukha!” (naisip mo bigla sya noh? Grrrrr!!!). Ayaw mo namang patulan dahil di kayo magka-level (hanep! level-up na ito) kaya ang ginagawa mo ay umiwas na lang para wala ng gulo dahil ayaw mong mabahiran ang iyong pagiging dugong bughaw(wow!).
Pero lahat ng ito ay may hangganan, at dapat mabigyan ng leksyon ang mga ganitong tao (yari ka ngayon ugok ka!). Kaya yung may mga magaspang na ugali dyan na walang pakialam sa taong nababastos nila o may pakialam man pero nakaka-perwisyo na at pinipilit na ipagyabang ang kanilang jejemon attitude (elow poow, jejeje!) heto at makinig kayo dahil kasong kriminal ang haharapin nyo.(lagot!)
UNJUST VEXATION
Ayon sa Article 287 ng Revised Penal Code, Unjust vexation ang tawag sa kasong maaaring isampa sa isang tao na bagama’t hindi gumagawa ng pisikal o materyal na paglabag ay gumagawa naman ng mga bagay na”NAKAKAIRITA”, “NAKAKASAGABAL”at “NAKAKAISTORBO” sa isang tao .
Bukod sa pagsampa ng kasong kriminal para sa unjust vexation ay maaari rin siyang kasuhan ng isang kasong sibil para sa danyos (Damages) alinsunod sa probisyon ng Article 26 na nagsasabi na:
“Article. 26. Every person shall respect the dignity, personality and privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other reliefs:”
(1) Prying into the privacy of another’s residence;
(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;
(3) Intriguing to cause another to be alienated from his friends;
(4) Vexing or humiliating another on account of his religious
beliefs, low station in life, place of birth, physical defect or other personal condition.
Kaya sana manahimik ka na lang at maging sensitibo ka sa nararamdaman ng ibang tao. Lahat tayo binigyan ng karapatan para mamuhay ng tahimik at malaya.Hindi na uso ang “Angas System” ngayon, dahil ang mga taong mayayabang/pasikat para makasakit ng damdamin ng iba ay kinukulong sa masikip,mabaho at madilim na selda, pero wag ka mag-alala may choice ka pa rin dahil pwede ka ikulong sa maluwag na selda ng MPD at sigurado mang-aagaw ka rin ng baril, ika nga ni Mayor Lim.
Sana nadagdagan naman po ang inyong kaalaman, dahil gusto ko pong ipamahagi ang aking sariling natutunan dahil naniniwala ako na “A LAW A DAY, KEEPS THE PULIS AWAY”. Ingat po palagi, Chow!
SHOW SOME RESPECT!!! (DIRECT ASSAULT)
Kahapon ay nagulat ako sa napanood ko na isang higanteng basketbolistang imported ang nagwawala sa isang hotel sa Quezon city, dahil siya ay nanakawan ng kanyang mga chikababes. Tumawag ang hotel management sa Pulis para awatin ito, pero sinapak pa niya ang matandang Pulis at bulagta sa sahig (K.O!). Dinala ang basketbolistang imported sa istasyon ng Pulis at Hooolaaa!!!, siya pa ang siga at umupo pa sa ibabaw ng Desk officer at dinuro pa ang hepe ng pulisya. (Dinaan kasi sa laki).
Syempre kapag ako ang hepe at ginawa sakin yun malamang selda ang bagsak mo. Ano nga ba ang dapat ikaso sa mga walang respeto sa “Official” at sa mga “Person’s in Authority”?. Basahin mo itong mabuti para maiwasan mong makulong sa napakainit, napakasikip at mabahong selda, at sasabihin mo sa sarili na “Sa sana nagpenitensya na lang ako,nabawasan pa kasalanan”.
DIRECT ASSAULT
Ayon sa Art. 148 ng Revised Penal Code (RPC) ang sino man manakit, manakot, mangurot, singahan o maglaban sa isang “person in authority” o kaya sa mga alalay nito na kung tawagin ay “agents of person in authority” habang ginagampanan ang kanilang opisyal na tungkulin ay paparusahan ng pagkakulong (prision correccional-minimum period,6 months and 1 day to 6 years) at multa na tumataginting na P500.
Kung ang akusado ay gumamit ng sandata (what a word, naiisip ko tuloy yung itak ni Andres Banifacio) o ‘di kaya’y isa rin siyang opisyal o empleyado ng gobyerno, mas matindi ang parusa (prision correccional-medium to maximum period) at mas mataas ang multa (P1,000 wow, baka mamulubi ang akusado niyan).
Eto ang buong sabi ng batas, para sa mga walang tiwala sa English-Filipino translation powers ko:
“Art. 148. Direct assaults. — Any person or persons who, without a public uprising, shall employ force or intimidation for the attainment of any of the purpose enumerated in defining the crimes of rebellion and sedition, or shall attack, employ force, or seriously intimidate or resist any person in authority or any of his agents, while engaged in the performance of official duties, or on occasion of such performance, shall suffer the penalty of prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding P1,000 pesos, when the assault is committed with a weapon or when the offender is a public officer or employee, or when the offender lays hands upon a person in authority. If none of these circumstances be present, the penalty of prision correccional in its minimum period and a fine not exceeding P500 pesos shall be imposed.:
Person in Authority
Sino ba itong “person in authority?” Ayon sa Art. 152 ng RPC, sila ay ang mga taong direktang binigyan ng “jurisdiction” tulad ng mga hukom, opisyal ng “governmental corporation,” “board” o “commission” tulad ng mga politiko simula Presidente hanggang Barangay Chairman.
Agents of Person in Authority
Ang mga alagad ng “person in authority” naman ay ang mga elected (ahemm, yours truly) o tinalaga (appointed,si SGT to ah!) ng batas bilang tagapangalaga ng katahimikan (maintenance of public order) at tagapagtanggol ng buhay at ari-arian (protection and security of life and property – Pasok si Superman dito!)
Sila ay ang mga pulis, barangay tanod, sheriff, etc. na nagpapatupad ng mga utos ng “person in authority.”
Kaya sana ay wag basta-basta magpapadala sa init ng ulo at irespeto ang mga taong nilagay sa pwesto, aminado din ako na ang iba ay abusado pero hindi naman lahat. Napakahirap ang pinagdaanan nila para lang pagsilbihan at tulungan kayo. Sana ay nabigyan kayo ng bagong kaalaman at laging tatandaan na “ Huwag na huwag maniniwala sa sabi-sabi” pag-aralan munang mabuti dahil “MAS LAMANG AY MAY ALAM”! CHOW!.
TO ALL METRONIANS; HERE'S THE LINK OF OUR NEW ACCOUNT OF CAF https://www.facebook.com/ #!/pages/Criminology-Action-Force-of-Metro-Manila-College/634093746607095?fref=ts
PLEASE CLICK FOR THE UPDATE OF OUR ORGANIZATION. THANKS!
Criminology Action Force of Metro Manila College “Wag kang titingin sa mga nakakasilaw na bagay na nagdudulot ng ating pagkakasala, bagkus ay tumingin ka sa mga madidilim na lugar kung saan ikaw ang magsisilbing liwanag mula sa kadiliman” -Papilla D.S
22/03/2013
CAF Oath taking Ceremony 3/22/2013
In this life, We cannot do GREAT things. We can only do small things with GREAT love. - Mother Teresa
I WOULD LIKE TO SUPPORT ALL METRONIANS ROTC REPRESENTATIVE (SUT, M16, MAP READER AND MEDICS) GOOD LUCK GUYS! MAKE MMC PROUD! SALUTE!
OO! MAY KARAPATAN AKO.
Nagka-problema ka na ba ng Legal?
Karamihan sa ating problema kaya nating pag-paliban o takasan kung gugustuhin.
Pag may problema ka sa syota mo, pwede mo siyang iwasan at i-text mo siya na “it’s not you, it’s me“. O kung may problema ka naman sa tatay at nanay mo, maari kang lumayas at tumuloy sa kabarkada mo at bumalik ka na lang sa bahay kapag na-gutom ka o kailangan mo nang maligo dahil puro s**a damit mo kinagabihan dahil naglasing kayo.
Pero kung may problema ka sa batas…naku patay kang bata ka. Sabi nga nila, “you can run, but you can’t hide“. Subukan mo iwasan ang summons at subpoena ng korte, at isang araw ay magugulat ka nalang may darating na Court Sheriff sa harap ng bahay mo at hahakutin lahat ng gamit mo para ibenta at ipambayad sa mga obligasyon mo. Huwag ka mag-alala, ititira naman sa’yo yung brief mo.
Buti kung ganoon lang. E papano kung may kasama nang pulis at warrant of arrest na pala ang dala. Ang malas mo, kung Biyernes kapa hinuli at walang bukas na Korte hanggang Lunes. Happy weekend na lang sa detention center kasama ang nagsisiksikang mga detainees sa seldang 3×3 meter ang laki na may lamang 50 katao.
May problema ka ba sa pinatatrabahuhan mo? Hindi sapat ang sweldo? O basta ka na lang bang tinanggal kinabukasan dahil ayaw makita ng boss mo ang pangit mong mukha? Ipapasa-Diyos mo na lang ba? O reresbak ka kasama ang buong angkan mo? Happy weekend ulit sa kulungan ‘pre.
Lahat tayo sa mata ng batas pantay-pantay. Oo, alam ko na minsan parang pang-mayaman lang ang hustisya. Pero hindi ito ang dahilan para hindi lumaban. Kung alam mo ang karapatan mo. Hindi ka basta-basta maloloko. Hindi ka basta-basta makokotongan ng mga pulis. O basta ka na lang dadamputin ng mga barangay tanod na walang dahilan.
Kung alam mo ang karapatan mo, sa susunod na huhulihin ka ng pulis at sa tingin mo wala ka namang nilabag na batas. Malakas ang loob mo na tanungin:
Bakit pare, ano problema bukod pa sa mukha mo?
Maraming Salamat po sa lahat ng bumoto sa partidong "PRO ACT". Gagawin po namin ang aming buong makakaya upang kayo ay matulungan. Sana po ay suportahan ang aming mga plano tungo sa ikakabuti at pagbabago ng ating departamento. "I Salute all Criminolgy students for being a wise voter!" Nanaig ang parin ang demokrasya!
Panginoon, Maraming salamat po sa pag-gabay nyo sa mga estudyanteng naliwagan sa inyo. Lalo po akong nanalig sa inyo dahil pinaramdam nyo na ang kabutihan parin ang naghari. Gagawin ko po ang aking makakaya upang matulungan sila para sa ikaka-ayos ng kanilang buhay.Bigyan mo po ako ng lakas para harapin ang hinaharap tungo sa pag-asenso ng aming buhay.
Kung gusto mo talaga ng pagbabago ay dapat simulan mo muna sa iyong sarili. Kung hindi ka kuntento sa nangyayari sa paligid mo, bakit hindi ka kumilos at makialam? Hindi uunlad ang isang pamayanan kong ikaw ay nakatunganga lamang.
Bakit hindi ka mag-isip kung ano ang magagawa mo sa pag-unlad ng buhay?bakit puro tanong na lang? subukan mong hanapin ang kasagutan,oo ikaw nga! May magagawa ka,dahil ang bawat isa ay dapat may partisipasyon tungo sa ikauunlad ng bansa natin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Jordan Plains Subdivision Moses Street, Novaliches
Quezon City