06/06/2026
📢 PABATID SA MGA MAG-AARAL 📢
Magandang araw, Osmeñans!
Upang maging maayos ang pagsisimula ng taong panuruan 2026–2027 sa Hunyo 8, 2026 (Lunes), narito ang listahan ng mga pangalan ng gurong tagapayo mula baitang 7-10.
Narito naman ang mga gusali kung saan matatagpuan ang silid aralan ng bawat baitang:
Baitang 7- Calalay at Osmeña Bldg.
Baitang 8- Mathay Bldg.
Baitang 9-DepEd Bldg.
Baitang 10- Osmeña Bldg.
Inaabisuhan ang lahat ng mga mag-aaral sa Baitang 7-10 na makiiisa sa pagtaas ng ating pambansang watawat sa lunes ika-8 ng Hunyo, 2026 sa ganap na 6:30 n.u.
Pagkatapos ng seremonya sa pagtaas ng Bandila ng Pilipinas, paalala lamang po na magkakaroon ng oryentasyon para sa mga mag-aaral sa Baitang 7 kasama ang kanilang mga magulang sa SOSHS Lobby. Ang ibang mga mag-aaral mula Baitang 8-10 ay papasok na sa kani-kanilang silid-aralan.
Hunyo 9, 2026 (Martes)
Ang mga mag-aaral ng Baitang 8 at ang kanilang mga magulang ay dadalo sa Oryentasyon sa SOSHS Lobby sa ganap na 7:00 n.u. Samantala, nasa loob naman ng silid aralan ang Baitang 7, 9, at 10.
Hunyo 10, 2026 (Miyerkules)
Ang mga mag-aaral ng Baitang 9 at ang kanilang mga magulang ay dadalo sa Oryentasyon sa SOSHS Lobby sa ganap na 7:00 n.u. Samantala, nasa loob naman ng silid aralan ang Baitang 7, 8, at 10.
Hunyo 11, 2026 (Huwebes)
Ang mga mag-aaral ng Baitang 10 at ang kanilang mga magulang ay dadalo sa Oryentasyon sa SOSHS Lobby sa ganap na 7:00 n.u. Samantala, nasa loob naman ng silid aralan ang Baitang 7, 8, at 9.
Regular na tingnan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan para sa mga karagdagang detalye.
Maraming salamat at nawa'y maging handa ang lahat para sa panibagong taong panuruan!