11/05/2026
Tuloy-tuloy ang pagtanggap ng Apolonio Samson ES sa mga kabataan at may-gulang na nais mag-enrol sa programa ng Alternative Learning System.
Narito ang mga kwalipikasyon:
👉 Basic Literacy Program (BLP) – Para sa mga 12 taong gulang pataas na hindi nakapagtapos ng Kindergarten
👉 Elementary Level – Para sa mga 12 taong gulang pataas na hindi nakapagtapos ng Grade 6
👉 Junior High School Level – Para sa mga 16 taong gulang pataas na hindi nakapagtapos ng Grade 10
Mangyari lamang na magtungo sa paaralan upang magsagot ng pre-enrolment slip tuwing Lunes hanggang Huwebes, simula Mayo 18, 2026, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.
Para sa iba pang katanungan, maaaring mag-iwan ng mensahe sa contact number na nakatala sa poster.