24/03/2026
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْم
MUSABAQAH DAY 2
Alhamdulillah, natapos natin ang ikalawang araw ng ating Musabaqah—mas lalo pang pinatingkad ng sigla, husay, at determinasyon ng bawat kalahok.
Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo nating nakikita ang kahalagahan ng kaalaman at ang bunga ng pagsisikap para sa kapakanan ng ating Deen.
📖 Hadith:
قال رسول الله ﷺ:
إِنَّ اللَّهَ وَمَلَائِكَتَهُ وَأَهْلَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ حَتَّى النَّمْلَةَ فِي جُحْرِهَا وَحَتَّى الْحُوتَ، لَيُصَلُّونَ عَلَى مُعَلِّمِ النَّاسِ الْخَيْرَ
"Katotohanan, si Allah, ang Kanyang mga anghel, at ang mga nilalang sa langit at lupa—kahit ang langgam sa kanyang lungga at ang isda sa dagat—ay nagpapadala ng pagpapala sa taong nagtuturo ng kabutihan."
(Hadith – Tirmidhi)
Nawa’y maging inspirasyon ito sa atin upang ipagpatuloy ang paghahanap at pagbabahagi ng kaalaman para sa kaluguran ni Allah ﷻ.
Day 2 na ito ngunit mas lalong umiinit ang laban at mas tumitibay ang pananampalataya. In shaa Allah, tuloy-tuloy pa ang tagumpay!