22/10/2025
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗱𝗷𝗮𝗱𝗮𝗵, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗠𝗲𝗹𝗲𝗻𝗰𝗶𝗼 𝗠. 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗲𝗹𝗼 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹!
Isang napakagandang Sabado ang naganap noong Oktubre 18, 2025, nang personal na magtungo si 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐲𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐑𝐚𝐬𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫 upang mamahagi ng 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧𝐠 (𝟏𝟎𝟎) 𝐩𝐫𝐚𝐲𝐞𝐫 𝐦𝐚𝐭 (𝐒𝐚𝐝𝐣ā𝐝𝐚𝐡) para sa mga mag-aaral ng Madrasah Education Program ng Melencio M. Castelo Elementary School!
Buong kagalakang sinalubong si Kapitan Doctor ng butihing Punong-g**o na si 𝑫𝒓. 𝑴𝒆𝒓𝒄𝒆𝒅𝒆𝒔 𝑴. 𝑭𝒍𝒐𝒓𝒆𝒔, kasama sina Teacher Monitor 𝑱𝒖𝒏𝒂𝒊𝒍𝒂 𝑺. 𝑴𝒂𝒄𝒂𝒑𝒂𝒂𝒓, Madrasah Chairman 𝑨𝒃𝒅𝒆𝒍𝒋𝒂𝒃𝒃𝒂𝒓 𝑴. 𝑴𝒂𝒄𝒂𝒓𝒊𝒎𝒃𝒐𝒓, at ang mga g**o na sina 𝑨𝒍𝒆𝒆𝒎 𝑨𝒃𝒖𝒍𝒂𝒊𝒔 𝑩. 𝑨𝒍𝒊𝒂𝒔𝒈𝒂𝒓, Ustadha 𝑾𝒂𝒕𝒉𝒂 𝑴. 𝑶𝒎𝒂𝒓, at Ustadh 𝐀𝐦𝐢𝐥𝐨𝐝𝐢𝐧 𝐀. 𝐃𝐢𝐦𝐚𝐩𝐢, kasama ang masisiglang Madrasah learners.
Ang mga Sadjādah na ito ay malaking pakinabang para sa mga mag-aaral sa tuwing isasagawa nila ang kanilang 5 times daily prayer. Ang biyayang ito ay mabilis na tinugunan ni Kapitan Doctor matapos itong irequest ng ating masipag na Madrasah Chairman.
Muli, ang buong komunidad ng Madrasah Education Program ng Melencio M. Castelo Elementary School, sa pamumuno ni Ginang Punong-g**o Dr. Mercedes M. Flores, ay lubos na nagpapasalamat sa napapanahong at makabuluhang donasyong ito!
゚viralシfypシ゚viralシ