29/07/2026
PHA Annual Conference 2026
โkas[AI]sayan: Pananaliksik at Pagtuturo ng Kasaysayan sa Panahon ng AIโ
GSIS Museo ng Sining | 28-29 Oktubre 2026
Inaanyayahan ng Philippine Historical Association (PHA) ang lahat na lumahok sa PHA Annual Conference 2026 na may temang โkas[AI]sayan: Pananaliksik at Pagtuturo ng Kasaysayan sa Panahon ng AI.โ
Nagdudulot ng malawakang pagbabago sa paraan ng pangangalap, pagsusuri, pag-uugnay, paglikha, at pagpapalaganap ng kaalaman at karunungan sa ibaโt ibang disiplina ang pag-usbong at pag-unlad ng artificial intelligence (AI). Sa larangan ng Kasaysayan, nagsisimula nang baguhin ng mga teknolohiyang AI ang kaparaanan ng pananaliksik, pagtuturo sa silid-aralan, at pakikipag-ugnayan ng publiko hinggil sa nakaraan. Mula sa awtomatisadong transkripsyon at salin ng mga dokumentong historikal hanggang sa paggamit ng AI sa pagsusulat, pagtuturo, at pagkatuto, nahaharap ngayon ang mga historyador at g**o ng Kasaysayan, hindi lamang sa mga bagong oportunidad, kundi pati na sa mga bagong hamong etikal, legal, at sosyal.
Nilalayon ng kumperensiyang ito na magsilbing plataporma para sa mga talastasan ukol sa nagbabagong ugnayan ng pananaliksik at pagtuturo ng Kasaysayan at AI sa kontemporanyong panahon. Kinikilala nito na bagamaโt nakatutulong ang AI sa pagpapalawak ng akses sa mga batis historikal, pagpapabilis ng pagsusuri sa mga datos historikal, pagpapayaman ng paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng Kasaysayan, at pagpapahusay ng pagpapalaganap ng kaalaman at karunungang historikal, nagdudulot din ito ng mahahalagang usapin hinggil sa pagtatakda ng kapaniwalaan at katotohanang pangkasaysayan, pagtitiyak sa pagkamay-akda sa mga sulating pangkasaysayan, pagtataguyod ng akademikong integridad, paglilinang ng kritikal na pag-iisip, at pagpapanatili ng makataong pananaw sa pagpapakahulugang pangkasaysayan.
Inaanyayahan ang mga historyador, akademiko, iskolar, g**o, mag-aaral, arkibista, aktibista, digital na praktisyoner, manggagawang kultural, at iba pang interesado na magsumite ng abstrak ng kanilang pag-aaral hinggil sa ugnayan ng AI at gawaing historikal. Kung matanggap, dapat isumite ang buong papel bago ang kumperensiya. Naaayon, ngunit hindi limitado, ang mga panukalang papel at panel sa mga sumusunod na sabtema:
โข Historiko-Kultural na Representasyon ng AI sa Kasaysayan
โข Kasaysayang Pampook, Kamalayang Bayan, at AI
โข Kilusang Bayan, Kasaysayan, at AI
โข Himagsikang Pilipino (1896), Kapangyarihang Bayan (1986), at AI
โข Rizal Law (1956) sa Panahon ng AI
โข Kababaihan, Kasaysayan, at AI
โข AI at Metodolohiya sa Pananaliksik Pangkasaysayan
โข Arkibong Digital at Kasaysayan
โข AI, Etika, at Kasaysayan
โข AI sa Kurikulum, Pagtuturo, at Pagkatuto sa Kasaysayan
โข AI at Kasaysayang Pangmadla
โข Virtual na Pamanang Bayan at Turismo
Abangan ang mga detalye ng pagsusumite ng papel at pagrerehistro sa kumperensiya.
Para sa pagsusumite ng abstrak (300-500 salita) at/ o mga katunangan, maaaring mag-email sa [email protected] o magpadala ng mensahe sa Philippine Historical Association FB Page o kontakin si Prop. Atoy Navarro sa +639171284690.
Deadline ng pagsusumite ng abstrak โ AGOSTO 31, 2026 (Lunes), 11:59 ng hatinggabi.