18/09/2026
GAME NIGHT NA: PANAWAGAN SA PAGDALO AT PAKIKISA
Inaanyayahan ng UP College of Social Work and Community Development (CSWCD), kasama ang CSWCD Student Council, Project Gunita, at Concerned Artists of the Philippines (CAP), ang buong komunidad at publiko sa Diktador Game Night—isang interactive na pag-aaral sa pamamagitan ng sining at edukasyong popular.
📍 Lugar: Bulwagang Tandang Sora, UP CSWCD
📅 Petsa at Oras: Setyembre 25 | 4:00 PM – 7:00 PM
🎟️ Admisyon: Libre at bukas para sa lahat
Ang Diktador! ay isang immersive at narrative-driven card game na nilikha ng Project Gunita at CAP. Layunin nitong ilantad ang historikal na paglaban ng mamamayang Pilipino laban sa autoritaryanismo sa pamamagitan ng simulation at story-based gameplay.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng LAGIP: Mga Kuwento ng Martial Law sa Likod ng mga Lente | CSWCD Days of Remembrance 2026
katuwang ang iba’t ibang sektor at organisasyon.
Makakasama sa paglalaro at talakayan si Dr. Judy Taguiwalo, kilalang akademiko at kinatawan ng Seniors Kontra Kurakot.
Ang inyong pagdalo ay mahalagang ambag sa kritikal na pag-unawa sa ating kasaysayan at sa patuloy na pagtataguyod ng pampublikong kamalayan.
What’s your next move? ✊🏼
Serye ng Aktibidad:

21 SETYEMBRE | 3:00 PM | Kilos-Protesta sa Liwasang Bonifacio Bahain ng Protesta ang mga Korap at Pahirap! Panagutin ang Sangkot Hanggang sa Tuktok!

23 SETYEMBRE | 11:00 AM | Mga Himig ng First Quarter Storm Sikhay-Kilos sa Dzup1602 sa DZUP

25 SETYEMBRE | 4:00 PM | Diktador: A Role-Playing Card Game sa Bulwagang Tandang Sora

29 SETYEMBRE | 4:00 PM | Dokyu Screening & Talkback: Bloom Where You are Planted sa Bulwagang Tandang Sora