26/11/2019
Unang araw sa pagbubukas ng mga booth: Ang mga naputukan at nakasagot sa Pinoy Henyo...
Catherinians, handa na ba? Abangan muli bukas ang mga panibagong pakulong inihanda ;)
Ito ay ang opisyal na pahina ng Salindiwa Club na nilikha para lamang sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa College of St. Catherine Quezon City
26/11/2019
Unang araw sa pagbubukas ng mga booth: Ang mga naputukan at nakasagot sa Pinoy Henyo...
Catherinians, handa na ba? Abangan muli bukas ang mga panibagong pakulong inihanda ;)
04/09/2019
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 sa College of St. Catherine Quezon City na may temang, "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino."
04/09/2019
Isa...dalawa...tatlo...
Catherinians, handa na ba kayo?
Nariritong muli ang mga kalahok sa kanilang kaswal na kasuotan para sa Lakan at Lakambini 2019, na siyang gaganapin bukas. Abangan ang kanilang mga inihandang kasuotan, talento, mga kasagutan at idealismo na kanilang ibabahagi bukas. Padayon!
04/09/2019
Pagbati mga Catherinians!
Narito na ang mga kandidato at kandidata para sa Lakan at Lakambini 2019. Maaari niyong suportahan ang inyong mga napupusuang mga kalahok sa pamamagitan ng pagre-react ng hearts sa mismong larawan nila hanggang mamayang ika-12 ng gabi. Mahigpit pong ipinagbabawal ang paggamit ng auto-likes.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang para sa Buwan ng Wika ngayong Agosto. Inaasahan po namin ang inyong suporta. Padayon!
" SORRY AH"
Ni: T. L.
Sorry kung nasisigawan kita
Akala ko kasi normal lang ang sigawan ka
Kapag ako'y naiinis na
Sorry kung sinasabihan kitang tanga
Akala ko kasi normal lang ang insultuhin ka
Sa tuwing nagkakamali ka
Sorry kung madalas ay dinuduro kita
Akala ko kasi normal lang na
Ipamukha ko sayo kung gaano ka kawalang halaga
Sorry kung madalas nasasampal, nasusuntok at nasisipa kita
Akala ko kasi normal lang na saktan kita
Kapag ako ay sobrang galit na.
Sorry kung madalas ay napapabayaan kita
Sa mga panahong nahihirapan ka na
Akala ko kasi normal lang na iwan ka.
Sorry kung madalas ay paluhain kita
Akala ko kasi normal lang na
Pakainin kita ng masasakit na salita
Sorry kung madalas iniiwan kita mag isa
Akala ko kasi normal lang na
Pabayaan ka
Sorry kung madalas ay bigyan kita ng tinging masama
Akala ko kasi normal lang na
Mayamot kapag sa akin ay nakikipag usap ka.
Sorry kung sa bawat isa sa inyo
kasi akala ko normal talaga ang lahat ng ito
yun kasi ang sa araw araw ang nararanasan ko
Sorry
Ang sakit na kasi
Nakakapagod na
Di ba pwedeng mag pahinga?
Sobrang nakakapagod na
Lalo na kung lagi kang mag isa
Nakakatamad ng ngumiti at tumawa
Kung sa loob mo'y umiiyak ka na
Nakakatamad ng magpatuloy pa
kasi sobrang hirap na
Sobrang bigat na
Sobrang sakit na.
Sorry sa lahat
Kung ang lahat ng meron ako ay di sapat
Tanggap ko naman na
Di nga lang ako masaya.
05/10/2018
Mabuhay 😍
" Hindi Ako "
Ni: Gerald Lanzuela
Ng: STEM 11-A
"Handa akong gawin ang lahat para sa taong mahal ko".
Katagang madalas nating marinig
lalo na sa usaping Pag-Ibig,
Yung tipong di mo na iniisip ang sarili mo,
Maging ang mga maaapektuhan nito.
Dahil walang ibang Importante sau,
Kundi makitang Masaya ang Minamahal mo.
Maging ikaw o Hindi man ikaw ang dahilan nito.
Hindi ko alam kung matutuwa kayo,
Pero may pagkakataon sa buhay ko,
Na hinayaan kong gamitin ng isang tao ang pagkatao ko.
Magulo? OO magulo.!
Pero hayaan nyong simulan ko ang Kwento,
Ng maunawaan nyo kung anong naging dahilan ko,
Sa likod ng Seryosong desisyong to.
Sya ang Unang lalaking minahal ko sa buong buhay ko.
At wala akong nakikitang mali doon.
Nalulungkot ako kapag malungkot sya
Mas masaya naman ako kapag masaya sya.
Kung tatanungin nyo ko,
Kung may Karelasyon ba sya?
OO, May karelasyon sya at matagal na cla.
Pero dahil nga mahal ko siya,
Nagiging masaya ako para sakanila,
Ganun naman talaga diba?
Kung sinong mahal ng taong mahal mo,
Ay syang tatanggapin at mamahalin mo din.
Sa totoo lang,
nakakasama ko pa silang dalawa,
Maging sa mahahalagang araw sa buhay nila,
Palagi akong kasama.
Medyo may konting inggit,
Inggit na di dahil sa di ako ang nakakapagpasaya sakanya,
Kundi inggit na sana balang araw
Maranasan ko din ang sayang nararanasan nila.
Di ko man nasaksihan kung paano nagsimula ang Pag-Iibigan nila,
Saksi naman ako kung paano nila
Sinikap na Panatilihing matibay ang pagmamahalan nila.
Ngunit di lang yan ang nasaksihan ko,
Dahil pati ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng lalaking mahal ko ay nasaksihan ko.
Sadyang mapaglaro ang tadhana,
Madaming taon, buwan at araw man silang nagkasama,
Dumating ung araw na sumakabilang buhay ang babaeng mahal nya.
Ganun naman talaga,
Walang permanente sa mundong to,
Kung di man magbabago,
ito'y tuluyang maglalaho.
Masakit sakin makitang nahihirapan sya
Sa mga panahong kasama ko sya matapos syang iwan ng babaeng inakala nyang una at huling Pag-ibig nya.
Mabilis na lumipas ang panahon,
Kung di ako nagkakamali,
Apat na taon na,
Pero ramdam ko pa din
Sa bawat hinga at pikit ng kanyang mga mata ang pangungulila nya sa dating mahal nya.
At pilit nyang pinaparamdam sakin
Na apat na taon na syang nag iisa,
Kahit na walang araw na dumating sa buhay nya na di nya ko kasama,
dahil nandito lang ako para sakanya,
Pero bakit parang di nya un makita?
Sa wakas,
May isang pangyayari na muling nagpangiti sakanya,
Sobrang ganda ng ngiti nya,
kaya tinanong ko sya,
Ano? O sino ang dahilan sa likod ng mga ngiti mo?
At nagulat ako sa sagot nya ng sabihin nyang "ikaw" .
Ako pala ang dahilan ng ngiti nya,
Syempre natuwa ako, Sobrang tuwang-tuwa
Pero may pahabol pa syang sinabi na mas ikinagulat ko..
"Nagpakilala kasi ako bilang ikaw sa isang katextmate ko.!"
Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko nung mga oras na un.
Pero isa lang ang narealize ko,
Kung un lang ang tanging magagawa ko, para muling mapasaya ang lalaking mahal ko, bakit ko sya pipigilan?
Mula noon, hinayaan ko ng gamitin nya ang pagkatao ko.
Pangalan, Edad, maging ang Facebook Account ko.
Di nya ginamit ang katauhan ko dahil sa
Mas Gwapo ako kaysa sa kanya o anumang ibang malalim na dahilan,
Ginamit nya ang pagkatao ko
Dahil sa pag iisip na baka,
Pagnalaman ng babae kung sino ba talaga sya,
Ay di na sya nito muling kausapin pa.
Lumipas ang mga buwan at nakita ko nanaman syang masaya,
Yun ay dahil naging sila na,
Ng babaeng nakakatext nya,
Na inaakalang "ako" ay "sya".
Araw - araw,
Masaya syang gumigising sa umaga,
At higit na masaya bago matulog sa gabi.
May tatlong buwan ding naging ganun ang takbo ng Buhay nya,
Pero sadyang Mahirap Kalimutan at Palitan ang una nating minahal.
Kaya dumating ung araw na,
Hindi na nya gustong ipagpatuloy ang relasyon nila ng bagong babaeng minsan nyang minahal
At minsang nagbalik ng mga ngiti
Sakanyang labi.
Dahil napagtanto nyang iisang babae lang talaga ang mamahalin nya,
Maging ito man ay nasa kabilang buhay na.
Sa puntong to masasabi kong
Masaya ako, Masaya di dahil sa wala na syang kasintahan at masosolo ko na sya,
Kundi dahil sa may mahalagang bagay akong natutunan sakanya.
Yun ay tumupad sa pangakong binitawan mo sa isang tao,
Nandyan man sya o wala na.
Marahil gustong gusto nyo ng malaman kung sino nga ba ang lalaking tinukoy ko?
Bakit ganun nalang sya kahalaga?,kung bakit lagi akong nasa tabi nya?, kung bakit alam na alam ko ang mga pangyayari sa buhay nya?, at kung bakit handa akong gawin ang lahat para sakanya?
Simple lang,
Dahil sya'y walang iba kundi
Ang aking Ama.
----------
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.
"Bansa mo ba'y tama o lahat sila'y ang may tama?"
Ni: Christian L. King
Ng: HUMSS 12-C
Kung saan lilingon napakalayo ng pilipinas sa ngayon? Mga tanong na di mo dapat bigyan ng sarili mong tugon.
Tama bang paniwalaan mo sila o may tama ka kasi naniniwala ka sa kanila?
Yan ang unang tanong ko sa sarili , na dapat hindi maniwala't patuloy na dumepende. Ginagawa nila tayong mga bata na paiinumin ng gatas na may lason para agad agad tulog na. Pulitiko na hubad sa kasalanan, na sinasabi ng iba ay mga huwaran. Nakapanglulumo na nasaan ang kabataan na sinasabi daw na pag-asa ng bayan?
Hindi mo wari kung ano ang kanilang mga ginagawa? Tipong hindi nila mahal ang bansa. Hindi mas tinitingnan ko ang ano ang nangyayari sa loob? Yung tipong tao ang bansa na tinanggalan ng laman ng loob. Yaan ang tao sa pilipinas waldas at hudas
Post modernismo na lumaganap sa lahat , ang kanilang mga sinasabi animo'y hango sa banal na aklat. Diba hindi dapat at karapat dapat? Ito ang bansa na animoy isang bakod na may nakalagay na "bawal umihi dito" pero iniiputan ng hindi pilipino.
Walang mali sa paglaban , may mali kaya lumaban. Nasaan na ang pagka-pilipino kung hindi ka marunong mangialam?
Paano ka lalaban kung wala kang pinaglalaban? Paano ka makikibaka kung isa karin sa sumususo sa baka? Huwag kang maging huwad na parang bayaring babaeng tuwad ng tuwad. Matuto kang maki-alam, mangi-alam sa lahat ng aspeto na nangyayari sa bansa mo. Kasi sayang naman kung papabayaan mo lang yung inang bayan mo.
Dahil huli na, magiiwan ako ng tanong? Kung nababawan ka sulat ko. Mababaw karin sa sarili mo.
----------
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.
"BAKIT HINDI AKO"
Ni: Aillen Mosquera
Ng: HUMSS 11-C
Kalungkuta'y napalitan ng kasiyahan,
Magmula ng ika'y masilayan,
Nagsimula sa pagkakaibigan,
ngunit nararamdaman ngayo'y hindi na maintindihan.
Marapat bang ako'y tawaging isang tanga, Tanga na pilit paring umiibig sa taong iba ang sinisinta?
Tama at mali ay tila di nagkaiba,
Pagka't ang puso ko'y pilit kang sinasamba
Alam na alam natin ang tama at mali,
Pero bakit pinipili parin natin ang manatili?
Pilit na kinukulong ang sarili sa selda,
Kung saan patuloy tayong umaasa.
Pilit akong tumatakbo palayo sayo
Pero bakit ganito?
Lumiliko parin pabalik sayo,
Alam kong katangahan to pero kasalanan ko bang mahalin ang taong hindi ako gusto?
----------
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.
"Ulan"
Ni: Joanna Salazar
Ng: HUMSS 12-A
Ayoko sa ulan.
Ang pagkalat ng dilim sa maaliwalas na kalangitan.
Ang amoy ng alimuong sa mga basa at madudulas na daan.
Ang nakabibinging katahimikang bumabalot sa lansangan.
Ayoko sa ulan.
Pero heto, umuulan na naman.
Kasabay ng pagpatak nito
Ay ang pagdaloy ng anino ng nakaraan
At ikaw, ang laging pumapasok sa isip ko kadalasan.
Marahil dahil paborito mo kasi ang ulan.
Naalala ko dati nang tanungin kita
Sa dinami-dami ng bagay na pwedeng magustuhan, ba't ulan pa?
Umuulan noon,
Parehas tayong nakatanaw sa bintana
Pinapanood ang marahang pagpatak ng mga butil ng tubig pababa
Ngiti't kibit balikat lang ang sagot mo sa'kin habang dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.
Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay unti-unting pagkahulog ng aking nararamdaman.
At sa puntong 'yon, nagustuhan ko ang ulan.
Ang makulimlim nitong kalangitan
Malamig na ihip ng hanging Amihan
Amoy ng alimuong sa mga basang daan
Gusto ko na ang ulan.
Gusto ko ang ulan.
Gusto na kita.
Kahit taon na pala ang matuling nagdaan,
hindi pa rin makalimutan.
Hindi pa rin kita makalimutan
sa t'wing umuulan.
Ngayon, mag-isa akong naiwan.
Umaasang baka sakaling balikan.
Dahil 'di ba, gusto mo ng kasama sa t'wing sasapit ang ulan?
Gusto mo ng kasama t'wing umuulan.
Ng kasabay manood sa pagpatak nito.
Ng kahawak ng kamay sa tuwing nalalamigan.
Kasama hanggang sa pagtahan ng kalangitan.
Gusto mo lang ng kasama sa t'wing umuulan pero hindi hanggang sa kinabukasan.
Gusto mo lang akong kasama sa t'wing umuulan.
Gusto mo lang ako t'wing umuulan.
Mali, kahit kailan 'di mo naman ako nagustuhan. Tanging ulan lang.
----
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.
"Pag-ibig nga naman"
Ni: Elleine Dioquino
Ng: HUMSS 11-A
Paglakad mo pa lang, alam ko na
Sa malambot mong kilos
'Di ako nagkakamali.
Malambing na boses,
Mala rosas na labi,
At pilantik ng 'yong kamay.
'Di talaga ko nagkakamali
Tama nga aking hinala.
Dumating ang lunes
Eksayted na namang pumasok
Dalawang araw hinintay
Para ika'y muling masilayan.
Sa pila pa lang,
Ikaw agad hinanap
Palihim na tumingin,
Sabay patagong ngumiti.
Sa pagpikit ika'y nakikita
Matamis mong ngiti,
Mapupungay na mata,
Ikaw ang laging mithi.
Hindi mawala sa aking isip.
Hays, pag-ibig nga naman.
Sarap sa pakiramdam ng inspirado
Ngunit ito ay limitado
Wala talagang pinipili si kupido
Kahit sino pang tao
Bet kita,
Walang halong charot
Hindi mo kaylangan magbago
Tanggap kita, kahit ano ka pa.
Pag-ibig nga talaga,
Husgahan man ng iba
Pag tinamaan ka na
Wala ka ng kawala.
Basta ang alam ko,
Bet kita, walang halong charot.
----
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.
"Paghanga"
Ni: Erica Balanquit
Ng: ABM 12-A
Ang iyong mukha na para sa akin ay perpekto
Ang hinahanap ng mga mata ko sa tuwing nalulumbay ako
Hanggang sa panaginip dinadalaw ako
Palagay ko'y tinamaan na ako
Nais kong ikaw ay makatabi
Makasama ko lagi
Nais kong mahawakan ang palad mo
At masdan ang mga mata mo
Ano ba itong nadarama ko?
Hinihiling kong mapansin mo ako
Ngunit anong gagawin ko?
Sasabihin ko ba ang nadarama ko?
Ako'y nangangamba
Baka mayroon nang nauna
Oh puso ko'y kumakabog
Patuloy na nahuhulog
Ako'y umaasang sasaluhin mo
Kahit isang porsyento
Sana ay ipadama mo
Maghihintay ako para sa iyo
Ngunit sa isang saglit
Puso ko ay nawaglit
Nang malaman kong may nagmamay-ari na ng iyong puso
Labis akong nasaktan
Ngunit 'di ko na ipaglalaban
Sapagkat alam ko
Wala akong karapatan
Mayroong katagang,
Habang may buhay may pag-asa
Siguro, kaya walang tayo,
Dahil patay ako,
Patay na patay sayo
Nag dadalawang isip tuloy ako
Kung magmamahal pa ba ako
Salamat na lamang
Dahil sa sayang idinulot mo.
----
Maaari niyo pong i-sumite ang inyong sariling piyesa sa pamamagitan ng pagbibigay mensahe sa aming pahina.