17/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐:
๐๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ, ๐๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ, ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ
Noong ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐, ๐๐๐๐, ginunita natin ang ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐โ๐ฌ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐๐ฌโhindi lamang upang pagpugayan ang kanilang kultura, kundi upang kilalanin at bigyang-diin ang kanilang mga karapatan, pakikibaka, at patuloy na paglaban. Sa Pilipinas, mayaman ang kontribusyon ng Indigenous Peoples (IPs) sa ating kasaysayan, kultura, at lipunan. Kitang-kita ang buhay ng kanilang mga wika, tradisyon, mga sistema ng kaalaman, at mga gawi na malalim ang ugnayan sa kani-kanilang lupain at komunidad. Ngunit habang ipinagdiriwang natin sila, patuloy naman silang nakararanas ng matinding pang-aabuso. Mula rito, naninindigan ang UP Asian Institute of Tourism Student Council na hindi natin tunay na mapagpupugayan ang katutubong kultura kung patuloy nating hinahayaan ang mga kondisyong sumisira sa mga pamayanang nagpapanatili at namumuhay nito.
๐๐ง๐๐ง๐ -๐ฎ๐ง๐ ๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ค๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ. Mga lupang hindi lamang teritoryo dahil nakaugat dito ang kanilang buhay, kabuhayan, espiritwalidad, identidad, kasaysayan, at kultura. Sa mga nagdaang administrasyon, at higit na tumitindi sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng Marcos, patuloy ang mga proyektong mapanira, mapagsamantalang industriya, pangangamkam ng lupa, militarisasyon, at iba pang anyo ng panggigipit na nagtataboy sa mga komunidad mula sa kanilang mga lupain. Nariyan ang mga katutubong Ati sa Boracay at Aklan na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang lupang ninuno; ang mga katutubong Palaweno na humaharap sa mga usapin kaugnay ng pagmimina at pangangamkam ng lupa; at iba pang komersyal na interes na nakikinabang sa paggamit at pagsasamantala sa kanilang mga teritoryo. Kapag inaagawan ang katutubo ng lupa, inaagaw rin ang kanilang tahanan, kabuhayan, kasaysayan, at karapatang magpasya para sa kanilang sariling komunidad.
๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฎ๐ก๐โ๐ฉ๐๐ญ๐ข ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ. Ang mga katutubong tagapagtanggol ng kalikasan at lupain sa bansa ay patuloy na nakararanas ng panggigipit, pananakot, red-tagging, kriminalisasyon, at iba pang anyo ng karahasan. Hindi na bago ang ganitong pag-atake sa mga katutubong lider at tagapagtanggol ng komunidad. Mula sa Tumandok massacre, kung saan ilang katutubong lider ang napatay sa serye ng operasyon ng kapulisan noong 2020, hanggang sa matagal nang pagpatay, paglikas, at panggigipit sa mga pamayanang Lumad, malinaw ang mukha ng karahasang kinakaharap ng mga katutubo. Hindi lamang ito usapin ng katapangan sapagkat ito ay organisadong paglaban para sa lupa, buhay, karapatan, at sariling pagpapasya sa harap ng dispossession at pang-aabuso. Kaya dapat nating tanungin: sino ang nakikinabang dito? Sino ang nagpapahintulot na magpatuloy ito? At sino ang dapat managot sa kabiguang protektahan ang kanilang mga komunidad?
๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ญ๐จ, ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐๐ฅ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐๐ง. Sa loob ng maraming henerasyon, nililinang at ipinapasa ng mga katutubo ang mga kaalamang nakaugat sa kanilang lupain at kapaligiran. Kapag winawasak ang kanilang mga lupang ninuno, kasamang sinisira ang mga ekosistema at kaalamang pangkultura na matagal nang pinangangalagaan. Patuloy itong nakikita sa pakikibaka ng mga Dumagat-Remontado laban sa Kaliwa Dam, na nakaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno, gayundin sa pagtutol ng mga katutubo sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Sa mga ganitong proyekto, malinaw kung sino ang nagdadala ng pasanin at kung sino ang inaasahang makikinabang. Hindi maaaring paghiwalayin ang karapatan ng mga katutubo sa karapatan ng kalikasan kapag ang parehong lupa at komunidad ay winawasak ng iisang mapagsamantalang sistema.
Kung gayon, ano ang saysay ng pagdiriwang sa kanilang mga sayaw, tela at likhang-sining, kaalaman, pagkain, tradisyon, at ambag sa ating kultura at turismo kung kasabay nito ay ninanakaw ang kanilang lupa, pinaaalis ang kanilang mga komunidad, kinukuha ang kanilang likas na yaman, hinaharas at kinikriminalisa ang kanilang mga tagapagtanggol, at higit sa lahat, pinapatay ang mga lumalaban? ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ก๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐, ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข, ๐๐ญ ๐ง๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ข๐ญ๐จ?
Kasabay nito, nariyan din ang mga bagong anyo ng huwad na โkaunlaran,โ kabilang ang mga usapin sa paligid ng ๐๐๐ฑ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ at ang mga posibleng epekto nito sa mga lupang ninuno ng mga Aeta. Sa harap ng mga pangakong trabaho, pamumuhunan, at pag-unlad, sapat na ba ito kung kapalit naman ay ang pagkasira ng kanilang lupain at likas na yaman? Para kanino ang ganitong kaunlaran? Kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, hindi lamang kultura ang nanganganib na mabura. Masisira ang kalikasan, malalagay sa panganib ang kasaysayan at kaalaman ng mga komunidad, lalalim ang kawalang-katarungang panlipunan at pagkakait sa kanila ng pantay na pagkakataon, at lalo lamang mapapatunayan ang kapalpakan ng sistemang inuuna ang interes ng iilan.
Sa mga kalagayang ito, bilang mga ๐๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, lumubog tayo kasama ang mga katutubo at makinig sa kanilang mga panawagan. Isentro natin ang kanilang sariling pagpapasya, hamunin ang diskriminasyon at maling impormasyon, suportahan ang kanilang mga kampanya at pakikibaka, at itakwil ang normalisasyon ng pagpapaalis sa mga komunidad, militarisasyon, at pang-aabuso. At bilang mga ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ, dapat nating iwaksi ang pagsasapamilihan ng kanilang kultura nang walang makabuluhang partisipasyon at pahintulot ng komunidad. Hindi dapat maging instrumento ang turismo ng pagpapaalis sa kanila o pagsira sa kanilang mga lupang ninuno. Dapat may tunay na kapangyarihan ang mga pamayanang katutubo sa kung paano kinikilala, ginagamit, at kinakatawan ang kanilang kultura, kaalaman, at mga teritoryo. Ituring natin sila bilang mga buhay na pamayanan at buhay na pamanang kultura โ hindi bilang produktong panturismo o atraksyong maaaring pagkakitaan.
Matatag ang paninindigan namin: ๐ฉ๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ang mga korporasyon at ang palpak at mapang-abusong pamahalaan. ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ang lupang ninuno. ๐๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ ang karahasan at kriminalisasyon. ๐๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ ang mga proyektong nagtataboy at nagsasamantala sa mga katutubo. Tutulan ang huwad na โkaunlaran.โ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ang makatarungan, makabuluhan, at makabayan na turismo. Dahil hindi dekorasyon ang mga katutubo sa ating kasaysayan. Hindi sila atraksyon sa ating turismo. Hindi sila sagabal sa โkaunlaran.โ Sila ay mga pamayanang may karapatan, dignidad, kasaysayan, kultura, lupang ninuno, at sariling pagpapasya. Kaya hindi sapat na ipinagdiriwang lamang natin sila sapagkat hanggaโt hindi nakakamit ang kanilang mga karapatan, patuloy tayong makikianib sa kanilang pakikibaka.