UP College of Education Student Council

UP College of Education Student Council Welcome to the official page of the UP Diliman College of Education Student Council! Follow us on Twitter and Instagram!

Please send your requests, inquiries, and/or invitations to [email protected]! twitter.com/UPCESC
instagram.com/upcesc/

  | PANAWAGAN PARA SA SUPORTAKaisa ng buong Kolehiyo ng Edukasyon, dadalhin ng inyong Eduk SC ang tinig at panawagan ng ...
13/07/2026

| PANAWAGAN PARA SA SUPORTA

Kaisa ng buong Kolehiyo ng Edukasyon, dadalhin ng inyong Eduk SC ang tinig at panawagan ng mga Iskolar ng Bayan sa ika-61 na General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao ngayong Agosto 6โ€“8, 2026.

Upang matupad ito, buong pagpapakumbabang hinihiling ng UP Diliman College of Education Student Council ang inyong tulong pinansyal upang matustusan ang mga sumusunod na gastusin:

๐Ÿ“Œ Registration Fee (kalakip na ang pagkain at matutuluyan)
๐Ÿ“Œ Transportasyon papuntang UP Mindanao

Maaaring ibigay ang inyong donasyon sa sumusunod na paraan:
๐Ÿ’ต In-Person: kay Councilor Arcel Ureta
๐Ÿ“ฑ GCash: 09628147765

Ang lahat ng makakalap ay gagamitin lamang para sa GASC. Anumang matitira ay ilalaan sa CESC upang pondohan ang mga susunod na proyekto para sa mag-aaral. Kaakibat ng inyong tiwala ang aming pananagutan, kaya't magbabahagi ang Eduk SC ng buwanang financial report upang tiyaking malinaw at transparent ang paggamit ng bawat pisong nalikom.

Bawat piso ay ambag sa mas malakas na paninindigan ng Kolehiyo sa asembleyong ito. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta!

ISKOLAR NG BAYAN, PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!


  | HANDA NANG MAKIBAKA ANG ISKOLAR NG BAYAN!Sa gitna ng tumitinding krisis at pasistang atake sa ilalim ng rehimeng Mar...
13/07/2026

| HANDA NANG MAKIBAKA ANG ISKOLAR NG BAYAN!

Sa gitna ng tumitinding krisis at pasistang atake sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte, muling magtitipon ang mga lider-mag-aaral mula sa buong UP System para sa ika-61 na Convention ng General Assembly of Student Councils (GASC), sa Agosto 6โ€“8, 2026, sa UP Mindanao.

Naririto ang Eduk SC upang dalhin ang panawagan ng Kolehiyo ng Edukasyon, at ihatid naman sa inyo ang mahalagang pagbabalita tungkol dito. Si Kirby (Eduk SC Chairperson) at Jian (Eduk Rep to the USC) ang ating mga onsite representative para sa GASC61! Tututukan nila ang mga unit report, ang pagbuo ng mga resolusyon, at ang mga talakayan sa plenaryo upang panatilihin kayong mulat at updated sa bawat hakbang ng ating assembly.
Ang GASC ang plataporma kung saan idinadala ng mga Iskolar ng Bayan mula sa bawat kampus ang kanilang hanay upang harapin ang mga isyung dumadagok sa loob at labas ng unibersidad. Kasama dito ang pagbawas sa pondo ng edukasyon at kawalan ng serbisyo, militarisasyon, pang-aagaw ng lupa, at pagpaslang sa mga aktibista't magsasaka. Ginagawa ang pagpupulong na ito dalawang beses sa isang taon.

Ang mga resolusyong maaaprubahan dito ng GASC ay ang magiging batayan ng mga kampanyang isasagawa ng mga student council sa buong UP System at sa kani-kanilang lokal na kampus para sa darating na termino. Sa bawat resolusyon, ipinipiglas ng mga Iskolar ng Bayan ang paninindigang maglingkod hindi lang sa loob ng pamantasan, kundi sa mas malawak na sambayanan.

Manatiling nakatutok sa Eduk SC para sa mga live update habang nagbubukas ang GASC61!

MULA SA MASA, TUNGO SA MASA!
ISKOLAR NG BAYAN, PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!


IPAGTANGGOL ANG KOMUNIDAD! MORATORIUM SA UP SDG PARK, IPATUPAD NGAYON!Isang marahas na tagpo ang hinarap ng mga resident...
13/07/2026

IPAGTANGGOL ANG KOMUNIDAD! MORATORIUM SA UP SDG PARK, IPATUPAD NGAYON!

Isang marahas na tagpo ang hinarap ng mga residente ng Pook Malantik at mga karatig-pook sa Brgy. UP Campus noong Hulyo 8, 2026, matapos puwersahang magpasok ng mga kagamitan sa pagpapatayo ang Megawide Construction Corporation para sa UP SDG Urban Farm and Wellness Park. Upang depensahan ang kanilang mga tahanan, nagkaisa ang mamamayan sa pagtatayo ng barikada, na nagbunga ng komprontasyon kung saan dalawang residente ang nasugatan at isang mag-aaral ng UP Diliman ang binuhat patungo sa sasakyan ng pulisya. Walang silbi ang dangal at husay kung ang isinasalubong ng administrasyon sa mga mamamayang lumalaban para sa kanilang karapatan ay mga armadong blue guards, PNP, at SWAT. Bunsod nito, kaming mga estudyante mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, katuwang ang malawak na komunidad ng UP, ay buong-lakas na nakikiisa sa mga residente laban sa mapang-aping komersyalisasyon at pasismo.

Bagamat ipinagmamalaki ng administrasyon ng UP at ng DHSUD na ang SDG Park ay modelo ng "sustainable community," walang tunay na pag-unlad kung ang kapalit nito ay ang pagwasak sa buhay at kabuhayan ng mga maralita. Ibinunyag ng Malantik Community Association na sa mahigit 1,000 pamilyang mawawalan ng tirahan, hamak na 400 housing units lamang mula sa planong 1,200 ang nakalaan para sa kanila. Noong Pebrero pa lamang, ginamit na ng OVCCA-PSSO ang kanilang mga gwardya upang manmanan ang komunidad, na sinundan ng marahas na paggiba at pagbunot sa mga pananim ng mga residente noong Hunyo 15. Upang bigyang-katwiran ang proyekto, idinadahilan ng pamunuan ang 14 na dayalogo at town hall meetings mula Agosto 2025 hanggang Enero 2026, subalit ang mga ito ay huwad at mapagbukod dahil hindi isinama ang mayorya ng mga pamilyang direktang maaapektuhan ng demolisyon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng mas malawak na adyenda ng land monetization at neoliberal na pagsasapribado sa mga pampublikong lupain ng unibersidad. Kitang-kita ang ganitong kalakaran sa pagtatayo ng DiliMall at Robinsons Easymart na nagpalayas sa mga maliliit na manininda, gayundin sa GyudFood na pumalit sa mga abot-kayang kainan. Habang iginigiit ng UP admin na ang pondong kinikita rito ay napupunta sa mga klasrum at pasilidad, nananatiling bulok at kapos sa espasyo ang Kolehiyo ng Edukasyon at iba pang yunit tulad ng CMu, CFA, CAL, SLIS, NCPAG, at UPIS. Higit pa rito, lantarang makikita ang conflict of interest sa katauhan ni Alfredo E. Pascual, na bumoto sa pag-apruba ng SDG Park bilang kasapi ng UP Board of Regents habang sabay na nakaupo bilang Independent Director ng Megawide Construction Corporation. Ang krisis sa Brgy. UP Campus ay sumasalamin din sa pambansang sitwasyon sa ilalim ng rehimeng Marcos, kung saan inuuna ang bilyon-bilyong pondo para sa militarisasyon habang humaharap sa banta ng marahas na demolisyon ang mga maralita, tulad na lang sa Mayhaligue, Laguna, at Taguig, kapalit ng mga proyektong pribado.

Sa kabila ng mga pananakot na ito, hindi magpapatinag ang hanay ng mamamayan. Kaisa ang UP Diliman University Student Council, mga lokal na konseho, at mga progresibong alyansa, handa nating harapin ang bawat atake sa ating komunidad. Buong-diwa nating hinihingi sa administrasyon ng UP ang kagyat na pagpapatupad ng moratorium sa lahat ng konstruksyon at aktibidad kaugnay ng UP SDG Wellness Park hangga't hindi ganap na natutugunan ang bawat panawagan ng mga residente sa Pook Malantik, Pook Aguinaldo, at Area 17. Nararapat ding magkaroon ng isang tapat at inklusibong dayalogo na pamumunuan mismo ng UP President, UP Diliman Chancellor, at mga responsableng Bise Tsanselor. Nanawagan kami sa lahat na sumapi sa Quick Response Team sa Pook Malantik upang maghatid ng suporta at patatagin ang ating depensa laban sa korporatismo. Bigyang-wakas ang konstruksyon ng SDG Wellness Park, ipaglaban ang tunay na konsultasyon, tutulan ang komersyalisasyon sa unibersidad ng bayan, at patuloy na magsilbi para sa kapakanan ng sambayanan!

ITIGIL ANG PAGTATAYO NG SDG WELLNESS PARK! TUNAY NA KONSULTASYON, IPATUPAD! TUTULAN ANG KOMERSYALISASYON SA PAMANTASAN!
ISKOLAR NG BAYAN, PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

๐ŸŒป๐ŸŒป Pagbati, mga G**o ng Bayan! ๐ŸŒป๐ŸŒปTaos-puso kaming nagpupugay sa mga g**o ngayong Parangal 2026: "G**o ng Bayan: Punla ng...
02/07/2026

๐ŸŒป๐ŸŒป Pagbati, mga G**o ng Bayan! ๐ŸŒป๐ŸŒป

Taos-puso kaming nagpupugay sa mga g**o ngayong Parangal 2026: "G**o ng Bayan: Punla ng Pagbabago, Panday ng Kinabukasan." Sa bawat aral na itinuro at buhay na hinubog, taglay ninyo ang diwa ng makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.

Mabuhay ang mga g**o ng bayan!



01/07/2026

Parangal 2026 Reminder

24/06/2026

The Circle of Organization Representatives of Eduk (CORE) will be conducting its General Assembly (GA) #1 this June 24, 2026 (Wednesday) from 6:00PM - 8:00PM via Zoom.

Agenda

Call to Order
Approval of Agenda
Council Updates
Organization Updates and Organization Development Kumustahan
Educational Discussion
Campaign Unification
Other matters

For questions or concerns, kindly contact Chairperson Kirby Cruz

DALAWANG BUWAN NA MULA NANGPASLANGIN ANG TOBOSO 19.Kasama ng buong komunidad ng UP at ng sambayanang Pilipino, nakikiisa...
19/06/2026

DALAWANG BUWAN NA MULA NANG
PASLANGIN ANG TOBOSO 19.

Kasama ng buong komunidad ng UP at ng sambayanang Pilipino, nakikiisa ang UP Eduk SC sa panawagan para sa hustisya para kay Alyssa Alano at sa lahat ng biktima ng Toboso 19.

Dalawang buwan matapos ang masaker sa Toboso, Negros Occidental, nananatiling walang pananagutan ang mga responsable sa pagpaslang sa 19 na indibidwal. Habang patuloy ang militarisasyon at mga pag-atake sa mga komunidad ng magsasaka, patuloy rin nating ipinapanawagan ang hustisya, pananagutan, at paggalang sa karapatang pantao at International Humanitarian Law.

Hindi namin malilimutan sina Alyssa at ang iba pang biktima sa Toboso 19.
Hindi kami tatahimik hangga't walang hustisya.





  | Donation Drive for MindanaoansLast June 8, a 7.8 magnitude earthquake shook Southern Mindanao, affecting those who l...
15/06/2026

| Donation Drive for Mindanaoans

Last June 8, a 7.8 magnitude earthquake shook Southern Mindanao, affecting those who live in General Santos City, Sarangani, Davao City, and other nearby areas.

We are asking for your help in providing immediate help for those affected in Mindanao such as food, water, and tents.

For monetary donations, you may send them via BPI, GCash, or GoTyme through the QR codes below.

For in-kind donations, you may drop them off at Room 306, Student Union Building (UPD USC Office).

"๐“›๐“ฎ๐“ฝ ๐“ฒ๐“ฝ ๐“ฐ๐“ป๐“ธ๐”€, ๐“ต๐“ฎ๐“ฝ ๐“ฒ๐“ฝ ๐“ฐ๐“ป๐“ธ๐”€"๐ŸŽถWhat happens when we plant the seeds of sustainability and preparedness? ๐ŸŒณ๐Ÿ’šIntroducing ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜...
15/06/2026

"๐“›๐“ฎ๐“ฝ ๐“ฒ๐“ฝ ๐“ฐ๐“ป๐“ธ๐”€, ๐“ต๐“ฎ๐“ฝ ๐“ฒ๐“ฝ ๐“ฐ๐“ป๐“ธ๐”€"๐ŸŽถ

What happens when we plant the seeds of sustainability and preparedness? ๐ŸŒณ๐Ÿ’š

Introducing ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™Ž๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‹ โœจ
๐—ฆustainability ๐—”wareness and ๐—šrowth through ๐—œntegrated ๐—ฃreparedness

Join us as we explore the theme of ๐—–๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ธ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, where young learners can discover how caring for our environment today helps build safer and more resilient communities tomorrow. ๐ŸŒŽ

๐Ÿ“… June 27, 2026
๐Ÿ“ Barangay UP Campus Barangay Hall

Open to Kindergarten to Grade 6 learners because every small action matters...

๐ŸŒฑ๐Ÿ’š Let awareness grow. Let preparedness grow. Let a better future grow. ๐Ÿ’š๐ŸŒฑ

Stay tuned for more details! ๐Ÿ‘€โœจ




[CALL FOR DONATIONS FOR RAYA CASTILLO] The UP College of Education Student Council, is holding a donation initiative for...
12/06/2026

[CALL FOR DONATIONS FOR RAYA CASTILLO]

The UP College of Education Student Council, is holding a donation initiative for one of our students, Raya Castillo.

She is a graduating undergraduate student, taking BEed Early Education. Earlier today she was involved in a motorcycle accident that left her with minor injuries and broke her laptop. We are asking for any financial support to help Raya repair the damages to her laptop.

We hope that the Eduk community can extend help and support to Raya.

To those who are able, you can help through the channels listed below.

DONATION CHANNELS:

GCash
Account Name: S*** P****** C.
Account Number: 09942952772

Erratum: We have incorrectly stated the major of Mx. Raya Castillo. We have since corrected the caption on the post.

Address

College Of Education, University Of The Philippines Diliman
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639064079400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP College of Education Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to UP College of Education Student Council:

Shortcuts

Share

Category