16/04/2026
“SIDHAYA” Eugenio Student Council S.Y. 2025–2026 Accomplishment Report ay maaari nang basahin online!
Ang “SIDHAYA,” na sumasagisag sa pananaw, layunin, at sama-samang pag-unlad, ay sumasalamin sa dedikasyon ng konseho na maglingkod nang may malinaw na direksyon at adhikain. Ipinapakita nito ang paglalakbay mula sa mga ideya tungo sa konkretong aksyon at binibigyang-diin ang epekto ng mga inisyatibang pinamumunuan ng mga mag-aaral na naglalayong palakasin at iangat ang komunidad ng mga Eugenean.
Natapos maisagawa ng konseho ang accomplishment report noong ika-12 ng Marso taong 2026.
Kasunod ng matagumpay na State Of the Learner Government Address, pinagsama-sama ng ESC ang lahat ng Programs & Projects, Activities Outside School, Publication Materials, Financial Reports, at Minutes of Meetings na isinagawa ng konseho sa buong taon ng panuruan. Lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta ng mga Eugenian at ng komunidad na naging bahagi sa pagkamit ng mahalagang tagumpay na ito.
Link : https://heyzine.com/flip-book/7e0f81c0bc.html