23/09/2026
Ang wika ay buhay kapag binibigkas nang may pagmamahal, pinatunayan ito ng IKA-SAMPUNG BAITANG sa paghahandog taos-pusong sabayang pagbigkas na pinamagatang “Kabataang Pilipino: Tungo sa Paghilom at Pagsulong” sa panulat ni Amado M. Angat.
Sa diwa at layunin, sila ay nagwagi at itinanghal na KAMPEON (JHS Level) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.✨🥇
Ang pagkakaisang kanilang ipinamalas ay patunay na kapag ang wika ay pinagsisilbihan nang tapat at may pagmamahal, ito ay nagiging mabisang sandata sa pagtahak tungo sa pag-unlad at pag-asa.
Binabati namin kayo, Ika-Sampung Baitang! Mabuhay ang inyong pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa wikang Filipino!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kabataang Pilipino!🤎🤎🤎