Bagwis

Bagwis Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Dr. Josefa Jara Martinez High School sa Filipino

26/09/2026

PANOORIN | Elimination Round ng Distrito IV sa DokyuWento, idinaos sa DJJMHS

Idinaos ang Elimination Round na DokyuWento sa Dr. Josefa Jara Martinez High School na dinaluhan ng mga piling paaralan mula sa Ikaapat na Distrito noong ika-19 ng Setyembre 2026.

Isinagawa ang kompetisiyong para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika kasabay ng pagpapakitang-gilas ng mga kalahok sa mula sa Don Alejandro Roces Sr. Science and Technology High School(DARSSTHS), Flora A. Ylagan High School(FAYHS), Manuel A Roxas High School(MARHS), Quezon City High School(QCHS), Ramon Magsaysay Cubao High School(RMCHS) at Dr. Josefa Jara Martinez High School(DJJMHS), sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento at paglalahad ng mga makabuluhang karanasan na maiuugnay sa ating buhay.

Hindi lamang medalye ang naiuwi ng mga kalahok, bagkus kasama nila ang mga aral na maaring nilang magamit sa kanilang kinabukasan.

MoJo: Ed Akeisha E. Oco
Edited by: Jhun Jr M. Asay

TINGNAN | Jaranians, Nagpasiklab ng Talento sa Unang Araw ng Jaranians Got TalentPalakpakan at hiyawan ang umalingawngaw...
25/09/2026

TINGNAN | Jaranians, Nagpasiklab ng Talento sa Unang Araw ng Jaranians Got Talent

Palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa buong lugar nang pormal na simulan ang unang araw ng Jaranians Got Talent noong Setyembre 24, 2026.

Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang natatanging talento sa harap ng mga g**o at kapwa mag-aaral, na nagbigay ng makulay at kapana-panabik na simula sa programa.

Nagsilbing mga hurado sa isinagawang patimpalak ang mga g**ong sina Gng. Sarah Jane V. Bachiller, Bb. Catherine Y. Duran, Gng. Anna Marie Llanera, Gng. Judy Ann Cordero, Gng. Marilou B. Patungan, Bb. Ilyca Mae Aquino, Gng. Jenelyn B. Cheng, at Gng. Alicia A. Getubig. Pinangunahan nila ang masusing pagsusuri at pagmamarka sa mga kalahok upang matiyak ang pagiging patas at maayos na pagpili ng mga nagwagi sa naturang programa.

Sa unang araw pa lamang, naging tampok na ang ibaโ€™t ibang talento ng mga Jaranians na nagbigay-sigla sa programa. Sa pagpapatuloy ng Jaranians Got Talent, inaasahan pa ang mas marami pang pagtatanghal mula sa mga mag-aaral.

โœ๏ธ Kyle Ritchmund Carreon
๐Ÿ“ธ Shara Nieras & Bellah Zamora
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Seara Roela Dela Rosa

TINGNAN | Banal na Misa, idinaos sa Jara "The best way to share the gospel is to share your life" ani ni Fr. Chuck Barye...
24/09/2026

TINGNAN | Banal na Misa, idinaos sa Jara

"The best way to share the gospel is to share your life" ani ni Fr. Chuck Baryento sa Banal na misa nitong setyembre 23,2026 na ginanap sa Dr. Josefa Jara Martnize High School (DJJMHS) Cover court, dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 10 sa pamumuno ng Departamento ng Filipino.

Sinimulan ang banal na misa sa pangunguna ni Gng. Jenelyn B. Cheng upang i-alay ang misa sa mga yumaong butihing g**o na sina Gng. Marticio, Gng. Catacutan at G. Rama. Dagdag pa rito ang pagbasbas sa paparating na Foundation Day ng paaralan.

Pagkatapos magsalita ni Fr. Chuck Baryento,
Sinundan ito ng pag basa ng salita ng diyos na pinangunahan ni Nash Magno isa sa mga mag-aaral na sinundan ni Rowelyn Gaboy sa pagbasa ng salmong tugunan.

Agad namang nagpahayag si Fr. Chuck Baryento ng magandang balita at salita ng diyos na dapat tayong nabubuhay sa mundong ito ay marunong tayo makipagkapuwa. Pagtapos nito ay agad naman sinundan ng pangatlong pagbasa ng panalangin ng bayan sa pangunguna ni Gab Goite.

Kasunod ay ang love offering at pagbasbas sa ostiya na tanda ng pananampalataya ng bawat isa.

Upang tuluyang magwakas ang misa, narito si Gng. Ma Gilda B. Magdangal para sa pangwakas na mensahe at opisyal na winakasan ni Fr. Chuck Baryento ang banal na misa na may aral na natutunan, kabaitan at pagmamahal ang mananaig sa bawat oras o araw na ating haharapin.

โœ๏ธ Mark Dave Paas & Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿ“ธ Duchess Jhaizell Reana & Julianne Peletones
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Mark Dave Paas
๐Ÿ”Ž Sean Perolino & Wency Lie Grimaldo

TINGNAN | ๐’๐๐“๐€ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐‚๐š๐ซ๐๐ฌ ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐‰๐‰๐Œ๐‡๐’!Isinagawa ang SPTA Meeting at Releasing of Cards sa Dr....
22/09/2026

TINGNAN | ๐’๐๐“๐€ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐‚๐š๐ซ๐๐ฌ ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐‰๐‰๐Œ๐‡๐’!

Isinagawa ang SPTA Meeting at Releasing of Cards sa Dr. Josefa Jara Martinez High School (DJJMHS) nitong Biyernes, Setyembre 18, 2026 ginanap ng ala-una ng hapon, bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng paaralan sa mga magulang at mag-aaral.

Dumalo ang mga magulang, g**o, at mag-aaral upang talakayin ang mahahalagang anunsyo, programa, at usaping may kaugnayan sa pag-aaral at kapakanan ng mga mag-aaral.

Matapos ang pagpupulong, isinagawa naman ang pagpapakita ng report cards ng mga estudyante ng Jara, kung saan nalaman ng mga magulang ang naging pagganap ng kanilang mga anak sa mga nagdaang buwan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ang kahalagahan ng kooperasyon ng paaralan, mga g**o, magulang, at mag-aaral tungo sa mas maayos na pagkatuto at patuloy na pag-unlad.

โœ๏ธ Khen Embile
๐Ÿ“ธ Seara Roela Dela Rosa, Jhun Jr. Asay and Keisha Oco
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ปGwynelyn Rose G. Sesgundo
๐Ÿ”Ž Merry Ruth Raรฑa

DJJMHS, nakiisa sa Fire Lecture at Safety Drill para sa Ligtas na PaaralanGinanap ang Fire Lecture at Safety Drill sa Dr...
19/09/2026

DJJMHS, nakiisa sa Fire Lecture at Safety Drill para sa Ligtas na Paaralan

Ginanap ang Fire Lecture at Safety Drill sa Dr. Josefa Jara Martinez High School (DJJMHS) ngayong Setyembre 18, 2026, 9:40 ng umaga sa Audio Visual Room (AVR) na dinaluhan ng mga g**o sa iba't ibang baitang at opisyal ng klase. Sinimulan ito ng awit na Pilipinas Kong Mahal na sinundan ng panalangin na pinangunahan ni Gng. Divine Grace Datuin at kasunod ang pambungad na pananalita ni Gng. Dominga P. Cabadin.

Sumunod naman ang mensahe ni Punong Fire Inspector Olga S. Dela Peรฑa, Chief ng Fire Engine Company, na binibigyang-diin naman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman kung ano ang dapat gawin sa oras ng sunog, lalo na sa loob ng paaralan kung saan maraming mag-aaral ang kasalukuyang nasa panganib kapag hindi agad natugunan ang sitwasyon.

Kasunod nito ang spokesperson na si Lean Mark Gonzales, Nozzleman at Fire Safety Educator, upang talakayin nang mas malalim ang mga hakbang na dapat sundin tuwing may sunog. Ipinaliwanag niya ang tamang pamamaraan ng evacuation, ang kahalagahan ng pananatiling kalmado, at ang pag-iwas sa gitna ng gulo upang maiwasan ang aksidente o pagkasugat.

Pagkatapos ng lecture, sinundan ito ng aktwal na fire simulation drill, kung saan ginabayan ng mga opisyal mula sa Bureau of Fire Protection ang mga estudyante at g**o sa tamang pagsasagawa ng evacuation. Layunin ng ehersisyong ito na tiyakin na handa ang buong paaralan, mula sa mga tauhan hanggang sa mga mag-aaral na kung sakaling magkaroon ng aktwal na insidente ng sunog sa hinaharap.

Natapos ito ng 12:40 ng tanghali. Ang Fire Lecture and Safety Drill ay nagsilbing paalala sa lahat ng kasapi ng DJJMHS na ang kahandaan ay mahalagang bahagi ng seguridad ng bawat isa at ang disiplina sa oras ng sakuna ay maaaring magligtas ng buhay.

โœ๏ธ Merry Ruth Raรฑa and Wency Lie Grimaldo
๐Ÿ“ท Marize Jade Tejada
Marie S. Campillos
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Mark Dave Paas

TINGNAN | ๐๐€๐‹๐Ž, ๐’๐€๐‹๐Žโ€”๐‡๐€๐“๐€๐– ๐’๐€ ๐‹๐€๐‘๐Ž!Jaranians Arnis Team, humataw sa Arnis District MeetHumataw ang Jaranians Arnis Team ...
14/09/2026

TINGNAN | ๐๐€๐‹๐Ž, ๐’๐€๐‹๐Žโ€”๐‡๐€๐“๐€๐– ๐’๐€ ๐‹๐€๐‘๐Ž!
Jaranians Arnis Team, humataw sa Arnis District Meet

Humataw ang Jaranians Arnis Team sa bawat palo kontra sa ibang distrito sa Arnis District Meet matapos kumolekta ng tatlong gintong medalya at limang pilak nitong Setyembre 13, 2026 sa Ponciano Bernardo High School.

Pinangunahan ni Coach Esperanza S. Bautista , katuwang ang tagapagsanay na si Carl Andre Quingking, ang mga Jaranians sa bawat sagupaan, bitbit ang matatag na paggabay at estratehiyang nagpaalab sa kanilang laban hanggang sa huling palo.

Agad na nagpaulan ng banat si Mark Angelo Legaspo sa bakbakan sabay ang mahahabang largo kontra Ponciano Bernardo High School na naging sapat upang itarak ang gintong medalya.

Mabilisang sinelyuhan ni Charleon John ang gintong medalya matapos ang mga banat at box out kontra PBHS at tuluyang pagtarak ng panalo.

Bagamat nabigong makuha ni Romily Unabia ang panalo, nagkamit naman siya ng pilak na medalya kontra Ponciano Bernardo High School at nagpakawala naman ng ito sunod-sunod na banat sa pagdako ng ikalawang round ngunit hindi ito naging sapat upang kamkamin ang gintong medalya.

Rumatsada si Mark Benjamin Costales sa pagdako ng unang pukpukan matapos ang mabibilis na palo kontra Quezon City High School, ngunit sa huling palitan ng bakbakan ay naagaw ng kalaban ang momentum, dahilan upang makapagbulsa ng pilak na medalya.

Tuluyang kumawala si Patrick Montives matapos na bumangon mula sa pagkakalugmok kontra PBHS dahil sa pagpapakawala ng sunod-sunod na opensiba sa ikalawa at ikatlong round na nagmitsa ng pagbulsa sa gintong medalya.

Nabigong maibulsa ni Mark Almeรฑo ang gintong medalya matapos malugmok sa sunod-sunod na set laban sa PBHS ngunit sa kabilang dako ay nakapag-uwi naman ito ng pilak na medalya.

Muling umapak sa lona si Legaspo kontra QCHS kung saan sinelyuhan niya ang unang round, bago muling humataw sa ikalawa upang tuluyang kunin ang gintong medalya.

Unang umariba si Arvil Bulan matapos kunin ang unang round kontra PBHS ngunit nabawi ng katunggali sa ikalawang set habang tuluyang naagaw ang panalo at pag-uwi ni Bulan ng pilak na medalya.

Kinapos ang dalawang round ni Maureen Orio laban sa PBHS dahilan upang maipasakamay ng kabilang manlalaro ang panalo at pagsungkit ni Orio ng pilak na medalya.

"Masaya ang naging experience ko sa laban dahil marami akong natutunan at ang inspirasyon ko ay ang aking pamilya at mga kaibigan, kaya ang mensahe ko ay magtiwala sa sarili, magsikap, at huwag kailanman sumuko. " Anang Legaspo.

Bitbit ang mga karanasan mula sa bawat palo, salag at sagupaan patungo sa susunod na yugto ng kompetisyong ito ay nangibabaw pa rin ang layunin ng bawat isa na matupad ang kanilang mithiin na sinasabayan ng kanilang pagiging matiyaga.

โœ๏ธ Seara Roela Dela Rosa
๐Ÿ“ธ Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿ”Ž Wency Lie Grimaldo

TINGNAN | Jara, Rumatsada sa Limang Gintong MedalyaSa gitna ng matinding bakbakan sa District 4 Athletic Meet na ginanap...
14/09/2026

TINGNAN | Jara, Rumatsada sa Limang Gintong Medalya

Sa gitna ng matinding bakbakan sa District 4 Athletic Meet na ginanap nitong Setyembre 12, 2026, sa Quezon City High School, umarangkada ang Jaranians Boxing Team at matagumpay na nag-uwi ng limang gintong medalya, patunay ng kanilang husay, determinasyon, at puspusang pagsasanay sa larangan ng boksing.

Ang tagumpay sa larangan ng palakasan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng medalya, kung hindi maging sa dedikasyon, sakripisyo, at disiplina na ipinakikita ng bawat atleta.

Kaya naman sa isinagawang District 4 Athletic Meet, matagumpay na ipinamalas ng mga miyembro ng Jaranians Boxing Team ang kanilang kakayahan at kahandaan sa harap ng matinding kompetisyon. Bunga ng kanilang pagsusumikap, nakamit nila ang mataas na karangalan:

SCHOOL BOYS DIVISION
โ€ขSean Marion L. Bensolan
44-46kg Pinweight
๐Ÿ…Gold medalist

JUNIOR BOYS DIVISION
โ€ขLordy Zane C. Torida
44-46kg Pinweight
๐Ÿ… Gold medalist

โ€ขJohn Cyrus M. Sy
48-50kg Flyweight
๐Ÿ… Gold medalist

โ€ข Rex-al T. Rongcales
50-52kg Light Bantamweight
๐Ÿ…Gold medalist

YOUTHMEN DIVISION
โ€ขAntonio Zedrick A. Novela
51-54kg Bantamweight
๐Ÿ…Gold medalist

Pinangunahan ng Winning Head Coach na si Mr. Isabelo Credo III ang paghahanda at pagsasanay ng koponan at sa tulong ng Assistant Coach na si Reagan Mandinguando mula sa Flora A. Ylagan High School, nahubog ang mga atleta upang maging mas handa sa bawat laban.

Higit pa sa mga gintong medalya, ang kanilang pagganap ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na mangarap, magsikap, at patuloy na pagbutihin ang kanilang kakayahan.

Pinatutunayan ng Jaranians Boxing Team na sa pamamagitan ng determinasyon at suporta ng mga dedikadong coach, ang bawat hamon ay maaaring maging daan tungo sa tagumpay.

Kaya ang mga medalyang kanilang nakamit ay hindi lamang basta isang medalโ€”ito'y tanda ng kanilang sakripisyo at pagtitiyaga sa bawat ensayo na kanilang ginagawa. Ayon sa mga ito, "BASTA JARA, UMAARANGKADA SA PANALO!"

โœ๏ธ Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿ“ธ G. Isabelo Credo lll
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿ”Ž Sean Perolino

TINGNAN | ARAL Kick-Off Program, inilunsad sa JaraNaglunsad ng ARAL Kick-Off Program ang paaralang Dr. Josefa Jara Marti...
11/09/2026

TINGNAN | ARAL Kick-Off Program, inilunsad sa Jara

Naglunsad ng ARAL Kick-Off Program ang paaralang Dr. Josefa Jara Martinez High School (DJJMHS) na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang, mga magulang, mga g**o, at ng Punongg**o na si Gng. Dominga P. Cabadin na ginanap sa Covered court ng paaralan noong ika-7 ng Setyembre 2026.

Sinumulan ang programa sa pagkanta ng Pambansang awit, kasunod ang Pambungad na Panalangin, at sa Pambungad na pananalita ni Gng. Dominga P. Cabadin, sumunod ang inspirasyon na mensahe ni Gng. Jocelyn Pamplina. Kalaunaโ€™y ipinahayag ang layunin ng programa at sa pagpapakilala ng mga tagapagturo na pinangungunahan ni G. Norman Pagdanganan, kasunod ang Biswal na pagsusuri, at sa huli, ang pangwakas na pahayag ni Bb. Angelica Lumaban.

Dala ang mga aral na natutuhan nila sa bawat araw ng Aral Program, ay nagpatuloy sila ng may bagong kaalaman at karanasang magsisilbing gabay sa kanilang pag-aaral.

โœ๏ธ Jhun Jr. Asay & Ed Akeisha Oco
๐Ÿ“ธ Jhun Jr. Asay
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Gwynelyn Rose Sesgundo
๐Ÿ”Ž Merry Ruth Raรฑa

TINGNAN | ๐๐š๐ฌ๐ญ๐š ๐‰๐š๐ซ๐š, ๐”๐ฆ๐š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š! ๐‰๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐๐š๐ -๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐Ÿ’๐’๐๐‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!Tampok ang husay at galing ng mga mam...
10/09/2026

TINGNAN | ๐๐š๐ฌ๐ญ๐š ๐‰๐š๐ซ๐š, ๐”๐ฆ๐š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š! ๐‰๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐๐š๐ -๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐Ÿ’๐’๐๐‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Tampok ang husay at galing ng mga mamamahayag ng Bagwis at Metamorphosis
mula sa Dr. Josefa Jara Martinez High School (DJJMHS) matapos magkamit ng panalo sa kani-kanilang kategorya sa District 4 Press Conference 2026 na ginanap noong ika-9 ng Setyembre 2026 sa Immaculate Heart of Mary College (IHMC).

Umarangkada ang mga mamahayag ng Bagwis sa pag-uwi ng karangalan sa patnubay ng kanilang g**ong tagapayo na si Bb. Dayanara L. Carnice matapos selyuhan ang mga sumusunod na puwesto sa kani-kanilang kategorya:

Pagsulat ng Balita:
Mark Dave R. Paas - ika-13 puwesto

Jhun Jr. Asay - ika-16 puwesto

Pagsulat ng Kolum:
Ed Akeisha E. Oco - ika-16 puwesto

Pagsulat ng Balitang Isports:
Seara Roela Dela Rosa - ikasiyam na puwesto

Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita:
Merry Ruth D. Raรฑa - ika-19 puwesto

Wency Lie P. Grimaldo - ika-20 puwesto

Paglalarawang Tudling:
Renz Joshua T. Ganeb - ikalawang puwesto

Pagkuha ng larawan:
Novy Janna Paradela - ika-17 puwesto

Bumandera naman ang Metamorphosis sa gabay ng kanilang g**ong tagapayo na si Gng. Divine E. Datuin matapos kamkamin ang kanilang mga puwesto sa kani-kanilang kategorya:

News Writing
Romjacke Balbon - ikalimang puwesto

Column Writing
Maryasha Timario - ikalawang puwesto

Jillanne Morales - ika-14 puwesto

Feature Writing
Maddi Sesgundo - ika-14 puwesto

Editorial Writing
Zairyl Villafuerte - ikaanim na puwesto

Chenn Abendanio - ika-10 puwesto

Copyreading and Headline Writing:
Tyrone Kenjie Espinosa - ika-17 puwesto

Mobile Journalism:
Jean Kylie De Vergara - ika-18 puwesto

Tampok sa kompetisyong ito ang husay ng bawat isa ngunit nangibabaw pa rin ang dedikasyon at layunin na maging boses ng bayan.

Samu't saring aral ang tumatak sa isipan ng mga mamahayag sa kompetisyong ito na magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan na pagyamanin ang nasimulan at paigtingin ang samahan sa larangan ng pamamahayag.

โœ๏ธ Seara Roela Dela Rosa & Jhun Jr. Asay
๐Ÿ“ธ Duchess Jhaizell Reana & Novy Janna Paradela
๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป Seara Roela Dela Rosa
๐Ÿ”Ž Merry Ruth Raรฑa

TINGNAN | ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐€๐‘๐€๐‹Ang Dr. Josefa Jara Martinez High School ay kasalukuyang naghahanap ng mga kwalipikadong ...
08/09/2026

TINGNAN | ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐€๐‘๐€๐‹

Ang Dr. Josefa Jara Martinez High School ay kasalukuyang naghahanap ng mga kwalipikadong indibidwal na nais maging bahagi ng ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐€๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  (๐€๐‘๐€๐‹) ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ bilang ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ upang maging katuwang sa pagkatuto at pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral.

๐’๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ฒ?

โœ… Mga Licensed Professional Teachers (LPTs)
โœ… Mga retiradong propesyonal na g**o
โœ… Mga nagtapos ng kolehiyo na may kaugnay na kwalipikasyon
โœ… Mga para-teacher na may angkop na permit o kwalipikasyon
โœ… Mga pre-service teacher
โœ… Iba pang kwalipikadong indibidwal na pasok sa pamantayan ng ARAL Program

๐Ÿ“Œ Para sa mga interesadong aplikante, maaaring makipag-ugnayan sa:

๐Ÿซ Dr. Josefa Jara Martinez High School
๐Ÿ“ 53 Victory Ave., Tatalon, Quezon City
โ˜Ž๏ธ 8252-7027 / 0927-543-8200
๐Ÿ“ง [email protected]
๐Ÿ‘ค ARAL Focal Person: G. Norman B. Pagdanganan

Maging bahagi ng ARAL at maging katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral!

๐“๐€๐‘๐€, ๐€๐‘๐€๐‹ ๐“๐€๐˜๐Ž!

Address

Dr. Josefa Jara Martinez High School
Quezon City

Telephone

+639192228366

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagwis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category