19/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐!
Mga matematisko ng bayan, kailanmaโy huwag nating kalilimutan ang mga bilang noong administrasyon ni Marcos Sr.: 3,041 na araw. 107,240 na biktima. 70,000 ang inaresto, 34,000 ang tinortyur, 3,240 ang pinatay. Hindi lang ito mga datos; may bitbit itong masalimuot na nakaraan na hindi na natin mabubura.
Limampuโt apat na taon na ang nakalipas, pasan pa rin ng mga mamamayang Pilipino ang trahedyang idinulot ng Batas Militar. Ngayon ay bitbit din ni Marcos Jr. ang harap-harapang kasinungalingan at katiwalian sa ating bansa, magmula sa Flood Control Projects, University Budget Cuts, hanggang sa Pax Silica.
Kaya naman, patunayan natin na ang tinig natin ang magiging instrumento sa pagbagsak ng katiwalian. Punuin natin ng protesta ang Liwasang Bonifacio sa darating na Lunes! PANAGUTIN ANG LAHAT NG SANGKOT!
54TH MARTIAL LAW COMMEMORATION
๐
Setyembre 21, 3:00 n.h.
๐ Liwasang Bonifacio