01/12/2024
KILALA MO BA SI SIR?
MALIIT MAN ANG SWELDO, MALAKI NAMAN ANG AMBAG SA ATING BUHAY.
Isang beterano at magaling na g**o sa asignaturang Sipnayan o Mathematics si Mr. Roger Moncatar. Istrikto kung itatanong sa iba, ngunit mabait naman sa karamihan. At dahil na rin sa katagalan sa serbisyo, kalakip nito ang pagtanda, at pagkakaroon ng sakit. Kasalukuyan siyang Naka -confine sa NKTI dahil sa kanyang karamdamang Congestive heart failure with hypertension and diabetes. Dahil dito, nangangailangan ng suportang pinansyal ang kanilang pamilya.
Ang AESA ay kumakatok sa bawat Alumnus upang mapaabutan ng tulong ang kanilang pamilya. Ang anumang halaga na inyong ipapadaan sa pamamagitan ng page na ito ay ipapadala kay Ms. Lilith Dayus.