25/02/2025
Ginugunita ngayong araw ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power, isa sa mga makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa. Ang kolektibong lakas ng sambayanang Pilipino ang nagsilbing daan upang tuldukan ang marahas, mapang-abuso, at ganid na diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. at lalong pinausbong ng pagkilos na ito ang pakikibaka para sa katarungan, pananagutan, at demokrasya ng ating bayan. Idineklara ang Batas Militar noong 1972 at sumailalim sa awtoritaryan na pamumuno ang bansa kung saan napasakamay ang kapangyarihan sa dating Pangulong Marcos Sr. at sa kanyang mga kaalyado, mapa-legal, politikal, o ekonomiko man ito (Sanchez 2021). Ang masalimuot na kondisyong dinanas ng bayan mula sa kanilang pamamalakad ang nag-udyok sa mga Pilipino mula sa iba't-ibang mga sektor na magkaisa upang wakasan ang inhustisya at pang-aabuso ng estado. Bunga ng ilang taong pakikibaka sa ilalim ng Martial Law, nagkilos-protesta ang sambayanan sa EDSA mula Pebrero 22 hanggang 25 noong taong 1986 upang tuldukan ang pagpapatuloy ng rehimeng Marcos (Sanchez 2021) na siyang isang naging tagumpay at ating inaalala hanggang ngayon.
Hindi na nakapagtataka na idineklara na naman bilang isang special working holiday ng kasalukuyang administrasyong Marcos ang araw na ito. Ipinapakita lamang ng hakbangin na ito na wala sa interes ng mga naghaharing-uri na gunitain ang diwa ng EDSA. Ngunit, sa kabila ng tahasang pagkalimot ng pamahalaan sa kahalagahan ng , hinding-hindi mabubura sa alaala ng sambayanan ang diwa ng araw na ito. Suspendido ang mga trabaho at klase sa ilang mga institusyong akademiko (Sigales 2025), gayundin sa mga ilang pamahalaang lokal sa Pilipinas, bilang panghihikayat na makiisa sa paggunita ng makasaysayang araw na ito. Nakiisa rin ang ilang mga institusyong nasa ilalim ng Simbahang Katolika sa paggunita sa diwa ng EDSA. Hindi maiiwasang maihalintulad ito sa panghihikayat ni Jaime Cardinal Sin na tumungoโt mag-organisa sa EDSA upang labanan ang diktadurya at tuldukan ang pamamayagpag ng pansariling interes ni Marcos, Sr. sa Malacaรฑang (Samson 2025) noong 1986. Ipinapakita lamang nito ang kahalagahan ng kolektibong pakikibaka na ikinintal ng EDSA People Power sa ating pambansang kamalayan, at ang kahalagahan nito tungo sa makamasa at demokratikong oryentasyon ng lipunan.
Gayunpaman, tatlumpuโt-siyam na taon na ang nakakalipas, nasa gitna pa rin ang ating bayan sa isang madugo at marahas na away sa pagitan ng mga mapang-aping naghaharing-uri. Nananatili pa rin ang sistemang ito na nagpapahirap sa masa, habang sila ay nagpapakasasa sa kaban ng bayan. Makikita ito ngayon sa bangayan ng dinastiyang Marcos at Duterte para sa kapangyarihan at karangyaan. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang ang sambayanan ay patuloy na nagdurusa sa tumataas na presyo ng bilihin, bumubulusok na ekonomiya, kahirapan, kawalang trabaho, lumalalang krisis sa edukasyon (IBON Foundation 2025), at iba pang krisis panlipunan. Sa kanilang away, ang taumbayan ang dehado, dahil ang kanilang tanging interes ay ang kanilang pansariling layunin, at hindi ang kapakanan ng nakararami.
Bukod pa rito, ngayong taon ay gaganapin ang midterm elections, kung saan labindalawa sa dalawampuโt apat na Senador ang ihahalal, kabilang na ang mga kinatawan sa mga distrito, party-list groups, at mga pinuno at sanggunian ng mga lokal na pamahalaan. Kasado na ang kampanya para sa mga kandidato ng kasalukuyang administrasyon at gayundin sa panig ng nakaraang administrasyon. Sa ganitong tipo pa lamang ay makikita na ginagamit ang eleksyon bilang plataporma ng pagpili sa kung sino sa mga โnaghahari-harianโ ang dapat mamayani sa ating bayan (Valmonte 2025). Pero ang interes ng sambayanan? Wala sa diskusyon.
Kaya naman, buhay ang kolektibong pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa interes ng masa. Napatunayan na ng kasaysayan na sa pamamagitan nito, magtatagumpay ang panawagan ng sambayanan sa gitna ng bangayan at kasakiman ng mga naghaharing-uri. Sa kolektibong pakikibaka nakasandig ang diwa ng EDSA. Kaya totoo na buhay ang diwa ng EDSA sa ating patuloy na pakikibaka laban sa korapsyon, kahirapan, kawalang pananagutan, at inhustisya. Buhay ang diwa ng EDSA sa ating paglabas sa ating mga silid-aralan tungo sa lansangan upang ipaglaban ang kapakanan ng bayan. Buhay ang diwa ng EDSA sa ating paglaban at pagtindig kasama ang hanay ng sambayanan. Nakikiisa ang UP Kalipunan ng mga Mag-aaral ng Sosyolohiya (UP KMS) sa pag-alala ng nag-aalab na damdamin ng pakikibaka laban sa paniniil. Sa ating paglaban, umuusbong ang pag-asa para sa isang malayang bukas.
REFERENCES:
IBON Foundation. 2025. โStagnant Growth due to Worsening Joblessness, Poverty -- IBON.โ IBON Foundation. Retrieved February 24, 2025 (https://www.ibon.org/mr-stagnant-growth-q4-2024/).
Samson, Oliver. 2025. โPhilippinesโ Cardinal Sin: The Voice That Summoned the Waves of Peaceful EDSA Revolution.โ Radio Veritas Asia. Retrieved February 24, 2025 (https://www.rvasia.org/feature-story/philippines-cardinal-sin-voice-summoned-waves-peaceful-edsa-revolution).
Sanchez, Mark John. 2021. โThe People Power Revolution: Philippines 1986.โ Origins.osu.edu. Retrieved (https://origins.osu.edu/milestones/people-power-revolution-philippines-1986).
Sigales, Jason. 2025. โLIST: More Schools Suspend Classes for Edsa People Power Anniversary.โ INQUIRER.net. Retrieved February 24, 2025 (https://newsinfo.inquirer.net/2035837/list-more-schools-suspend-classes-for-edsa-anniversary).
Valmonte, Kaycee. 2025. โWill the 2025 Midterm Elections Be a Referendum on Dutertes?โ Rappler. Retrieved February 25, 2025 (https://www.rappler.com/philippines/will-2025-midterm-elections-be-referendum-dutertes/).