30/11/2018
Pagusapan natin ang 8 na dahilan ng Debt Problem ng Pinoy.
-
Do you believe na bago natin bigyan ng solusyon ang isang problema, kailangan malaman natin bakit ba tayo nasa sitwasyon na yun?
-
Diba kapag may lagnat tayo, symptom ito na meron tayong sakit?
-
Bago tayo bigyan ng reseta ng doktor, kailangan niyang malaman muna ang cause nito.
-
Ganun din sa usaping kautangan, we have to know the causes why we are deeply in debt.
-
Eto yung mga nakitang kong dahilan bakit maraming Pinoy ang nababaon sa utang.
-
1. Na-endo or nawalan ng trabaho
-
Baka isa ka sa higit 4 million na Pinoy na unemployed based on Philippine Statistics Authority last April 2016.
-
Kung may trabaho man sa ngayon pero in few months ma-endo na ang kontrata. Panibagong lakad na naman ng mga requirements, gastos ulit.
-
Unfortunately, bago makahanap ng bagong trabaho baon na ulit sa utang.
-
2. Hindi na-approve ang salary increase
-
O baka naman regular ka na sa trabaho mo at feeling mo tataas na ang sweldo mo before the year ends.
-
Dahil sa inaasahang mong raise sa sweldo, napagastos ka ng bongga. Nag-swipe ka na sa credit card ng kung ano-ano. Unfortunately, the raises never came.
-
Natandaan ko dun sa last job ko, parang 7% or less lang ang naging increase ko lang.
-
Balik tayo sa usapan, marami akong kilalang ganyan. Di pa dumarating ang raise, nagastos na agad o madalas sobra pa dun sa inexpect na raise.
-
Resulta? Baon sa utang.
-
3. Nagbabayad ng Housing loan
-
Isa sa dream ng bawat Pinoy ang magkaroon ng sariling bahay. Lalo na kung nagsisimula pa lang sa pagbuo ng pamilya.
-
Kahit minsan hindi pa kaya, bumibili ng bahay at inapply ang balance sa housing loan.
-
Syempre priority ng couple na bayaran ang housing loan kaya ang tendency yung mga basic needs such as groceries etc charged to credit card na lang. Ayun na.
4. Rented a condo
-
Alam naman natin na mahal din ang renta ng condo dito sa Pinas.
-
Minsan kahit di kaya pinipilit pa rin kaya kahit na hirap na sa pang-rent, budget for the necessary expenses ang nag-sacrifice kaya ang nagiging solusyon swipe sa credit card.
-
5. Health issues
-
5 out of 10 Filipinos ang nagsasabing walang healthcare or HMO. Hindi naman kasi lahat ng nagta-trabaho, may healthcare benefit na binibigay ang employer nila.
-
So ang tendency kapag nagkasakit, galing sa sariling bulsa. Ang masakit dito kung walang savings in case of illness, utang ang solusyon.
-
Dagdag pa ang pag-increase ng cost of medicines and medical expenses.
-
6. Walang extra ipon para sa emergency
-
Aside sa illness, may mga ibang emergency like car repairs, home repairs or some other problem na pwedeng mangyari na kailangan i-solve pero wala kang savings na nakalaan para dito.
-
So your only option is to charge it sa credit card or loan and plan to pay it later pero dahil mas importante ang basic needs, ayun di nababayaran.
-
7. Sobrang magastos o spending problem
-
Marami sa mga Pinoy ang adik lang talaga sa shopping pero meron din they just spend more than they make.
-
Di ako naniniwala na walang pera ang mga Pinoy, ang dami pa rin nasa mall lagi.
-
Kaunti lang sa mga Pinoy ang smart spenders. Di ko na masyadong i-elaborate 'to.
-
Unfortunately, if you're spending more than you make, you're digging deeper and deeper into debt.
-
8. Combination nito
-
If you had a combination of these reasons, no doubt mababaon ka talaga sa utang.
-
Kung isa ka sa mga nakaka-experience nito sa ngayon, okay lang yan. The moment na binabasa mo 'to ibig sabihin nyan you need help.
-
Step one in getting out of debt is understanding why you're in debt and how bad the problem is.
-
Ngayon alam na natin yung mga causes kung bakit nababaon sa utang ang isang tao, it is time to know how can we solve it pero sa ngayon 'to lang muna ang pag-usapan natin.
-
Till my next post ha. ;) Care to share?
-
-
Sending you abundance and wisdom!