27/01/2025
SA LAHAT NA MAG-AARAL;
Nais po naming ipabatid sa lahat ang mga sumusunod patungkol sa patimpalak na Bleacher Dance sa darating na January 31, 2025:
1. Ang patimpalak na ito ay alinsunod sa tema ng Mathematics ngayong taon na โMathematics, Art and Creativity: Building Connections Beyond Numbersโ. Ito ay naglalayon na palawakin pa ang inyong kaalaman at kakayanan sa Math hindi lang sa numero konti pati na rin sa ibang aspeto na kalakip nito.
2. Ang patimpalak na ito ay boluntaryong sasalihan bilang bahagi ng inyong Performance task. Ang mga estudyanteng walang kakayahang makasali dahil sa ibaโt ibang kadahilanan kagaya ng may sakit, kulang sa panahon para sa ensayo at iba pa ay bibigyan ng ibang gawain. Ang mga naka programang activities ngayong buwan ng Math ay kasama rin sa maaring maisama sa inyong PETA kagaya ng pagsali sa mga sumusunod na patimpalak; Rubiks Challenge, Sudoko, Tower of Hanoi, Math Quiz Bee, Mathematician Look-Alike at ang Singing Mathematician. Ang Senior High School ay mayroon ding mga patimpalak kagaya ng mga nabanggit.
3. Hindi po hinihikayat ng pamunuan ng Mathematics ang pagkuha ng mga Trainer ganon din ang paggastos sa props at uniform. Sikapin nating makapag ensayo base sa ating sariling kakayanan at sa tulong tulong na pagkilos ng ating mga ka grupo. Ganon din, marapat lang na gumamit tayo ng mga props at costume na mura at naayon sa ating kakayan.
Dahil dito, hinihikayat namin ang lahat na wala na pong kukuha at magbabayad ng mga trainers at sikaping gumamit ng mga indigenous o recycled na mga costume at props. Alalahanin na ang bawat isa ay binibigyan ng inyong mga g**o ng pagkakataon na pumili at lumahok sa mga nabanggit na Math Activities para sa inyong PETA ng hindi kailangang gumastos. Walang sino mang estudyante na babawasan o hindi mabibigyan ng marka sa PETA kung dahil lamang ito sa hindi pagsali sa Bleacher Dance Competition.
Letโs all build connections, have fun with Math.
Salamat at Mabuhay tayong lahat.
CRISTINA FATIMA F. REPUELA
Chairman
Bleacher Dance Competition
Noted:
ANNABELLE S. DOMINGO
Mathematics Department Head