24/09/2026
Limampuโt apat na taon ang nakalipas, naghirap ang Pilipinas sa ilalim ng madugo at hindi makatarungang sistema ng pamumuno sa diktadurya. Sa kasalukuyan naman, patuloy ang paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga ganid at korap na pulitikoโat sa kasamaang palad, sa ilalim ng pagkapangulo ng isang pangalan na siya ring nagdulot ng Martial Law noon.
Sa mapagsamantalang korapsyon, hindi sapat na naitataguyod ang karapatan, kalayaan, at kaligtasan ng bawat isang bata. Hindi tama na hindi lahat ng bata ay may akses sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at iba pang mga pangunahin na pangangailangan. Hindi tama na nagmamahal lang ang mga bilihin, serbisyo, at pamasahe na nagpapahirap sa mga pamilya. Hindi tama na nalulubog sa baha ang mga bata sa kanilang mga tahanan at paaralan habang ang sa luho lamang lubog ang mga sangkot sa isyu ng flood control. Hindi tama na sinasanay ang mga lumalaking bata sa mga perspektibong bayolente, ignorante, at nakapapahamak para sa sarili at kapwa.
Sa pag-alaala natin ng karahasan na naganap sa ilalim ng Martial Law dala ng ika-54 na anibersaryo nito kahapon, alalahanin rin natin ang mga isyung politikal na humahamak sa atin ngayon. Singilin ang may mga may perang inilihim. Ikulong dapat ang lahat ng may kaso. Huwag hayaan na makatakas ang mga sangkot. Sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata, dapat rin ating isaalang-alang ang lipunan at kapaligiran na kanilang kalalakihan.
๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ.
๐๐๐ซ๐๐ง ๐๐ค๐ง๐๐๐ฉ, ๐๐๐ซ๐๐ง ๐ผ๐๐๐๐ฃ!