25/08/2026
BUWAN NG WIKA 2026 β¨π΅π | Sa pakikipagtulungan sa Ceelin Gummies at Nutroplex
Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa sa temang:
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Sa Agosto 28, 2026 (Biyernes), alas-8:00 ng umaga, ating saksihan ang husay, talento, at pagkamalikhain ng ating mga mag-aaral sa iba't ibang pagtatanghal na nagpapakita ng pagmamahal sa ating sariling wika at kultura. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang na makiisa at maging bahagi ng makabuluhang programa na ito.
Bilang bahagi rin ng ating paggunita sa Buwan ng Wika, sa Agosto 22, 2026, lalahok ang ating mga mag-aaral sa isang Off-Campus Educational Activity upang mapanood ang isang theatrical production tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizalβisang natatanging pagkakataon upang higit pang maunawaan ang kanyang buhay, mga sakripisyo, at pagmamahal sa bayan. π
Tara na at ipagdiwang natin ang kagandahan ng Wikang Filipino, yakapin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan, at patuloy na pagyamanin ang ating kultura at kasaysayan. β€
______
π Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan ng Ceelin Gummies at Nutroplex.
ππ€π