Rosa L. Susano - Novaliches Elementary School

Rosa L. Susano - Novaliches Elementary School The Official page of Rosa L. Susano - Novaliches Elementary School.

MGA BAGONG NAHALAL NA SPTA OFFICERS 2026โ€“2027 Malugod nating binabati ang mga nahalal na bagong School-Parents Teacher A...
19/08/2026

MGA BAGONG NAHALAL NA SPTA OFFICERS 2026โ€“2027

Malugod nating binabati ang mga nahalal na bagong School-Parents Teacher Association (SPTA) Officers para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027!

Ang inyong pagtitiwala at kahandaang maglingkod ay malaking ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Nawaโ€™y maging daan ang inyong pamumuno sa mas matatag na pagtutulungan, pagkakaisa, at bayanihan ng mga magulang, g**o, at buong komunidad ng paaralan.

Congratulations, bagong SPTA Officers!

ATTENTION! ๐Ÿ“ขTo all learners and teachers in NCR schools with suspended on-site classes today, August 18, 2026 (Tuesday)โ€”...
18/08/2026

ATTENTION! ๐Ÿ“ข

To all learners and teachers in NCR schools with suspended on-site classes today, August 18, 2026 (Tuesday)โ€”weโ€™ve got you covered!

While face-to-face classes are on pause, learning doesnโ€™t have to stop. Head over to the Regional LR Portal for resources you can use under the alternative delivery mode (ADM):

๐Ÿ‘‰ https://portal.depedncrlrms.com/

Weโ€™re talking activity sheets, storybooks, and a whole lot more to keep the learning going!

Because here at DepEd NCR, learning continuesโ€”rain or shine, online or offline, weโ€™ve got your back!

Stay safe, everyone! And donโ€™t forget to check out the portal!


ATTENTION! ๐Ÿ“ข

To all learners and teachers in NCR schools with suspended on-site classes today, August 18, 2026 (Tuesday)โ€”weโ€™ve got you covered!

While face-to-face classes are on pause, learning doesnโ€™t have to stop. Head over to the Regional LR Portal for resources you can use under the alternative delivery mode (ADM):

๐Ÿ‘‰ https://portal.depedncrlrms.com/

Weโ€™re talking activity sheets, storybooks, and a whole lot more to keep the learning going!

Because here at DepEd NCR, learning continuesโ€”rain or shine, online or offline, weโ€™ve got your back!

Stay safe, everyone! And donโ€™t forget to check out the portal!

How to access the Regional LR Portal:
1. For existing users with registered account at the NCR portal, log-in using your submitted credentials.
2. For holders of DepEd email, please create an account using such email to be able to access.
3. For private schools, they may view up to 10 materials.


PABATID SA LAHAT                                                                                                        ...
14/08/2026

PABATID SA LAHAT
Ipinababatid sa lahat na maaari nating iparating sa pamunuan ng paaralan ang anumang alalahanin, isyu, reklamo, mungkahi, o hinaing upang ito ay agad na mapagtuunan ng pansin at mabigyan ng nararapat na tugon.

Bilang bahagi ng ating layunin na mapanatili ang isang ligtas, maayos, bukas, at tumutugon na paaralan, hinihikayat ang lahat na gamitin ang QR Code para sa mga alalahanin, isyu, reklamo, mungkahi, o hinaing
๐Ÿ“Œ Ano ang maaaring iparating?
โ€ข Mga alalahanin tungkol sa paaralan at mga serbisyo nito
โ€ข Mga isyung nangangailangan ng agarang aksyon
โ€ข Mga reklamo o hinaing na nais maiparating sa pamunuan
โ€ข Mga mungkahi para sa ikabubuti ng mga mag-aaral at ng paaralan
โ€ข Iba pang usaping nangangailangan ng atensyon at kaukulang tugon

๐Ÿ”’ Maaari ring magsumite ng ANONYMOUS COMPLAINT.
Para sa mga nais magpahayag ng kanilang hinaing nang hindi inilalagay ang kanilang pangalan, maaari itong gawin sa pamamagitan ng Anonymous Complaint. Hinihiling lamang na ilahad nang malinaw at maayos ang detalye ng concern upang mas madaling masuri at maaksyunan.

๐Ÿ’ฌ Mahalaga ang inyong tinig at saloobin.
Ang bawat concern at reklamo ay pakikinggan at bibigyan ng nararapat na atensyon. Sa pamamagitan ng maayos na pagbabahagi ng inyong mga hinaing at mungkahi, sama-sama nating mapagbubuti ang mga serbisyo at kalagayan ng ating paaralan.

๐Ÿ“ฒ I-SCAN ANG QR CODE upang maiparating ang inyong alalahanin, isyu, reklamo, o hinaing.

Maraming salamat sa inyong tiwala, pakikiisa, at pakikipagtulungan.
๐Ÿค Sama-sama para sa isang paaralang nakikinig, tumutugon, at nagmamalasakit.

๐Ÿ“ข ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†Nais ipabatid ng Administrasyon ng Rosa L. Susano Novaliches Elementary School sa lahat ng mga magul...
03/08/2026

๐Ÿ“ข ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†

Nais ipabatid ng Administrasyon ng Rosa L. Susano Novaliches Elementary School sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholder ang aming opisyal na pahayag kaugnay ng insidenteng kinasasangkutan ng isang mag-aaral na natuklasang may dalang patalim habang papasok sa paaralan.

Batay sa isinagawang mahigpit na inspeksyon sa pangunahing tarangkahan ng paaralan, agad na nakumpiska ng aming security personnel ang naturang patalim bago pa man makapasok ang mag-aaral sa loob ng campus. Ang pangyayaring ito ay patunay na epektibo at mahigpit na ipinatutupad ng paaralan ang mga umiiral na seguridad at safety protocols upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Agad ding ipinatawag ang magulang o guardian ng mag-aaral upang maipaliwanag ang insidente at maisagawa ang naaangkop na hakbang alinsunod sa mga umiiral na polisiya ng Department of Education at ng paaralan.

Nais din naming ipaalala na ang araw-araw na bag inspection ay bahagi ng aming regular na security measures. Layunin nitong matukoy at makumpiska ang anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib o magamit sa pananakit upang mapanatiling ligtas ang kapaligiran ng aming paaralan.

Nauunawaan namin ang pag-aalala ng mga magulang, subalit nais naming tiyakin sa lahat na walang naganap na pananakit o anumang insidenteng nagbanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani, at ang sitwasyon ay agad na naaksyunan ng aming mga kinauukulan.

Patuloy na paiigtingin ng Rosa L. Susano Novaliches Elementary School ang pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng disiplina, responsableng pag-uugali, at kaligtasan sa loob ng paaralan. Hinihikayat din namin ang mga magulang na makiisa sa paggabay sa kanilang mga anak at paalalahanan sila na huwag magdala ng anumang ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan sa paaralan.

Inaanyayahan namin ang lahat na manatiling kalmado, umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at patuloy na makipagtulungan sa paaralan upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral ay nananatiling pinakamataas na prayoridad ng Rosa L. Susano Novaliches Elementary School.

โ€ผ๏ธ๐Œ๐ ๐š ๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง ๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ง๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐๐š๐ ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐งAng kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ay responsi...
21/07/2026

โ€ผ๏ธ๐Œ๐ ๐š ๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง ๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ง๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐๐š๐ ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ay responsibilidad nating lahat.

Sa oras ng anumang banta o emergency, manatiling kalmado at tandaan ang I.A.D.D.:

โ€ข I - ๐ˆ๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐Ÿ๐ฒ ang posibleng panganib.
โ€ข A - ๐€๐ฏ๐จ๐ข๐ ang lugar na may banta kung ligtas na makalayo.
โ€ข D - ๐ƒ๐ž๐ง๐ฒ ang access kung kinakailangan upang maprotektahan ang sarili at ang iba.
โ€ข D - ๐ƒ๐ž๐Ÿ๐ž๐ง๐ bilang huling opsyon kung walang ibang paraan upang mailigtas ang buhay.

Makinig at sumunod sa mga tagubilin ng inyong mga g**o, school personnel, at mga emergency responder. Ang maagap na pagkilos at tamang kaalaman ay mahalaga upang mapanatiling ligtas ang ating paaralan.

Sa oras ng emergency, tumawag sa QC Helpline 122 o Hotline 911.

ANNOUNCEMENT:Nais mo bang maging mas malakas, disiplinado, at may kumpiyansa sa sarili? Tara na at sumali sa Taekwondo T...
18/07/2026

ANNOUNCEMENT:
Nais mo bang maging mas malakas, disiplinado, at may kumpiyansa sa sarili?
Tara na at sumali sa Taekwondo Training ng Rosa L. Susanoโ€“Novaliches Elementary School!

๐Ÿ“ Taekwondo Training
๐Ÿ—“๏ธ Tuwing Sabado
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 10:00 AM
๐Ÿ“ Covered Court, Rosa L. Susanoโ€“Novaliches Elementary School

Mga benepisyo ng pagsali:
โœ… Matutunan ang tamang self-defense
โœ… Mapalakas ang katawan at kalusugan
โœ… Mahubog ang disiplina at aktibong pamumuhay
โœ… Madagdagan ang kumpiyansa sa sarili

๐Ÿ“šSino ang maaaring sumali?
Mga mag-aaral mula Grade 2 hanggang Grade 6

๐Ÿ“ Paano magparehistro?
Pumunta sa Vargas Building at hanapin sina;
โœ…Ma'am Josette V. Dusaban o
โœ…Ma'am Ana Marie D. Rosario, o
โœ… kaya ay i-scan ang QR Code sa poster upang mag-register online.

๐Ÿ“ข CLASS ADVISORY | July 10, 2026 (Friday)In line with the recommendation of the Quezon City Disaster Risk Reduction and ...
09/07/2026

๐Ÿ“ข CLASS ADVISORY | July 10, 2026 (Friday)

In line with the recommendation of the Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC), face-to-face classes in all PUBLIC SCHOOLS in Quezon City are suspended today, July 10, 2026, due to the expected adverse weather conditions brought about by the Southwest Monsoon (Habagat) enhanced by Typhoon Inday.

For our learners, Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous/Asynchronous) shall be implemented as advised.

Students, parents, and guardians are encouraged to monitor the school's official communication channels for further announcements and updates.

Please prioritize your safety and take the necessary precautions during this inclement weather.

Stay safe and keep dry, everyone.

JUST IN:

| Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat na pinaigting ng Bagyong , inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong araw, Biyernes, July 10, 2026.

โ€ข Child Development Centers
โ€ข Kindergarten
โ€ข Grades 1-12
โ€ข Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT MGA KAWANI NG PAARALANAng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at positibong ...
04/07/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT MGA KAWANI NG PAARALAN

Ang pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa paaralan ay pananagutan nating lahat.

Ipinapaalala ng Department of Education ang mga itinakdang kaukulang hakbang sa pagharap sa mga paglabag upang maisulong ang disiplina, paggalang, at pananagutan sa loob ng paaralan. Ang layunin nito ay hindi lamang maituwid ang maling asal, kundi mahubog ang mga mag-aaral bilang responsableng mamamayan.

Inaanyayahan ang lahat na basahin at maging gabay ang DepEd Order No. 006, s. 2026 para sa mas malawak na kaalaman tungkol sa mga alituntunin sa disiplina sa paaralan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, maayos, at makataong kapaligiran sa pagkatuto.

๐ŸŽ’๐Ÿ“š ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐Š, ๐‘๐Ž๐’๐€๐๐ˆ๐€๐๐’! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’Isang panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at tagumpay ang ating muling s...
07/06/2026

๐ŸŽ’๐Ÿ“š ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐Š, ๐‘๐Ž๐’๐€๐๐ˆ๐€๐๐’! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Isang panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at tagumpay ang ating muling sisimulan!

Malugod naming tinatanggap ang lahat ng mag-aaral, magulang, at mga g**o sa pagbubukas ng School Year 2026-2027. Nawa'y maging puno ng inspirasyon, kasiyahan, at makabuluhang karanasan ang bawat araw sa ating paaralan.

Handa na ba kayong matuto, mangarap, at magtagumpay?

Sama-sama nating simulan ang panibagong yugto ng pag-aaral na may sigla, disiplina, at determinasyon.

Kita-kits sa paaralan, Rosanians!

๐Ÿ’™๐Ÿ’›โค๏ธ





๐Ÿ“ข ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐”๐‹๐€๐๐† ๐€๐“ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹Narito po ang opisyal na ๐‘ช๐’๐’‚๐’”๐’” ๐‘บ๐’„๐’‰๐’†๐’…๐’–๐’๐’† ng bawat baitang sa Rosa L. Susano-Novalic...
06/06/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐”๐‹๐€๐๐† ๐€๐“ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹

Narito po ang opisyal na ๐‘ช๐’๐’‚๐’”๐’” ๐‘บ๐’„๐’‰๐’†๐’…๐’–๐’๐’† ng bawat baitang sa Rosa L. Susano-Novaliches Elementary School para sa School Year 2026-2027.

Mangyaring gabayan ang ating mga mag-aaral sa tamang oras ng pagpasok at pag-uwi upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa loob at labas ng paaralan. Pakisunod din po ang nakatalagang mga gate para sa entrance at exit ng bawat grade level.

๐Ÿ•’ Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras ng klase.
๐Ÿšช Sundin ang tamang gate assignment.
๐ŸŽ’ Ihanda ang mga kinakailangang gamit sa pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa para sa maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase.





Address

Quirino Highway, Gulod, Novaliches
Quezon City
1117

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rosa L. Susano - Novaliches Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Rosa L. Susano - Novaliches Elementary School:

Shortcuts

Share