28/04/2020
Dahil na extend na naman po ang ECQ sa NCR hanggang May 15, at matagal tagal na din nkapahinga at nkabakasyon ang ating mga chikitings hinihimok po namin lahat ang mga magulang at mga mag-aaral na may cellphone, tablet o kaya'y laptop po sa kanilang bahay na makiisa sa paggamit po ng DepEd Commons lalong lalo na po ang aming mga estudyante sa Saint Mark Int'l Academy . Ang DepEd Commons po ay isang Online Learning...E2 po ung madalas ntin ngaung npapanood sa tv na binabanggit ng DepEd maging sa ating mga newsfeed sa social media nag aappear po e2... Ang DepEd Commons ay LIBRE walang data charge mapa GLOBE, SMART, TM at SUN ay pwede ng makapag-access ALL NETWORKS. Ito po ay naisip na paraan ng DepEd para patuloy ang pagkatuto ng ating anak habang tayo ay nasa ECQ. Gawin po nting makabuluhan ang ECQ pra sa mga bata... . Mayroon din po siyang laro/puzzle. Kaya inaanyayahan po namin kayo na samantalahin ang napakaalternatibong sistema na handog ng Deped para sa ating mga anak habang nasa ECQ.
PAANO ANG PAGPUNTA SA DepEd Commons:
Step 1: Pumunta sa Google
Step 2: I-type/Search DepEd Commons
Step 3: I-type ang ating School ID: 406564
(sa select School at lalabas po ang name ng school)
Step 4: I-type ang pangalan
Step 5: Email Address (Ito ay Optional, pwedeng hindi na po maglagay ng Email Address)
Step 6: Mamili ng Grade na naaayon sa inyo pong Anak
Step 7: Mamili ng Subject na nais niyo pong buksan
Step 8: Maaari na pong mag-quiz(may mga tanong po na lalabas at sa bawat tanong po ay may kaukulang score.
SAMA SAMA po taung magEnjoy at matuto sa panahon ng ECQ
Keep safe and Stay at home
Stay Safe Markians ♥️Godspeed 🙏🏿