13/04/2025
Mula sa mga umagang hinangad naming huwag munang bumangon, matulog pa nang mahaba, at hindi pumasok— Na naging mga umagang gumising kaming nasasabik pumasok. ~ 🌞
Nag simula ang lahat sa hindi maayos na daan: Sa pagkakaroon ng paninibago sa kaklase, sa pag pasok sa bagong department, at sa malaking pag iba ng tao sa paligid. Subalit, nang makilala namin ang isa’t isa sa pag aasaran, pag uusap, at pag kukulitan, Napagtantuan na kakayanin naman pala namin ang pangkat na ito.
Mga taong nag pa ayaw saaming pumasok, sila rin ang naging rason kung bakit kami pumasok. — Mga gawain na inayawan namin, ayun din ang naging rason kung bakit namin kinailangang pumasok. — Mga taong nag pabigat sa mga gawain, sila rin ang nakatulong sa mga gawaing hindi nagampanan ng isa.
~ Hindi kami balanseng seksyon. Hindi rin kami perpekto. Pero nagkaroon kami ng pagtutulak— Tulak patungong palawakin ang kakayahan. Kakayahan na hindi namin alam na kaya pala naming gawin.
Nagkaroon kami ng iklian ng pasensya sa isa’t isa. Ngunit may natatanging tao na hindi kami sinukuan. Iyun ay si Ma’am Rich. Sobrang daming pagsubok ang nangyari sakanya, pero hindi siya nag iba ng pakikitungo saamin, at pinag patuloy niya pa rin kaming mahalin. Kahit isa kami sa mga naging pagsubok niya. Kaya malaking pasasalamat po ang binibigay namin sa’yo, Ma’am Rich! 🫡🤍
Bago magtapos ang school year na ito, magbibigay lang kaming pasasalamat sa mga g**o na nag sikap magturo saamin, Sa mga magulang na patuloy ang suporta sa kanilang mga anak, Sa department head na hindi kami pinabayaan, Sa SAC na ramdam na ramdam namin, At sa paaralan na binigyan kami ng maraming alaala. 🤟🏻
Paalam, Aquamarine ‘24-‘25! Sana pagpalain tayong lahat sa kung ano mang
plano nating gawin. 🍀
✍️: Mickie Hannah Tan Coruno
🎥: Samielle Audrey Canio,
Elisse Ann Isaac,
Mickie Hannah Tan Coruno
🎨: Mickie Hannah Tan Coruno