06/05/2026
Noong Abril 13… nagsimula na ang bardagulan!!! 🤸♂️🤸♀️
AnthropoLaro officially kicked off this year’s internal Committee Wars, a sports day where no one showed mercy—mula sa sack race hanggang agawan base at iba pa!
Silipin ang mga naging kaganapan sa recap na ’to! Happy 62nd anniversary, AnthroSoc💥
CO-PRESENTED BY
Philippine Network of Food Security Programmes, Inc.
UP Tomo-Kai
IN PARTNERSHIP WITH
Anthropos Core Group
International Relations Organization of Ateneo
Philippine Association of Nutrition – Alpha Chapter
UP Lipunang Pangkasaysayan
UP Bugkos
UP Manila Alpha Pi Omega Sorority
ALSO BROUGHT TO YOU BY
UP Samahang Linggwistika
DUGONG-Antro
04/05/2026
We are what we eat! 🍉
Food is one of the primary essentials of living. While its value as a research subject may appear straightforward and intuitive, its essentiality with life in all of its forms and complexities makes it a powerful lens through which to understand not only biological and ecological processes, but also culture, systems of knowledge production, and processes of identity construction.
It is from this understanding that the anthropology of food emerged as a vital subfield within sociocultural anthropology. 🔎🍽️
Thus, this April 2026, UP Anthrosoc celebrates its 62nd Anniversary with the theme “Salo-salo: Sharing Foodways and Collective Struggle Towards Food Sovereignty.” It is through the centering of food that UPAS aims to support and amplify community-led efforts that sustain local culinary systems and reimagine a more just and equitable food future.
CO-PRESENTED BY
Philippine Network of Food Security Programmes, Inc.
UP Tomo-Kai
IN PARTNERSHIP WITH
Anthropos Core Group
International Relations Organization of Ateneo
Philippine Association of Nutrition – Alpha Chapter
UP Lipunang Pangkasaysayan
UP Bugkos
UP Manila Alpha Pi Omega Sorority
ALSO BROUGHT TO YOU BY
UP Samahang Linggwistika
DUGONG-Antro
01/05/2026
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ANTROPOLOGO NG BAYAN NG UP ANTHROPOLOGY SOCIETY AT ANTHROPOS CORE GROUP HINGGIL SA PAGMASAKER NG 79TH IPBA SA TOBOSO 19
Mula Bulwagan hanggang Kanayunan, Tuligsain ang Pasistang Rehimen!
Itaguyod ang Dignidad sa Fieldwork! Singilin ang Hustisya para sa Toboso 19!
Mariing kinokondena ng UP Anthropology Society at ng Anthropos Core Group ang marahas na operasyon ng 79th Infantry Battalion, Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Nagresulta ang indiscriminate strafing ng mga militar noong April 19 sa pagbakwit ng 653 lokal na residente at pagpaslang sa 19 katao.
Kasama rito ang dalawang menor de edad at iba pang mga sibilyan na sina Alyssa Alano, isang iskolar at lider estudyante; RJ Ledesma, isang mamamahayag; sina Errol Wendell at Maureen Keil Santuyo, mga peasant advocates; at sina Lyle Prijoles at Kai Sorem, mga Filipino-American human rights advocates.
Hindi ginagamit at nililimitahan lamang sa interes ng iilan ang kanilang kahusayan at kasanayan sa kani-kanilang larangan; tinutuon ito sa paglilingkod sa sambayanan. Inaalala at binibigyang-pugay natin ang 19 na nasawi sa Toboso, kabilang ang siyam na sibilyan at sampung armadong rebolusyonaryo, na kapwa bahagi sa pakikibaka para sa masang api.
Hindi hiwalay sa mas malawak na laban para sa lupa, kabuhayan, at katarungan ang kanilang buhay at kamatayan. Lalong lumilinaw sa kanilang pag-aalay ng buhay ang pangangailangang ipagpatuloy ang laban ng sambayanan.
Kapag nagkaisa ang taumbayan at sumama sa laban ng masang api, doon lamang manganganib ang trono ng mga asyendero at ng kanilang mga bantay na de-uniporme.
DEFEND NEGROS!
DEFEND FIELDWORKERS!
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!
MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
UPHOLD THE INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW!
PAG-ARALAN ANG LIPUNAN!
SANGGUNIAN
Mariveles, J. D. (2014, April 15). Tiempo mu**to for negros, tiempo suerte for Filipinos? PCIJ.org. https://pcij.org/2014/04/15/tiempo-mu**to-for-negros-br-tiempo-suerte-for-filipinos/
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (2026, April 30). | Massacres in Negros Island [Infographic]. Facebook. https://www.facebook.com/share/p/1FUrfTKUeh/?mibextid=wwXIfr
Hapal, K., Gante, H., Ibarra, Y., & Rombaon, P. (2022). Protecting land activists from state violence: the case of NFSW and KMP in Negros, the Philippines. Journal of the British Academy, 10s3, 57–77. https://doi.org/10.5871/jba/010s3.057
Kovats‐Bernat, J. Christopher. "Negotiating dangerous fields: Pragmatic strategies for fieldwork amid violence and terror." American Anthropologist 104, no. 1 (2002): 208-222. https://doi.org/10.1525/aa.2002.104.1.208.
Bourgois, P. (2006). Forward: Anthropology in the global state of emergency. In V. Sandford & A. Angel-Ajani (Eds.), Engaged observer: Anthropology, advocacy, and activism (pp. ix–xii). New Brunswick, NJ: Rutgers University Press.
22/04/2026
Iskolar ng Bayan, dakilain natin ang alaala ng ating naging kaklase, kaibigan, at kasama bilang Konsensya ng Bayan. Hustisya para kay Alyssa! AFP-PNP Berdugo! Uphold International Humanitarian Law!
DAKILAIN ANG ALAALA NG ISANG KONSENSYA. HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
OPISYAL NA PAHAYAG NG UPD CSSP STUDENT COUNCIL, UPD CSSP FST COUNCIL, UGNAYAN TANGGOL KAPP, AT MGA ORGANISASYON NG AGHAM PAMPULITIKA SA PAGPASLANG NG 79TH INFANTRY BATTALION KAY ALYSSA ALANO— ORGANISADOR, LIDER-ESTUDYANTE, AT KONSENSYA NG BAYAN
Noong Abril 19, nagkaroon ng operasyon ang AFP sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental na sanhi ng pagbakwit ng mga mamamayan sa nasabing lugar at pagkamatay ng isang masikhay na Konsensya ng Bayan— si USC Councilor Alyssa Alano. Mula sa apat na dingding ng pamantasan, tumungo si Alyssa sa Negros upang alamin ang konkretong kalagayan ng mga magsasaka at makipamuhay sa kanila. Bitbit ang mga teorya ng agham panlipunan, siya ay tumungo sa kanayunan upang mag-organisa at ipaglaban ang mga demokratikong karapatan ng mga magsasaka.
Kilala si Alyssa bilang masikhay na organisador at lider-estudyante sa loob ng Bulwagang Palma at maging sa buong unibersidad. Nagsilbi siya bilang Education, Training, and Popular Struggles Councilor ng UPD CSSP Student Council noong A.Y. 2023-2024, at sa kasalukuyan, tinanganan ang pagiging Education and Research Councilor sa UP Diliman University Student Council. Bilang mag-aaral mula sa Department of Political Science, namulat si Alyssa sa kalagayan ng masa; bunsod nito,buong-lakas na inalay niya ang kanyang panahon sa pag-aaral at pag-intindi ng kanilang kondisyon. Naging masigasig siya sa kanyang paghawak ng mga komiteng pang-edukasyon, hanggang sa makapasiyahan na makipamuhay sa malawak na hanay ng masa sa Negros.
Hindi hiwalay ang sinapit ni Alyssa sa kabuuang lagay ng Negros, isang rehiyon na matagal nang pinaghaharian ng malalaking panginoong maylupa at burgesya komprador, habang ang masang anakpawis ay patuloy na nananatiling lugmok sa kahirapan. Nananatili ang ganitong reyalidad sa pamamagitan ng dahas ng estado, na siyang instrumento upang protektahan ang mga kapitalista at supilin ang masang api.
Mula rito, nananawagan ang buong Komunidad ng CSSP sa pagkamit ng hustisya para kay Alyssa— isang Konsensya ng Bayan, anti-imperyalista, at bayani ng sambayanan.
Iskolar ng Bayan, dakilain natin ang alaala ng ating naging kaklase, kaibigan, at kasama bilang Konsensya ng Bayan. Hustisya para kay Alyssa! AFP-PNP Berdugo! Uphold International Humanitarian Law!
16/04/2026
Final na, Reserve ka na! Naghahanap ka ba ng last minute pre-game bago mag-UP Fair? Lika na sa Tagpuan Merchant's Bazaar sa Palma Hall Dap-Ayan 🤩🍃 Suportahan natin ang iba't ibang students at advocacy groups na nagtipon para iarangkada ang iba't ibang adbokasiya at makataong pakikisama.
Silipin ang ilan sa aming produkto! Kung may mapusuan ka, magfill-up ka na ng reservation form para mapick-up na rin agad kinabukasan. ??
https://forms.gle/bXMyejxHjhf4Tvhi8
https://forms.gle/bXMyejxHjhf4Tvhi8
Isang tulog nalang! Ano na, Anthropos na!
In-partnership with...
UP Anthropology Society
Liwanag at Dunong
SALiGAN sa CSSP
Liwaway: Anthropology Field School 2026 Fundraising
Also brought to you by...
UP Psychedelics
UP POLIS Core Group
SparkLINGG Core Group
🌠 Pubmat by: Anna Dalet
✍️ Caption by: Cla Tenorio
13/04/2026
Goodness gracious. Ikaw yung… kasali sa AnthropoLaro?!
Ready na ba kayong makipagbardagulan, madumihan, at mapagod with your committee? Expect fun, chaotic games for this year’s committee wars with AnthropoLaro! 🏐🪿🕺🏻
Bring your water, wear comfy clothes, and represent your committee with pride!
Good luck, see you all there, and may the koolest committee win! 💥
This is an internal event.
13/04/2026
Celebrating our 62nd anniversary, UP Anthropology Society invites you to dine with us for Salo-salo: Sharing Foodways and Collective Struggle Towards Food Sovereignty. 🥬✊
As one of the primary essentials of life, food plays a central role in the formation of identity and community. Today, the continuity of local culinary heritage is threatened by globalizing forces such as the industrialization of agriculture, gastropolitics, and the standardization of culinary practices.
This doesn’t only put local foodways at risk, it also deepens food insecurity by eroding communities’ relationships with their local food systems. The thriving of any community cannot be separated from the preservation of the culinary heritage that sustains them, thus emphasizing the importance of upholding the right to food sovereignty. 🗣️🍽️
This April, come join us as we celebrate Philippine food biodiversity and reimagine more just and equitable food futures:
🏐AnthropoLaro (April 13)
🛍️Tagpuan Merchant’s Bazaar (April 16–17)
🌾Community Engagement (April 20)
☕️Kapihan (April 24)
💡Trivia Night (TBA)
📝Food Writeups (TBA)
🌃Culminight (May 02–03)
CO-PRESENTED BY
Philippine Network of Food Security Programmes, Inc.
UP Tomo-Kai
IN PARTNERSHIP WITH
Anthropos Core Group
International Relations Organization of Ateneo
Philippine Association of Nutrition – Alpha Chapter
UP Lipunang Pangkasaysayan
UP Bugkos
UP Manila Alpha Pi Omega Sorority
ALSO BROUGHT TO YOU BY
UP Samahang Linggwistika
DUGONG-Antro
Caption by Rai
Layout by Aeris
Photo by Edward and Aevi
Featuring Hector, Akia, Jubs, Harmo, Alala, Saoirse, and Tri
Illustrations by RJ, Mira, and Cla
10/04/2026
Sa bawat tahi at padyak ng makina, may isang babaeng nagbibigkis nang higit pa sa inaasahan ng mundo sa kanya.
Si Nanay Verna ay isang mananahi, ina, solo parent, PWD officer, at bahagi ng komunidad ng Barangay Pansol. Sa kanyang mga kamay at sa kanyang mga karanasan, makikita ang isang katotohanang madalas na hindi pinag-uusapan: na ang mga babaeng nasa laylayan, lalo na ang mga may kapansanan, ay hindi dapat naiiwan sa gilid ng lipunan.
Sa patuloy na paggunita ng Women’s Month, kinikilala ng UP Anthropology Society ang mga kababaihang manggagawa tulad ni Nanay Verna. Hindi lamang ito para sa kanilang sipag at sakripisyo, kundi para sa kanilang kakayahang lampasan ang inaasahan, gampanan ang iba’t ibang tungkulin, at makilahok sa kolektibong buhay ng pamayanan.
Sa kanilang tahimik ngunit tuloy-tuloy na paggawa, binabago nila ang pag-unawa sa pagiging babae bilang mga indibidwal na may kakayahang humubog ng sariling kabuhayan at pagkakakilanlan, sa kabila ng mga limitasyong ipinapataw ng lipunan
Paalala ang mga kuwento tulad ng kay Nanay Verna na ang mga pananaw na nagtatakda ng hangganan sa pagkatao at kakayahan ng kababaihan ay marapat nang putulin. Sama-sama nating habiin ang isang mundong tunay na inklusibo at makatarungan para sa mga kababaihan, manggagawa, at sa mga may kapansanan.
Sulat nina Jersan at Mika
Kuha ni Rafi
Lapat ni Aevi
10/04/2026
Isang araw na lang at dadalhin na ng agos ng Bakas: Film Showing and Talk Back ang pelikulang “Wash Out” kasama ang Sambilog - Balik Bugsuk Movement upang ibahagi ang kanilang karanasan sa patuloy na isyu ng 'di makatarungang land grabbing ng mga malalaking korporasyon. Ating kilalanin ang mga speakers na magbubukas ng diskusyon bukas kaakibat ng nilalaman ng pelikula.
Bilang mga konsensiya ng bayan, halina't makitindig at sama-samang lumaban para sa karapatan ng ating mga kapwa. Inaasahan namin ang inyong pagdalo bukas, ika-10 ng Abril, Biyernes!
🌠 Pub by: Ainna Deiparine
📝 Caption by: Prez Ramones