27/02/2026
ππππ ππ
UP Community Development Circle
Ngayong ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginugunita ng mga organisador ng bayan mula sa UP Community Development Circle ang makasaysayang tagumpay na isinilang mula sa organisado at kolektibong pagkilos ng mamamayan laban sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr.
Ngunit tandaan natin: ang tagumpay na ito ay hindi simpleng produkto ng apat na araw sa EDSA, kundi bunga ng dekadang paglaban, pag-oorganisa, at sakripisyo ng mamamayang manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, maralitang lungsod, at iba pang marhinalisadong sektor na nagbuwis ng lakas, panahon, at buhay.
Sa kabila ng mga pagtatangkang burahin at baluktutin ang kasaysayan, lalo na sa ilalim ng administrasyon ni Bongbong Marcos Jr., naninindigan tayo na hindi maituturing na βbloodless revolutionβ ang EDSA kung iuugnay ito sa mas malawak na konteksto ng Batas Militar, dahil ito ay isang panahong minarkahan ng tortyur, pagkakulong, at pagpaslang sa libo-libong marhinalisadong Pilipino. Ang EDSA ay rurok ng mas malawak na pakikibaka laban sa panunupil, korapsyon, at pang-aabuso ng estado.
Bilang mga mag-aaral at development workers, kinikilala natin na ang diwa ng EDSA ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi hamon sa ating kasalukuyan. Ang tunay na diwa ng People Power ay makikita sa patuloy na pag-iral ng mga komunidad na nag-oorganisa para sa kanilang lupa, trabaho, serbisyong panlipunan, at karapatang pantao.
Sa ganitong konteksto, hindi maaaring ihiwalay ang aral ng EDSA sa ating kasalukuyang kalagayan. Sa gitna ng tumitinding krisis: ang mataas na presyo ng bilihin, lumalalang korupsiyon, at patuloy na panunupil ng estado sa taumbayan ay malinaw na hindi pa tapos ang laban para sa tunay na demokrasya.
Panagutin si Sara Duterte sa kanyang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan. Ipaglaban ang tunay na laban kontra korupsiyon sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. Itigil ang red-tagging, militarisasyon, at represyon sa mga aktibista at mamamahayag. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal.
Ang laban kontra korupsiyon at panunupil ay pagpapatuloy ng diwa ng EDSA, isang laban para sa hustisya, kalayaan, at dignidad ng buong taumbayan. Ang EDSA ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo. Isa itong paalala na kapag nagkakaisa ang mamamayan, kaya nating pabagsakin ang diktadura. Isang malaking paalala rin ito na ang kalayaan ay hindi permanente, ito ay patuloy na ipinaglalaban.
Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA, muli nating pagtibayin:
Hindi tayo makakalimot. Hindi tayo papayag sa pagbaluktot ng kasaysayan. Patuloy tayong mag-oorganisa para sa tunay na pagbabago.
23/01/2026
Ang Paglilingkod sa Bayan ay Hindi Terorismo: Pahayag ng UP CDC sa Hatol kina Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil
Kung ang pamamahayag at gawaing pangkomunidad ay hahatulan ng terorismo, ang tunay na may sala ay ang sistemang naghatol nito!
Mariing kinokondena ng UP Community Development Circle (UP CDC) ang patuloy na kriminalisasyon sa mga indibidwal na nagsisilbi sa taumbayan, kasunod ng paghatol ng conviction laban kina community journalist Frenchie Mae Cumpio at church worker Marielle Domequil, sa kabila ng kanilang acquittal sa kasong illegal possession of fi****ms and explosives. Hindi sang-ayon ang UP CDC sa kanilang pagkaaresto, at lalong hindi sang-ayon sa kanilang patuloy na pagkakulong, na malinaw na nagmumula sa sistematikong harassment ng estado laban sa mga progresibong indibidwal.
Ang hatol ay nag-ugat sa mga kasong isinampa laban sa limang indibidwal na kilala bilang Tacloban 5 noong Pebrero 2020, na kabilang sina Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil na kaugnay ng umanoβy paglabag sa batas na may kinalaman sa terorismo. Sa kabila ng kanilang acquittal sa kasong illegal possession of fi****ms and explosives, nananatili sila sa kanilang pagkakakulong matapos hatulan sa kasong financing of terrorism, bilang manipestasyon ng paggamit ng batas bilang instrumento ng panunupil. Ipinapakita ng kaso ng Tacloban 5 ang mapanganib na hinaharap ng lahat ng mga progresibong indibidwal sa kamay ng Estado.
Ang kasong ito ay hindi lamang laban kina Cumpio at Domequil, kundi laban sa malayang pamamahayag ng katotohanan, serbisyo sa taumbayan, at sa patuloy na kumikitid na demokratikong espasyo sa bansa. Ang paninindigan ng UP CDC ay nakaugat sa praxis ng Community Development na nagbibigay-diin sa kritikal na kamalayan, makabuluhang partisipasyon ng taumbayan sa mga proseso ng pagbabago, at kolektibong pagkilos tungo sa isang kaunlarang nakasentro sa tao. Ang kriminalisasyon ng Estado sa mga gawain nina Cumpio at Domequil ay malinaw na salungat sa layunin ng community development na isulong ang empowerment ng mga komunidad, palakasin ang kakayahan nilang ipagtanggol ang kanilang karapatan, at itaguyod ang hustisyang panlipunan.
Nanindigan ang UP CDC na mali ang sistemang naghatol kina Cumpio at Domequil, at malinaw na nagpapakita ang ganitong lantad at inhustisya ng pangangailangan ng tunay na demokratikong espasyo para sa mas makabuluhang partisipasyon ng taumbayan. Kaisa ang UP CDC sa panawagan laban sa pananakot at pagpapatahimik, sa pagsusulong ng pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, at sa paghingi ng hustisya at agarang paglaya ng lahat ng bilanggong pulitikal. Mga organisador ng bayan, ang panawagan natin ay ang agaran at makatarungang paglaya nila Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil! Hindi dapat pagkakulong ang sagot ng Estado sa paglilingkod sa bayan!
Sa harap ng patuloy na panunupil, patuloy nating igigiit na ang paglilingkod sa taumbayan ay hindi krimen, at ang sama-samang pagkilos at paglaban para sa katotohanan at katarungan ay magpapatuloy.
24/12/2025
ICYMI: Matagumpay na winakasan ng UP Community Development Circle ang taon sa pamamagitan ng kanilang ika-17 na anibersaryo at Christmas party noong Disyembre 12, 2025 πβ¨
Isang gabi ng pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdiriwang ng kanilang samahan at kolektibong pagkilos na patuloy na humuhubog sa ating pamayanan dito sa CDC.
03/12/2025
Happy 17th Anniversary, CDC! π
Kaya naman, bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating paboritong mars, si Pipo Manok! π₯
Iniimbitahan namin ang lahat ng CDC members at alumni na makiisa sa ating Org Christmas Party at 17th Org Anniversary Celebration ngayong December 12! β¨π
Sama-sama tayong magdiwang, magkumustahan, at magsaya bilang isang pamilyang CDC.π
Mag-register sa link na ito para makasama:
πhttps://forms.gle/fzRj4hqHYXwjQkHY8
Nais din po naming hilingan ang inyong suporta para sa ating income-generating project upang mas maging matagumpay ang ating selebrasyon. ππ½
πhttps://forms.gle/uvmeY4ej9a9r3fkn9
Maraming salamat, at magkita-kita tayo!
06/11/2025
Trick or Treat sa Bahay ni Pipo!? π¬π₯π»
ICYMI: Ang General Assembly ng UP Community Development Circle (CDC) ay matagumpay na naisagawa noong Oktubre 29 kasabay ng ating Halloween Kumustahan! ππ
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa pagtalakay ng ating mga kasalukuyang usaping pang-organisasyon at ang ating mga plano sa susunod na mga buwan!
28/10/2025
π» Alert: May multo sa paligid!
Naririnig niyo na ba ang iyak ng mga kaluluwa ng flood control projects? π± Dahil bukas na ang Haunted House ni Pipo! πͺπ
Ihanda ang inyong spooktacular π§πΌ at scariest π§ββοΈ costumes para sa General Assembly + Halloween Party na may halong takutan at tawanan! π«£π₯³
See you bukas sa BTS, 6-8PM! π€©
11/10/2025
ICYMI: Ang Apps Orye ng UP Community Development Circle (CDC) ay matagumpay na naisagawa noong Oktubre 2! π
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa unang hakbang ng ating mga bagong aplikante tungo sa pagiging bahagi ng pamilyang CDC. π₯
29/09/2025
β¨ Ito na talaga ang exciting part: ang UP Community Development Circle Grand Orientation ngayong 1st Semester, A.Y. 2025β2026! π Tara naβt makisama, makialam, at makilahok sa isang gabing puno ng saya π, eksena π, at bagong koneksyon π€ kasama ang mga kapwa CD natin.
π
Sa October 2, 2025, 6:00β8:00 PM β°, ay sabay-sabay nating simulan ang semestre sa pagkilala π«±π»βπ«²πΌ, pag-uusap π¬, at pagbuo ng mga kwentong sama-samang huhubog sa ating CD journey π.
π Kita-kits tayo sa 3rd floor Seminar Room sa ating college! π«π©
22/09/2025
Organisador ng Bayan: Laban sa Korapsyon, Tutol sa Batas Militar!
Nakiisa ang mga mag-aaral mula sa UP Community Development Circle sa pag-alaala ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos Sr. at sa pakikibaka laban sa pandarambong ng mga nasa kapangyarihan na patuloy na nagpapahirap sa mga pamayanan ng taumbayan n'ong ika-21 ng Setyembre sa Luneta, Maynila.
Mula noon hanggang ngayon, ramdam pa rin ang pasakit na dulot ng mga korap at ng kanilang pwersang makasarili at gahaman sa kapangyarihan. Hindi matatabunan o malilinisan ng anumang kasinungalingan ipinapakalat ang kasaysayan ng pandarahas at pang-aabuso ng mga nasa pwesto at ng kanilang mga kasabwat na patuloy na nakikinabang sa dugoβt pawis ng bawat manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, kababaihan, at lahat ng sektor ng lipunan na araw-araw na nagsusumikap para sa disenteng kabuhayan at makatarungang kinabukasan.
Kaya bilang mga organisador at mag-aaral ng Community Development, bitbit namin ang paninindigan na ang tunay na kaunlaran ay nakabatay sa partisipasyon ng mamamayan at sa hustisyang panlipunan. Walang saysay ang kaunlaran kung iilan lamang ang nakikinabang habang nananatiling naapi ang nakararami. Ang Batas Militar ay hinding-hindi para sa interes ng taumbayan kundi isang panloloko ng mga makapangyarihan upang ipataw ang takot, manupil ng karapatan, at kupitan ang yaman ng sambayanan.
Kayaβt naninindigan kami na huwag kalimutan at huwag pahintulutan. Labanan ang korapsyon! Isulong ang interes ng mamamayan tungo sa isang lipunang tunay na malaya, makatarungan, at demokratiko.