11/07/2025
๐๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐
๐๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐๐๐ฅ๐
๐ฟ๐๐๐๐ก ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐จ๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ
Pagbati, treintay uno! ๐ฉถ
Noong Grade 11 tayo, tanging baon lamang natin ay paano natin ipapakilala ang sarili natin sa harapan at ngayong pagtatapos natin, ang tanging baon natin ay ang mga memoryang hindi mapapantayan at malilimutan.
Sa bawat hakbang natin noon, dala natin ang kaba, ang alinlangan, at ang pag-asang sanaโy kayanin. Sa bawat recitation, report, at tahimik na iyak sa CR, naipinta natin ang kwento ng paglago. At ngayon, habang unti-unti tayong humahakbang palayo sa ating lumang silid-aralan, baon pa rin natin ang sigaw ng pagkakaibigan, ang halakhak sa kalagitnaan ng problema, at ang katahimikang may dalang pag-unawa.
Sa pagharap natin sa panibagong yugto, may mga araw na tila wala tayong silbi, may gabi na tila ang bigat ng lahat. Ngunit huwag mong kakalimutan na sa likod ng bawat pagkadapa ay may matutunan, may lakas na nabubuo. Ang pagkatalo ay bahagi ng pag-usad. At kahit mabagal, basta patuloy โ panalo ka pa rin.
Isang huling mahigpit na yakap para sa iyo! ๐ซ