27/08/2026
Sa lalim ng karagatan, tayog ng kabundukan, at lawak ng kapatagan, matatagpuan ang hiyas at lakas ng bayan— na sumasagisag sa yaman, kultura, at buhay ng sambayanan. Mamumukadkad sa pusod ng kapuluan ang hiyas habang sisibol sa damdamin ang lakas— mga halagang iuukit sa diwa, puso, at pagkakakilanlan ng bawat Quezonian.
Kayâ, sama-sama nating kilalanin ang mangangalaga sa hiyas at magtataguyod ng lakas sa ika-4 ng Setyembre sa kasalukuyang taon. Mula sa mga naglakas-loob na tugunan ang hamon, isang pares lamang ang hihiranging kinatawan bilang Lakambini at Lakandula.
Handog nila hindi lamang ang karisma at ganda, kundi gayundin ang talino, adbokasiya, at paninindigang nakaugat sa pagkakakilanlan at nakatuon sa higit na pagpapalakas ng Wikang Filipino at mga wikain ng bansa.
Tara na’t kilalanin sila!
Dibuho ni: Sofia Nicole Antones
Sulat at Titik ni: Dan Icon Aguirre