Ito na ang tambayan nating lahat. :) Kasama ka dito. Kung ikaw ay bibong Yakalista, talentadong freshie ng Kalayaan, magaling na Molaver, beauty queen ng Samapaguita, dyosa ng Ilang, proud Kamia-girl, mahusay na taga-Sanggumay, master mula sa Kamagong,international sensation from IC, active ng Ipilista o rich kid na taga Centennial, ikaw na ang hinahanap para magsulat sa pahina ng DORMERS’ NOTEBOOK! Ito ay magsisilbing online collection ng mga documents, blogs, photos, blogs about UP dormitory experience. Isa rin itong daan para magkaroon ng centralized info dissemination mechanism tayong mga dormers, mapa university, house council, acd usc o osh announcements man yan! Tayong mga dormers ay maalam at nakikialam. Gamit din ng DORMER’S NOTEBOOK ang isang mapanuring pluma, kung saan tinitimbang ang lahat ng anggulo ng mga usapin at titindig sa anumang tama para sa estudyante, para sa komunidad at para sa bayan! Kung may tanong ka, magpost ka lang sa wall ng ating ONLINE NOTEBOOK. Para sa atin ito! Wag kang mahiya, sama ka!:)