Libis Elementary School - Quezon City

Libis Elementary School - Quezon City

Share

The Official page of Libis Elementary School in Quezon City

05/06/2026

📢 NARITO NA ANG CLASS SCHEDULE AT MGA MAHAHALAGANG PAALALA PARA SA SY 2026–2027! 📚🎒

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na basahin at gawing gabay ang schedule ng inyong mga anak upang maging maayos, ligtas, at organisado ang kanilang pagpasok at pag-uwi sa paaralan.

✅ Alamin ang tamang oras ng pasok.
✅ Basahin ang mga mahahalagang paalala.
✅ Manatiling updated sa mga anunsyo ng paaralan.

At isang munting pakiusap po. 😊

Bago magtanong kay Teacher, pakibasa muna nang mabuti ang class schedule at mga anunsyo sa ating FB Page. Malamang po ay naroon na ang sagot sa inyong katanungan. Kung wala pa rin po, handang-handa naman pong tumulong ang ating mga g**o.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa isang matagumpay, masaya, at makabuluhang School Year 2026–2027!



04/06/2026

🌱🍎 MASUSUSTANSIYANG PAGKAIN, MAS MALUSOG NA KINABUKASAN! 🍎🌱

Sa Libis Elementary School, isinusulong at hinihikayat ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng simpleng mga hakbang araw-araw. Mula sa Meatless Monday, Vegie- Tuesday, Native Wednesday, Fibrous Thursday hanggang Fishy Friday, hinihikayat natin ang mga mag-aaral, g**o, at magulang na pumili ng masustansiyang pagkain para sa mas malakas na pangangatawan, mas malinaw na pag-iisip, at mas magandang kinabukasan.

✨ Tandaan: Ang mabuting kalusugan ay nagsisimula sa tamang pagkain.

💚 Maliit na hakbang, malaking epekto!
🥗 Kumain nang masustansiya. Mamuhay nang malusog.






03/06/2026

Paanyaya para sa Parents' Orientation 𝟮𝟬𝟮𝟲
Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo sa ating Parents' Orientation ngayong Huwebes, Hunyo 4, 2026 sa oras na 8:00 ng umaga sa Libis Elementary School Covered Court.
Tatalakayin ang School Policies and Three-Term School Calendar at iba pang mahahalagang usapin para sa nalalapit na Taong Panuruan 2026–2027.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga sa pagtataguyod ng matatag na ugnayan ng paaralan at tahanan para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.
Kita-kita po tayo!

31/05/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Handa na ang Libis Elementary School para sa School Year 2026–2027!

Bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela, itinatag ang ating Public Assistance Command Center upang agarang matugunan ang mga katanungan, concerns, at pangangailangan ng mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders.

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga nakatalagang focal persons gamit ang mga contact details na nakasaad sa poster.

Sama-sama nating simulan ang panibagong taon ng pagkatuto nang ligtas, maayos, at matagumpay.

Tara na at mag-enrol para sa S.Y. 2026–2027!

20/05/2026

📢 Paalala mula sa Libis Elementary School!

Malapit na po ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027 kaya naman sama-sama po tayong maghanda para sa isang maayos, ligtas, at masayang pagbabalik-eskwela.

Narito po ang ating Calendar of Events bilang gabay sa mahahalagang petsa tulad ng enrollment, Brigada Eskwela, orientation, at iba pang school activities. Hinihikayat po namin ang mga magulang, mag-aaral, at g**o na basahin at tandaan ang mga iskedyul upang maging handa sa nalalapit na pasukan.

Sa tulong ng pagtutulungan at suporta ng bawat isa, siguradong magiging matagumpay ang panibagong taon ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

Kita-kits po tayo sa ating paaralan.

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Col. Bonny Serrano Avenue Blue Ridge A
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm