DepEd Libis Elementary School - Quezon City

DepEd Libis Elementary School - Quezon City DepEd Libis Elementary School-Quezon City

GUESS WHO? | Teachers’ Day Edition 👩‍🏫Mula sa isang batang may simpleng pangarap, ngayon ay isa nang g**ong nagbibigay-i...
23/09/2026

GUESS WHO? | Teachers’ Day Edition 👩‍🏫
Mula sa isang batang may simpleng pangarap, ngayon ay isa nang g**ong nagbibigay-inspirasyon sa ating mga Libislites! ✨
Hulaan ninyo kung sino ang ating featured teacher ngayong araw! Kilala ninyo kaya siya? 🤔
💬 I-comment ang inyong sagot at i-tag ang mga kaibigang makatutulong sa paghula!
Abangan ang susunod nating teacher reveal!

🎨 ON-THE-SPOT DRAWING CONTEST 🖌️     Sa Libis Elementary School, bawat talento ay mahalaga at bawat pagsisikap ay karapa...
23/09/2026

🎨 ON-THE-SPOT DRAWING CONTEST 🖌️

Sa Libis Elementary School, bawat talento ay mahalaga at bawat pagsisikap ay karapat-dapat kilalanin!
Isang pagbati kay Kyrie Andres Debuque sa kanyang paglahok sa On-the-Spot Drawing Contest na itinaguyod ng Philippine Medical Association bilang bahagi ng 69th PMA National Medicine Week Celebration, na ginanap noong Setyembre 22, 2026.
Ang iyong pagkamalikhain, talento, at tapang na ipakita ang iyong kakayahan ay tunay naming ipinagmamalaki. Patuloy kang mangarap, matuto, at pagyamanin ang iyong talento!
Maraming salamat sa Philippine Medical Association sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga mag-aaral na maipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain.
Proud of you, Kyrie! Proud of you, Batang Libis!

GUESS WHO? | Teachers’ Day Edition 👩‍🏫Bago naging g**o, naging batang puno rin siya ng pangarap! ✨Makikilala kaya ninyo ...
21/09/2026

GUESS WHO? | Teachers’ Day Edition 👩‍🏫
Bago naging g**o, naging batang puno rin siya ng pangarap! ✨
Makikilala kaya ninyo kung sino ang batang nasa larawan na isa na ngayong g**o ng Libis Elementary School? 🤔
💬 Comment your guess below at i-tag ang inyong mga kaibigan na baka nakakakilala sa kanya!
Abangan ang ating susunod na featured teacher!

ISANG KAGANDAHANG-ASAL BAWAT LINGGO | PAGIGING NASA ORASHello, mga Libislites! Alam ba ninyo na ang pagiging nasa oras a...
21/09/2026

ISANG KAGANDAHANG-ASAL BAWAT LINGGO | PAGIGING NASA ORAS

Hello, mga Libislites!

Alam ba ninyo na ang pagiging nasa oras ay isang paraan ng pagpapakita ng disiplina at paggalang sa oras ng iba?

Ngayong Setyembre 21–25, sama-sama nating ugaliing pumasok nang maaga, ihanda ang ating mga gamit, at tapusin ang mga gawain sa tamang oras.

🌟 HAMON NG LINGGO: Pumasok sa tamang oras at tapusin ang mga gawain sa itinakdang oras.

Kaya natin ’to, mga Libislites! Simulan natin sa maliliit na hakbang araw-araw.

Dunong, Disiplina at Dangal—Tatak Libis ’Yan!

TEACHER’S DAY EDITION: HULAAN MO KUNG SINO? Throwback muna tayo, Libislites! Makikilala kaya ninyo kung sino sa limang m...
20/09/2026

TEACHER’S DAY EDITION: HULAAN MO KUNG SINO?

Throwback muna tayo, Libislites!

Makikilala kaya ninyo kung sino sa limang magagandang ginang na ito ang isa sa ating mga g**o sa Libis Elementary School?

I-comment ang inyong sagot at tingnan natin kung sino ang unang makakahula!

Bawal muna mag-tag para mas exciting!

Happy Teachers’ Day sa ating mga mahal na g**o! 💙

SCHOOL SAFETY PROTOCOLS: A Lecture for Parents and GuardiansNakiisa ang ating mga magulang at guardians sa isinagawang S...
18/09/2026

SCHOOL SAFETY PROTOCOLS: A Lecture for Parents and Guardians

Nakiisa ang ating mga magulang at guardians sa isinagawang School Safety Protocols Lecture noong Setyembre 18, 2026, 1:30 PM sa Libis Elementary School.

Taos-pusong pasasalamat sa ating Resource Speaker, PCMS Venessa Fabella ng QCPD Police Station 12, sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay upang mas maging handa at ligtas ang ating mga bata at buong school community.

Maraming salamat din sa suporta ng Punog Barangay ng Barangay Blue Ridge A Kap. Gabriel Legaspi, Punong Barangay ng Barangay Libis Kap. Niña Bersamira De Jesus, Sir Pecson ng Eastwood Fire Station, at SPTA Officers sa pangunguna ng kanilang Pangulo, Ms. Wendy Rose Debuque.

Pasasalamat din sa ating SDRRM Coordinator, Sir James Estrella, Sir Amador G. Avenido, mga g**o, at Non-Teaching Personnel na sama-samang tumulong sa paghahanda at matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito. At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga magulang at guardians na naglaan ng oras upang makinig, matuto, at makiisa.

Sa kaligtasan ng ating mga bata, mahalaga ang papel ng bawat isa—paaralan, tahanan, at komunidad, sama-sama.

Always para sa bata.

Ang malinis at ligtas na paaralan ay mas masayang lugar para matuto ang ating mga batang Libislites. Kaya naman, inaanya...
18/09/2026

Ang malinis at ligtas na paaralan ay mas masayang lugar para matuto ang ating mga batang Libislites. Kaya naman, inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 19, 2026, simula 8:00 AM.

Dalhin po ang inyong mga panlinis at sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng bayanihan. Sa bawat walis, linis, at pagtutulungan, mas napapaganda natin ang paaralang tahanan ng ating mga anak. 💙💚

Tara na at makibahagi! Libis, ating alagaan!





👏 Saludo sa Sipag at Dedikasyon! Congratulations sa ating Teaching and Non-Teaching Staff na nagtala ng Perfect Attendan...
17/09/2026

👏 Saludo sa Sipag at Dedikasyon!

Congratulations sa ating Teaching and Non-Teaching Staff na nagtala ng Perfect Attendance for August 2026!

Ang inyong consistent na pagpasok at pagtupad sa tungkulin ay simpleng bagay man sa paningin ng iba, ngunit malaking ambag sa tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa ating mga Libislites.

Maraming salamat sa pagiging present—hindi lamang sa attendance, kundi higit sa lahat, sa serbisyo.

Dunong, Disiplina at Dangal—Tatak Libis ’Yan!

📢 Mahal naming mga Magulang at Tagapag-alaga, magkita-kita po tayo! Inaanyayahan po namin kayo sa Parent-Teacher Confere...
17/09/2026

📢 Mahal naming mga Magulang at Tagapag-alaga, magkita-kita po tayo!

Inaanyayahan po namin kayo sa Parent-Teacher Conference and Releasing of Cards sa September 18, 2026 (Friday), 1:30 PM sa Covered Court.

Higit sa pagkuha ng report card, pagkakataon po ito upang makapag-usap tayo tungkol sa progreso, pangangailangan, at patuloy na pag-unlad ng ating mga Libislites. Sa magandang ugnayan ng tahanan at paaralan, mas nagiging matatag ang suporta natin sa bawat bata.

Maraming salamat po sa inyong oras, pakikiisa, at patuloy na pagiging katuwang ng Libis Elementary School.

Para sa ating mga bata, sama-sama tayo. Magkita-kita po tayo bukas! 🏫✨

📚✨ Patuloy na Natututo, Patuloy na LumalagoMatagumpay na naisagawa ng Libis Elementary School ang ating INSET noong Sept...
15/09/2026

📚✨ Patuloy na Natututo, Patuloy na Lumalago

Matagumpay na naisagawa ng Libis Elementary School ang ating INSET noong September 10–11, 2026—dalawang araw ng makabuluhang pagkatuto, pagbabahagi, at sama-samang paglago bilang mga g**o.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Resource Speakers na buong pusong nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan:

• Ma’am Marilyn Basilio – Education in Emergencies
• Ma’am Rosalie B. Banasihan & Ma’am Ana Maria Fe Apil – Reading Model School Framework
• Ma’am Jennibeth Litonjua – Khan Academy
• Ma’am Cherry Tamayao, Ma’am Lydia Villalon & Ma’am Imelda Bernadas – IPCRF and Classroom Observation Tool

Isang espesyal na pasasalamat din kay Sir Joafy P. Marquez, Public Schools District Supervisor, sa patuloy na paggabay at suporta; kay Ma’am Jenneth Molinilla, School Principal, sa pamumuno at pagsuporta sa patuloy na professional growth ng mga g**o; at kay Ma’am Cherry Tamayao, INSET Focal Person and Chairperson, sa maayos na paghahanda at pangunguna sa programa.

At higit sa lahat, maraming salamat sa buong Libis ES teaching force sa aktibong pakikilahok, pagbabahagi, at pagiging bukas sa bagong kaalaman. 💙

Dalawang araw ng learning, sharing, and growing together—dahil ang g**ong patuloy na natututo ay mas handang magbigay ng makabuluhang pagkatuto sa bawat batang Libislite.

Address

Col. Bonny Serrano Avenue Blue Ridge A
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63279603965

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Libis Elementary School - Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Libis Elementary School - Quezon City:

Share