09/07/2026
Dahil sa suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Quezon City ngayong Biyernes, Hulyo 10, 2026, alinsunod sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) dulot ng masamang lagay ng panahon na hatid ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday, ang Aguinaldo Elementary School ay magshi-shift sa Alternative Delivery Mode (ADM) – Asynchronous Learning.
Paalala sa mga Magulang at Mag-aaral:
• Ang mga learning activities at mga gawain ay ipapadala ng mga class advisers sa kani-kanilang opisyal na class group chats o iba pang itinakdang online platforms.
• Gawin ang mga nakatalagang gawain sa itinakdang oras at isumite ayon sa ibibigay na tagubilin ng inyong g**o.
• Patuloy na makipag-ugnayan sa inyong class adviser para sa iba pang anunsyo at updates.
Hinihikayat ang lahat na unahin ang kaligtasan at manatili sa inyong mga tahanan habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
Stay safe, Aguinaldians! 💚
JUST IN:
| Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat na pinaigting ng Bagyong , inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong araw, Biyernes, July 10, 2026.
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.