ROCES Filipino Club

ROCES Filipino Club Ito ang opisyal na page ng ROCES Filipino Club.

Ang kapangyarihan na mayroon ang isang bansa ay wala sa pinuno, kundi sa ating mga mamamayang ang hinahangad ay maipagla...
21/09/2026

Ang kapangyarihan na mayroon ang isang bansa ay wala sa pinuno, kundi sa ating mga mamamayang ang hinahangad ay maipaglaban ang katarungan at katotohanan. Ang paggunita sa deklarasyon ng Martial Law sa ilalim ng diktadurang Marcos ay hindi basta lamang na pag-ungkat sa nakaraan, kundi isang paalala sa halaga ng ating nakamit na demokrasta. Sa dami ng mga hamong kinakaharap natin ngayon โ€” mula sa patuloy na pamamayagpag ng iilang may maimpluwensyang pangalan hanggang sa patuloy na pagtatangkang pagtakpan ang anumang uri ng katiwalian, pang-aabuso, panlilinlang, at pananamantala, lalong dapat tayong maging mas mapagmatyag, at ipaglaban ang nararapat.

Kapsyon ni: Hanna Marie Margarico
Pubmat nina: Khris Lyver Catalan, Alexandre Mattheus Taguiam, at Nikka Santos

30/08/2026

Ngayong Araw ng mga Bayani ay ginugunita natin ang giting, tapang, at sakripisyo ng ating mga bayani upang makamit ang ating kalayaan at mas magandang kinabukasan para sa ating bansa. Kaya naman, nagtanong kami sa mga Rocesian kung sinong bayani ang nais nilang pasalamatan.

Walang iisang batayan upang maituring na bayani ang isang tao, sapagkat ang kabayanihan ay maaaring maipakita sa ibaโ€™t ibang pamamaraan.

Ikaw, sinong bayani ang nais mong pasalamatan?๐Ÿง
Ibahagi ito sa comments section.

Maligayang Araw ng mga Bayani!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โœ๏ธ Kapsyon Ni: Hanna Marie T. Margarico
๐ŸŽจ Likhang Edit Ni : Sean France Enzo S. Gapasin

"If we Filipinos cannot fight for our freedom, we do not deserve it.โ€Inaalala nating ngayong araw na ito ang tapang na i...
21/08/2026

"If we Filipinos cannot fight for our freedom, we do not deserve it.โ€

Inaalala nating ngayong araw na ito ang tapang na ipinakita ni Ninoy Aquino para sa ating bayan. Ngunit ang pag-alala ay hindi dapat hanggang sa mga salita, larawan, o paggunita lamang. Dapat din nating itanong sa ating sarili:

Ano ang kaya kong gawin para sa Pilipinas?

Hindi man tayo tinatawag na gumawa ng parehong sakripisyo, kaya nating magsimula sa maliit na paraanโ€”magsabi ng katotohanan, tumindig laban sa mali, tumulong sa kapwa, at gawin ang tama at nararapat.

Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sinasabi kundi ipinakikita sa gawa.

Kaya huwag lamang nating alalahanin si Ninoy. Isabuhay natin ang kanyang tapang at maging bahagi ng patuloy na paglaban para sa mas magandang kinabukasan ng sambayanang Pilipino!

Kapsyon nina: Hanna Marie Margarico at Ginoong Renz Bernabe
Pubmat ni: Wynesha Reyes

MALIGAYANG KAARAWAN, DATING PANGULONG MANUEL L. QUEZON!Ngayong araw na ito, ating ginugunita ang ika-148 kaarawan ni Man...
19/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, DATING PANGULONG MANUEL L. QUEZON!

Ngayong araw na ito, ating ginugunita ang ika-148 kaarawan ni Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa, na naging mahalagang bahagi ng mga unang hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa.

Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na pormal na nagsagawa ng pananaliksik at pag-aaral para sa pagpili ng wikang magiging batayan ng wikang pambansa. Sa kalaunan, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, pinili ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.

Ngayong Buwan ng Wika, mahalagang gunitain hindi lamang ang pangalan ni Quezon, kundi ang kanyang mahalagang papel sa pagsisimula ng mga hakbang na humubog sa ating wikang pambansaโ€”isang wikang naging bahagi ng paghubog at pagpapatatag ng ating pambansang pagkakakilanlan.

Sa gitna ng mabilis na modernisasyon at pag-unlad ng teknolohiya, nananatili ang ating tungkuling pangalagaan at ipagpatuloy ang mga nasimulan noon. Huwag nating hayaang ang mga bagong patakaran at polisiyang pangwika ay higit na magpahina sa kapangyarihan ng Filipino bilang midyum ng pananaliksik, pagkatuto, pagkakaunawaan, at pag-unlad.

Ang wika ay hindi lamang alaala ng ating nakaraan. Ito ay kasangkapan sa paghubog ng ating kinabukasan.

Kapsyon: Khris Lyver Catalan
Pubmat: Briyhen Alexia Campos

๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘  ๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘  ๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘ ! ๐Ÿ˜œ๐Ÿ“ข ๐ŸŒŸ ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—ข๐—— na ipinapakilala ng ๐‘๐Ž๐‚๐„๐’ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐‘ช๐’๐’–๐’ƒ ๐Ÿค Ang mga ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ na mอŸaอŸgอŸlอŸiอŸlอŸiอŸnอŸgอŸkอŸoอŸdอŸ at ...
12/08/2026

๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘  ๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘  ๐‘‚๐‘œ๐‘๐‘ ! ๐Ÿ˜œ๐Ÿ“ข

๐ŸŒŸ ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—ข๐—— na ipinapakilala ng ๐‘๐Ž๐‚๐„๐’ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐‘ช๐’๐’–๐’ƒ ๐Ÿค

Ang mga ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ na mอŸaอŸgอŸlอŸiอŸlอŸiอŸnอŸgอŸkอŸoอŸdอŸ at mอŸaอŸnอŸgอŸuอŸnอŸgอŸuอŸnอŸaอŸ sa pagsusulong ng ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚ at ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’๐’ˆ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง natin sila at ๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š tayo sa kanilang mga programa at inisyatiba na magpapayabong sa ating แด‹แด€แด€สŸแด€แดแด€ษด ๐Ÿ’ก, แด˜แด€ษขแด‹แด€แดแด€สŸษชแด‹สœแด€ษชษด ๐ŸŽจ, at แด˜แด€ษขแดแด€แดแด€สŸแด€แด‹ษช bilang ๐“Ÿ๐“ฒ๐“ต๐“ฒ๐“น๐“ฒ๐“ท๐“ธ! ๐Ÿ—ฃ๏ธ

๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€ ๐๐€ ๐Š๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐€? ๐Ÿ”

๐ŸŒŸ ๐—œ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘ถโ€ผ๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kapsyon: Khris Lyver Catalan
Pubmat: Jade Azriel Umali

Sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š 2026, inaanyayahan ang buong paaralan na makiisa sa iba't ibang gawaing magiging tulay s...
03/08/2026

Sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š 2026, inaanyayahan ang buong paaralan na makiisa sa iba't ibang gawaing magiging tulay sa pagpapamalas ng pagmamahal at pagpapahalaga sa Wikang Filipino at sa ating mayamang kultura. Kaakibat ng temang "๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™”๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ," layunin ng pagdiriwang na ipakita ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa kaalaman, teknolohiya, at ating pagkakakilanlan.

Tingnan ang iskedyul ng mga aktibidad sa ibaba, makilahok, at ipagmalaki ang ating sariling wika!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Caption ni: Amara Zildjian Santos Yap
Pubmat ni: Briyhen Alexia Campos

Mga Kapwa Rocesians, makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญInaanyayahan ang lahat na makilahok sa pamamagitan ...
01/08/2026

Mga Kapwa Rocesians, makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa pamamagitan ng paggamit ng frame na matatagpuan sa link na ito:
https://twb.nz/buwanngwika2627dpblast

Ipakita natin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa mayamang kulturang Pilipino.

Tingnan ang comment section para sa caption na maaari ninyong kopyahin at i-edit.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญTuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng wikang Filipino b...
01/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Tuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang ating pambansang wika at sagisag ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Ngayong taon, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa temang: "๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™”๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ."

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mas mabilis at mas madali ang pagkuha ng impormasyon sa tulong ng Artificial Intelligence (AI). Nagbibigay ito ng mas malawak na akses sa kaalaman at nagsisilbing katuwang sa pananaliksik at pagkatuto. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang AI ay kasangkapan lamangโ€”hindi kapalit ng talino, pagkamalikhain, at kakayahang magsuri ng tao.

Bagama't kayang magbigay ng AI ng impormasyon sa loob lamang ng ilang segundo, ang tao pa rin ang may pananagutang magsuri ng katotohanan, maghambing ng mga sanggunian, magbigay ng wastong konteksto, at gamitin ang impormasyong ito nang may integridad at pananagutan. Ang tunay na kapangyarihan ng kaalaman ay hindi nasusukat sa dami o bilis ng impormasyong nakukuha, kundi sa kakayahang unawain, suriin, at gamitin ito upang makalikha ng makabuluhang kaalaman.

Higit sa lahat, maaari ring maging katuwang ang AI sa pagpapalawak ng paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik, edukasyon, at pang-araw-araw na komunikasyon. Ngunit ang pagpapaunlad, pagpapanatili, at pagpapayaman ng ating wika ay nananatiling nasa kamay ng mga Pilipino. Tayo ang nagbibigay-buhay sa ating wika sa pamamagitan ng wastong paggamit nito, kritikal na pag-iisip, at pagpapahalaga sa ating kultura at pagkakakilanlan.

Sa paggamit ng AI, maging responsable, maingat, at mapanuri. Igalang ang mga pinagkunan ng impormasyon, tiyaking wasto at mapagkakatiwalaan ang mga datos, at gamitin ang teknolohiya bilang katuwang sa pagkatutoโ€”hindi bilang kapalit ng sariling pag-iisip at kakayahan.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, patuloy nating pahalagahan, ipagmalaki, at mahalin ang wikang Filipino. Sa sama-sama nating paggamit ng teknolohiya nang may pananagutan at patuloy na pagtataguyod ng ating sariling wika, naipapakita nating ang makabagong teknolohiya at ang wikang Filipino ay maaaring magsilbing magkasangga sa paghubog ng isang lipunang may kaalaman, kritikal na pag-iisip, at matatag na pagkakakilanlan.

Pahalagahan ang wika. Maging mapanuri sa impormasyon. Gamitin ang teknolohiya nang may pananagutan.

Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โœ๏ธ๐™บ๐šŠ๐š™๐šœ๐šข๐š˜๐š— ๐š—๐š’: Amber Llanah Sison

๐Š๐€๐’๐”๐Ž๐“๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐Ž๐˜: ๐’๐€ ๐“๐„๐‹๐€ ๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ, ๐‹๐€๐‡๐ˆโ€™๐˜ ๐ˆ๐๐€๐†๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐ˆ ๐Œ๐Ž! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ท๐šŠ๐š—๐š๐šŠ ๐š—๐šŠ ๐š‹๐šŠ ๐š”๐šŠ๐šข๐š˜ ๐šœ๐šŠ ๐™ฑ๐šž๐š ๐šŠ๐š— ๐š—๐š ๐š†๐š’๐š”๐šŠ, ๐š๐š˜๐šŒ๐šŽ๐šœ๐š’๐šŠ๐š—๐šœ? Aba, dapat syemp...
30/07/2026

๐Š๐€๐’๐”๐Ž๐“๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐Ž๐˜: ๐’๐€ ๐“๐„๐‹๐€ ๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ, ๐‹๐€๐‡๐ˆโ€™๐˜ ๐ˆ๐๐€๐†๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐ˆ ๐Œ๐Ž! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐™ท๐šŠ๐š—๐š๐šŠ ๐š—๐šŠ ๐š‹๐šŠ ๐š”๐šŠ๐šข๐š˜ ๐šœ๐šŠ ๐™ฑ๐šž๐š ๐šŠ๐š— ๐š—๐š ๐š†๐š’๐š”๐šŠ, ๐š๐š˜๐šŒ๐šŽ๐šœ๐š’๐šŠ๐š—๐šœ?

Aba, dapat syempre! Dahil ngayong pagpasok ng Agosto, may inihandang masayang pagsalubong ang ๐™๐™ค๐™˜๐™š๐™จ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐˜พ๐™ก๐™ช๐™— para sa ating lahat nang may sigla at pagmamahal sa ating kultura.

Kaya bilang simula ng ating pagdiriwang, inanyayahan ang lahat na pumasok nang nakasuot ng ๐Š๐š๐ฌ๐ฎ๐จ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ngayong ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Ang pagsusuot ng ๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ, ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™–, ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™—๐™ž ay higit pa sa simpleng alituntunin sa paaralan. Sa bawat tahi, hibla, at disenyo nito, bitbit natin ang kwento, sining, at dangal ng ating mga ninuno. Isa itong magandang paraan upang maipakita natin kung gaano natin pinahahalagahan ang ating pinagmulan.

PAALALA: Maaaring magbaon ng pampalit na kasuotan para sa inyong kaginhawaan. Tanging ang opisyal na uniporme ng paaralan o jogging pants na may plain white na pang-itaas lamang ang pinahihintulutang isuot bilang pamalit pagkatapos ng programa.

๐ˆ๐ง๐š๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ ! ๐Š๐ข๐ญ๐š๐ค๐ข๐ญ๐ฌ, ๐‘๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ข๐š๐ง๐ฌ! โœจ

๐Ÿ–Œ๏ธ ๐™ณ๐š’๐šœ๐šŽ๐š—๐šข๐š˜ ๐š—๐š’: Wynesha Reyes
๐Ÿ“œ ๐™บ๐šŠ๐š™๐šœ๐šข๐š˜๐š— ๐š—๐š’: Apple Valeros

May paparating na mas ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ, mas ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™ก๐™ช๐™๐™–๐™ฃ, at mas ๐™ข๐™–๐™จ๐™ž๐™œ๐™ก๐™–...Abangan ang mga inihanda ng ๐‘๐Ž๐‚๐„๐’ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐‚๐‹๐”๐! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒŸNga...
27/07/2026

May paparating na mas ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ, mas ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™ก๐™ช๐™๐™–๐™ฃ, at mas ๐™ข๐™–๐™จ๐™ž๐™œ๐™ก๐™–...

Abangan ang mga inihanda ng ๐‘๐Ž๐‚๐„๐’ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐‚๐‹๐”๐! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒŸ

Ngayong Hulyo 27, 2026, nagsagawa ng maikling pagpupulong ang ROCES FILIPINO CLUB sa pangunguna ni G. ๐˜๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ฐ "๐˜™๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ป" ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฆ, ๐˜‘๐˜ณ.. Sa pagpupulong na ito, isinagawa ang paghahalal ng mga bagong opisyal ng samahan at tinalakay ang mga nakatakdang programa at gawain para sa ๐“‘๐“พ๐”€๐“ช๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“ฆ๐“ฒ๐“ด๐“ช 2026. Higit pa rito, pinag-usapan din ang iba't ibang proyekto, inisyatiba, at mga plano ng samahan para sa buong Taong Pampaaralan 2026โ€“2027 upang higit pang mapaigting ang pagpapahalaga sa ๐š ๐š’๐š”๐šŠ๐š—๐š ๐™ต๐š’๐š•๐š’๐š™๐š’๐š—๐š˜, ๐š™๐šŠ๐š—๐š’๐š๐š’๐š”๐šŠ๐š—, at ๐š”๐šž๐š•๐š๐šž๐š›๐šŠ๐š—๐š ๐™ฟ๐š’๐š•๐š’๐š™๐š’๐š—๐š˜ sa loob at labas ng silid-aralan. โœจ

At kung iniisip mong huli na ang lahatโ€”hindi pa! May pagkakataon ka pa ring maging bahagi ng ROCES FILIPINO CLUB. ๐™†๐˜ผ๐™”๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ! I-click lamang ang link sa ibaba:

โœจhttps://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScGpr7y3QSaEsKkn3eDwLNe_Bza3UCx5G28BN039rlHtz3ojQ/viewform?usp=headerโœจ

๐‘๐Ž๐‚๐„๐’ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐‚๐‹๐”๐ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
แœ‡แœ“แœƒแœ”แœแœแœ” แœ‰แœ”แœแœŽแœ’แœ‰แœ’แœˆแœ“ แœƒแœ”แœŽแœ“แœŠแœ”

๐Ÿ–Œ๏ธ ๐™ณ๐š’๐šœ๐šŽ๐š—๐šข๐š˜ ๐š—๐š’: Alexia Campos
๐Ÿ“œ ๐™บ๐šŠ๐š™๐šœ๐šข๐š˜๐š— ๐š—๐š’: Enzo Gapasin

Address

Don A. Roces Avenue Brgy. Obrero
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3am
Friday 8am - 3pm
Saturday 8am - 3pm
Sunday 8am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ROCES Filipino Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category