21/09/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฌ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ฆ๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐จโ๐ง ๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ
Limampuโt apat na taon na ang nakalipas mula noong idineklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar sa ating bansa noong Setyembre 21, 1972. Sa mga madilim na panahong ito, labis-labis ang pasakit at pagdurusa na dulot ng diktaduriyang Marcos Sr., kabilang ang mga paglabag sa karapatang pantao, kasama na ang talamak na extrajudicial killings at sapilitang pagkawala ng napakaraming Pilipino [1]. Kalakip din nito ang pagtakip at pagsupil sa mga publikasyon at media [2]. Maraming taon na ang lumipas, ngunit umiiral pa rin ang parehong mga pasakit na ito dahil isa na namang Marcos ang nakaupo sa posisyon. Mistulaโy ang ating karapatang pantao at ang ibang bagay na nararapat nating makamit, kasama ang edukasyon, kalayaan, at seguridad, ay isinasantabi at ipinagkakait mula sa mga dapat na nakakatamasa nito.
Sa ating lipunan sa ngayon, at maging sa ating komunidad mismo sa UP, ay nakikita natin ito. Narinig natin ang pangingialam ng mga administratibong opisina ng unibersidad sa mga pang-estudyanteng pahayagan ukol sa pwersahang pagsupil ng kalayaan ng mga pahayagang mag-ulat nang walang panggigipit [3]. Ang pagsuko ng mga likas na yaman, pagsasamantala sa yamang tao, at ang pagnanakaw ng sakang lupa sa pekeng ngalan ng kaunlaran ay ating nararanasan at mararanasan lalo na sa pagdating ng proposisyon ng pagtatag ng Pax Silica [4]. Halos pareho rin ang sitwasyon sa Pook Malantic, Pook Aguinaldo, at Area 17, kung saan makikita natin ang hindi makatarungang pag-uusig sa mga may-ari ng lupang pagtatayuan ng UP SDG Wellness Park bilang parte ng pagtaguyod ng komersyalisasyon sa lugar [5]. Bukod sa lahat, lantaran pa rin ang paghuhugas-kamay at pagtatakip sa mga kalupitang naranasan ng ating mga kababayan noon, tulad ng paunti-unting pagbura ng administrasyong Marcos Jr. sa paggunita ng EDSA Revolution, at ng kamakailan lamang na balitang ibinasura ang natitirang kaso ng graft ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos [6].
Kaya naman tumitindig ang UP Psychology Society laban sa pwersahang pagbubura at pagbabaluktot sa mga katotohanan hinggil sa panahon ng diktadurya, at sa walang pakundangang pang-aabuso ng kapangyarihan, na siyang nagka-anyo bilang mga problemang patuloy na nakikita sa mga suliranin ng lipunan ngayon. Naniniwala ang UP PsychSoc na ang sikolohiya ay kailanmaโy hindi maihihiwalay sa mga isyu at suliraning kinahaharap ng ating bansa, at lalong-lalo na sa pakikibaka at karanasan ng bawat tao. Bilang isang organisasyong naglalayon na isulong ang sikolohiya, pakundangan sa isa sa mga pagpapahalaga namin sa malugod na serbisyo sa tao, mariin naming kinokondena ang mga pagpapabango ng imahe ng mga puwersang nagdulot ng walang-hiyang kalupitan at ang pagbura ng kolektibong memorya sa bawat dugo na dumanak, bawat hiningang nilagot, at bawat buhay na walang galang na kinitil.
Agaran naming kinokondena ang kawalan ng aksyon ng estado ukol sa korapsyon, sapagkat halos isang taon na mula nang maisiwalat ang isyu ukol sa flood control at sa mga usapin ng korapsyon kaugnay nito, ngunit wala pa ring tiyak na nananagot at mistulaโy nakalimutan na ang pondong nakalaan para sana sa mamamayanan sa pagpapabuti ng kanilang mga buhay na lantarang ibinubulsa. Tinututulan din namin ang kawalan ng kakayahan at kagustuhan ng estado na isaalang-alang ang kapakanan ng masang Pilipino na pinapangunahan pa ng mga pansariling interes ng mga nakaupo sa kapangyarihan.
Kinokondena namin ang pagbabaliktad ng katotohanan ukol sa mga nangyari noong Batas Militar; walang anumang pagbabaluktot ng kasaysayan ang makapagtatakip sa alaala ng mga nagsakripisyo at namatay sa paghahangad ng katarungan noong panahon ng Batas Militar. Kung kaya naman ang aming pagtindig at pagsalita laban dito ay ginagawa sa diwa ng mga nauna sa atin, ang mga taong nag-alay ng dugo at pawis upang maisulong ang nararapat.
Ito rin ay isang pagkilala sa katotohanang responsibilidad ng bawat isa sa atin na tumindig, makilahok, at magsalita laban sa kawalang-katarungan at pang-aapi sa lahat, lalo na sa mga nasa laylayan.
Sa araw na ito, ating igunita ang mga bayaning nag-alay ng kanilang kabuuan upang makaalis tayo sa madilim na kabanata ng ating kasaysayan. Sa pagharap sa ating kinabukasan, gawin nating huwaran ang mga bayaning ito na patuloy na tumindig at lumaban para sa tama at sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Gawin nating paalala ang araw na ito, hindi lamang sa madugong bakas ng kahapon, kundi pati na rin sa patuloy na laban ngayon, at sa inaasahang katarungan at pagkakapantay-pantay sa hinaharap.
References
[1] Five things to know about Martial Law in the Philippines. (2022, April 25). Amnesty https://www.amnesty.org/en/latest/news/2022/04/five-things-to-know-about-martial-law-in-the-philippines/
[2] Elemia, C. (2020, September 19). FAST FACTS: How Marcos silenced, controlled the media during Martial Law. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/how-marcos-silenced-media-press-freedom-martial-law/
[3] UP Solidaridad. (2026, September 6). HANDS OFF UP DILIMAN PUBLICATIONS! DEFEND CAMPUS PRESS FREEDOM! TW: Mention of r**e case UP Solidaridad, the broadest alliance of [Image attached] [Statement]. Facebook. https://www.facebook.com/share/p/1EgK5ULVRq/
[4] Rodriguez, D. (2026, September 2). Indigenous communities, advocates launch network opposing Pax Silica. Bulatlat. https://www.bulatlat.com/2026/09/02/indigenous-communities-advocates-launch-network-opposing-pax-silica/
[5] Fontilar, P. (2026, June 24). UP pushes through development projects despite community resistance. Tinig ng Plaridel. https://www.tinigngplaridel.net/up-sdg-park/
[6] De Villa, K. (2026, September 10). Supreme Court acquits Imelda Marcos on 7 counts of
graft. Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2302765/sc-acquits-imelda-marcos-on-7-counts-of-graft