30/08/2026
Sa bawat sakripisyo, may kalayaang ipinaglalaban. Sa bawat bayani, may aral na dapat alalahanin. Saludo sa ating mga bayani! ๐ต๐ญ
โ๐ซ๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ ๐ต๐ญ
Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, sama-sama nating parangalan at alalahanin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang talino, lakas, at buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.
Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang alaala ng nakaraan. Patuloy itong nabubuhay sa bawat Pilipinong naglilingkod, nagmamalasakit, at kumikilos para sa kapwa at sa bayan. Sa diwa ng kanilang kabayanihan, matatagpuan natin ang lakas ng sambayanan.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Pambansang Paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Lunes, 31 Agosto 2026, alas-8:00 ng umaga, sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Makiisa. Magbigay-pugay. Isabuhay ang diwa ng kabayanihan.
Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! ๐ต๐ญ