Laro, Palaro, Palaruan

Laro, Palaro, Palaruan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Laro, Palaro, Palaruan, Education, Quezon City.

07/06/2024

Are you ready for the first ever International Day of Play?

The UP College of Education Early Education Area, UP Preschool Practitioners and the UP College of Education Student Council present "Laro, Palaro, Palaruan!: An International Day of Play Celebration"!

"Laro, Palaro, Palaruan!: An International Day of Play Celebration" will be held on June 11, 2024, from 7:00AM - 11:30AM at the Benitez Hall Driveway and Lobby.

We invite you to a delightful morning filled with Palarong Pinoy, fun board game activities, free taho and sorbetes! Let us take a break and experience the power of play together!

Please bring your own cups for a sustainable eco-friendly Eduk.

See you there, teach!



27/11/2020

Naririnig niyo ba iyon? Dinig mo ba ang tunog ng paglalaro at kasiglahan?

Inihahandog ng UP College of Education Teaching in the Early Grades (Early Education Area) at UP Preschool Practitioners ang...

Musika at Laro sa Tahanan

Samahan natin si Teacher Pat sa paglalaro at paggawa ng mga tunog gamit ang mga bagay na nakikita sa ating sariling mga tahanan. Siguradong mapapakumpas at mapapasabay ka sa ritmo habang nakikipaglaro.

Ang paglalaro ay mas masaya kapag may tugtugan kaya't tayo na maglaro at gumalaw sa bawat pagkumpas at pagpalakpak kasabay ng indayog ng musika.

26/11/2020

Naghahanap ka ba ng yoga class na may twist?

Inihahandog ng UP College of Education Teaching in the Early Grades (Early Education Area) at UP Preschool Practitioners ang...

KULAS THE KIDDIE WARRIOR: A Kid's Yoga Story

Pakinggan ang kuwento ni kulas habang ginagabayan tayo ni Teacher Cha sa yoga class na ito. Katulad ni kulas, kaya rin natin maging matapang at malakas! Higit sa lahat, kaya rin natin maging isang bayani, isang warrior katulad ni kulas!

Tara na't kunin ang inyong mga yoga mats at magsuot na ng yoga attire! Handang-handa na tayo maging warrior-like, kaya't isama na rin ang buong pamilya!

25/11/2020

Sa loob ng ating sariling mga tahanan, tuklasin natin ang makukulay na mundo at istorya ng iba't ibang karakter mula sa ating mga paboritong libro.

Inihahandog ng UP College of Education Teaching in the Early Grades (Early Education Area) at UP Preschool Practitioners ang...

Masayang Makinig sa mga KuwenTUWA

Para sa kuwento natin ngayong araw, samahan natin sina Teacher JM at Teacher Michelle upang kilalanin ang magkapatid na sina Tiktaktok at Pikpakbum. Mula sa kuwento ni Rene Villanueva at guhit ni Renato Gamos, alamin natin ang pinagkaiba at pinagkapareho ng dalawang magkapatid na asong laging nag-aaway.

Ano kaya ang kahahantungan ng pakikipagbangayan ng magkapatid?

Tara na't subaybayan at pakinggan natin ang kuwentong hatid sa inyo ng ating mga butihing g**o. Sabay-sabay tayong matuwa sa kuwento nina Tiktaktok at Pikpakbum!

24/11/2020

Psst... Bata!

Ano nga ba ginagawa mo ngayon?

Bata man o hindi ang tingin mo sa sarili, tara at makisali sa mundo nila bilang pagdiriwang ng BUWAN NG MGA BATA! O, pinag-iisipan pa ba yan? TARA NA!

Naglalaro ka pa ba? Ano ang hilig mong laro? Ibahagi at i-comment ang inyong sagot dito sa pamamagitan ng mga bidyo o larawan. Maaari lamang na ilimit sa 10 segundo ang mga bidyo.

Mas masaya kung marami tayong maglalaro kaya halina't ishare ang post na ito!

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Quezon City
1008