Immaculate Conception Cathedral School, Inc.

Immaculate Conception Cathedral School, Inc.

Share

The Official page of Immaculate Conception Cathedral School, Inc. (DOCES) located at 39 Lantana St., Cubao, Quezon City.

ICCS is a PAASCU Accredited Level II school under the supervision of the Diocese of Cubao Educational System, Inc.

Photos from DOCES Diocese of Cubao Educational System's post 10/08/2026
10/08/2026

| August 11, 2026

In line with the CITY-WIDE CLASS SUSPENSION ADVISORY issued by the Quezon City Local Government Unit (QC LGU), face-to-face classes in ALL LEVELS are SUSPENDED tomorrow, Tuesday, August 11, 2026, due to inclement weather brought about by the Southwest Monsoon (Habagat), enhanced by a Low Pressure Area (LPA).

!

10/08/2026

| August 11, 2026

In line with the CITY-WIDE CLASS SUSPENSION ADVISORY issued by the Quezon City Local Government Unit (QC LGU), face-to-face classes in ALL LEVELS are SUSPENDED tomorrow, Tuesday, August 11, 2026, due to inclement weather brought about by the Southwest Monsoon (Habagat), enhanced by a Low Pressure Area (LPA).

!

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 50-100mm bukas, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City sa Martes, August 11, 2026 para sa:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

09/08/2026

| August 10, 2026

Classes in ALL LEVELS remain SUSPENDED tomorrow, Monday, August 10, 2026, in accordance with the CITY-WIDE CLASS SUSPENSION ADVISORY issued by the Quezon City Local Government Unit (QC LGU), due to the expected heavy rainfall of 100–200 mm, as indicated in PAGASA Weather Advisory No. 32.

!

09/08/2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 100-200mm bukas, batay sa PAGASA Weather Advisory #32, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City bukas, Lunes, August 10, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

09/08/2026

[𝑬𝑫𝑰𝑻𝑶𝑹𝒀𝑨𝑳]

𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗼: 𝗦𝗢, 𝗡𝗔𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗯𝗮?

By: Ron Kenshin Adaya

May mga Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na nararamdaman ang ipinapangakong epekto ng pag-unlad. Kung ganoon, alin nga ba ang mas nangingibabaw—ang pangako o ang pagbabago?

Muling umalingawngaw ang palakpakan at hiyawan sa talumpating inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Nabanggit sa talumpati ng Pangulo ang iba’t ibang usapin tulad ng ekonomiya, teknolohiya, edukasyon, at iba pang mahahalagang sektor. Tinalakay rin ang mga suliraning hinaharap ng bawat Pilipino tulad ng korapsyon, kakulangan sa trabaho, at ang mataas na presyo ng mga bilihin. Gayunpaman, may mga opisyal na nakulong at patuloy pang iniimbestigahan, habang ang ilang pondong muntik nang maibulsa ay naisalba at inilaan sa mga tunay na pangangailangan ng sambayanan.

Ayon sa pangulo, “Hindi ako pangulo ng aking pamilya, hindi ako pangulo ng aking mga kaibigan, pangulo ako ng Pilipinas.” Binibigyang-diin ng Pangulo na ang kanyang tungkulin bilang pinuno na dapat nakatuon sa pangangailangan ng bawat Pilipino at hindi sa pansariling interes.

Kung gayon, ang pinakamabisang sukatan ng tagumpay ng pamahalaan ay hindi lamang nakabatay sa dami ng mga proyektong naisagawa, pati kung gaano kahusay naipatutupad ang mga proyekto, at kung tunay at malawak nga bang nararamdaman ng mga mamamayan ang pagbabago. Bilang mga mamamayan, tungkulin nating tiyakin at suriin ang mga proyektong inilulunsad ng pamahalaan—kung nakatutugon sa pangangailangan ng mga tao at kung epektibo ba ang pagpapatupad dito.

Hindi maipagkakaila na may mga kongkretong hakbang ang pamahalaan kabilang ang pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal na sangkot sa korapsyon, ang pagpapatupad ng programang Benteng Bigas, paglulunsad ng mga job fair, at mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga tsuper at pasahero. Sa mga hakbang na ito naipakikita ng pamahalaan ang pagsisikap na tugunan ang ilang suliranin para sa kapakanan ng samabayanan. Ngunit, kung tunay na naipatutupad ang mga nasabing programa, bakit patuloy pa ring bitbit ng ilang pamilya ang bigat ng mga pang-araw-araw na pasanin?

Hindi nasusukat sa lakas ng palakpakan, ingay ng hiyawan, o dami ng mga proyekto ang tagumpay ng pamahalaan. Marami mang hakbang ang naipatupad at marami pa ang nais isakatuparan, hindi magiging ganap ang tagumpay kung hindi malawakan, mahusay, at pantay-pantay na naipatutupad. Higit sa lahat, dapat itong maramdaman ng mga mamamayang higit na nangangailangan. Nawa’y maging tapat at magkaroon ng matibay na paninindigan ang pamahalaan sa paglulunsad at pagsasakatuparan ng mga ipinapangakong pagbabago.

Hindi lamang pamahalaan ang kailangang maging mapagbantay. Tungkulin din nating mga mamamayan na siguraduhin kung ang pondo ng bayan ay ginagamit para sa ikabubuti at kapakapanan ng nakararami. Dapat na tiyakin ng pamahalaan na kung gaano karami ang mga ipinapangako at pinaplanong mga hakbang, ganoon din kahusay ang pagpapatupad dito at ganoon din kalawak ang kanilang naabot lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Sapagkat sa huli, ano nga ba ang saysay ng pag-unlad kung marami pa rin ang naiiwan?

Ang tunay na pagbabago ay hindi lamang nasasabi sa isang talumpati o nakikita sa isang proyekto. Ito ay nasusukat sa buhay ng mga taong nakikinabang dito—sa pamilyang mas nakakaraos, sa manggagawang nagkakaroon ng disenteng trabaho, sa mamamayang mas nakakayanan ang pang-araw-araw na gastusin, at sa bawat Pilipinong tunay na nakararamdam ng pag-unlad.

Dahil ang pangako ay simula lamang. Ang tunay na sukatan ay ang pagbabagong nararamdaman ng sambayanan.






✏️: ADOscillada
🎨: JEMercado | 👩🏽‍💻: AdminACBarias
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
📣𝗕𝗘 𝗔𝗡 𝗜𝗖𝗖𝗦𝗶𝗮𝗻!
𝐀𝐃𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕 𝐈𝐒 𝐒𝐓𝐈𝐋𝐋 𝐎𝐍𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆. For inquiries, you may call Admissions Office @8727 2742 loc 305.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄/𝗟𝗶𝗸𝗲: 𝗜𝗖𝗖𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗙𝗕 𝗣𝗔𝗚𝗘 https://www.facebook.com/ICCS1964Official

06/08/2026

| August 7, 2026

In line with the CITY-WIDE CLASS SUSPENSION ADVISORY issued by the Quezon City Local Government Unit (QC LGU), classes in ALL LEVELS remain SUSPENDED tomorrow, Friday, August 7, 2026, due to the continued inclement weather brought about by Tropical Cyclone Maymay and the enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

!

Photos from Immaculate Conception Cathedral School, Inc. 's post 06/08/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪 | SAFETY AND SECURITY BAG INSPECTION ORIENTATION

ICCS faculty are currently participating in the Safety and Security Bag Inspection Orientation, reinforcing the school’s commitment to maintaining a safe, secure, and orderly learning environment for every ICCSian.

Together, let us uphold a culture of safety, vigilance, and shared responsibility.





Layout: Julius Sabroso, ICCSMedia

05/08/2026

| August 6, 2026

In line with Malacañang Memorandum Circular No. 122, s. 2026 and the CITY-WIDE CLASS SUSPENSION ADVISORY issued by the Quezon City Local Government Unit (QC LGU), classes in ALL LEVELS are SUSPENDED today, Thursday, August 6, 2026, due to inclement weather brought about by Tropical Storm Maymay and the enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

!

05/08/2026

🎥𝗪𝗔𝗧𝗖𝗛 | The Immaculate Conception Cathedral School Inc. (ICCS), Junior High School and Grade School Batch 12 Alternative Learning System (ALS) held its Thanksgiving Mass and Graduation Ceremony at the Our Lady Seat of Wisdom Chapel, July 22.

Read More: https://www.facebook.com/share/p/19KQyur1Tb/

Like/Follow: ICCS Alternative Learning System
VideoG and Edited by: Julius Sabroso, ICCSMedia



Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


39 Lantana Street , Immaculate Conception
Quezon City
1111

Opening Hours

8am - 4pm