UP Engineering Student Council

UP Engineering Student Council The official page of the UP Engineering Student Council | fb.com/esc.upd ESC Grievance Form: https://tinyurl.com/ESCGrievanceForm2122

[EXTENDED]𝐂𝐀𝐋𝐋 π…πŽπ‘ π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ - π“π‡πˆπ‘πƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 The UP Engineering Student Council (ESC) is now accepting applicat...
20/09/2026

[EXTENDED]
𝐂𝐀𝐋𝐋 π…πŽπ‘ π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ - π“π‡πˆπ‘πƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇

The UP Engineering Student Council (ESC) is now accepting applications for Special Appointments for Academic Year 2026–2027.

Committed, proactive, and service-oriented second year students and above are invited to join the ESC in strengthening student representation and advancing the welfare of the Engineering community. Through these appointments, successful applicants will have the opportunity to contribute to the ESC’s initiatives and represent their respective constituencies.

The following positions are vacant and open for appointments:
β€’ Councilors (2)
β€’ Engineering Representatives to the USC (1)
β€’ ChE Representatives (3)
β€’ CS Representatives (4)
β€’ EEE Representatives (12)
β€’ GE Representative (1)
β€’ IE Representatives (4)
β€’ ME Representatives (2)
β€’ MMM Representatives (5)
β€’ NGSE Representatives (10)

Application Requirements:
β€’ Curriculum Vitae (CV)
β€’ General and Specific Plans of Action (GSPOA)
β€’ OSE Clearance
β€’ OASH Clearance
β€’ Certification of Scholastic Standing

Application Form:
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments

Application Deadline:
πŸ“… 24 September 2026, 11:59 PM [EXTENDED]

Take part in building a more responsive, accountable, and student-centered Engineering community! Apply today and serve your fellow Inhinyero ng Bayan through the ESC.


Never Again, Never Forget! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!Iskolar ng Bayan, sumama sa Baha ng Protesta! Sama-samang panaguti...
20/09/2026

Never Again, Never Forget! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
Iskolar ng Bayan, sumama sa Baha ng Protesta! Sama-samang panagutin ang papet, pasista, pahirap, at korap na rehimeng Marcos!

Sumali sa coordination group chat ng STEM Cluster para mabilis na makatanggap ng balita tungkol sa magiging aksyon para sa Martial Law 54th Anniversary Commemoration.

Ito ang kondukta para bukas:
12:00 PM - University Action @ Quezon Hall
1:00 PM - Departure to Liwasang Bonifacio
3:00 PM - Program @ Liwasang Bonifacio
5:00 PM - Program @ Mendiola

MGA ININYERO, SIYENTISTA, EKONOMISTANG PANTAHANAN, AT ESTADISTIKO NG BAYAN! TULOY TULOY ANG LABAN!



WALANG MAKALILIMOT! ISKOLAR NG BAYAN, WALKOUT NA!Handa na muling lumikha ng kasaysayan! Libo-libong Iskolar ng Bayan ang...
17/09/2026

WALANG MAKALILIMOT! ISKOLAR NG BAYAN, WALKOUT NA!

Handa na muling lumikha ng kasaysayan! Libo-libong Iskolar ng Bayan ang muling magwawalkout upang singilin ang korap at pasistang administrasyon ng rehimeng US-Marcos.

Narito ang kondukta para sa pagkilos bukas:
πŸ—“ September 18

10:00AM | Snake Rallies
10:30AM | Cluster Action
πŸ“Faculty Center - Cluster 1
πŸ“Vinzons Hall - Cluster 2
πŸ“CS Library - Cluster 3
πŸ“Plaridel Hall - Cluster 4
11:30AM | Univ-Wide Action Steps

Magsuot ng itim na damit! Kita-kits bukas! ✊

Lahat ng sangkot, dapat managot!
Pondo sa Edukasyon, hindi sa pasismo at korapsyon!



PRODUCTION WORK AT DONATION DRIVE PARA SA ML@54Isasagawa ang production work para sa paggawa ng mga visual propaganda ma...
17/09/2026

PRODUCTION WORK AT DONATION DRIVE PARA SA ML@54

Isasagawa ang production work para sa paggawa ng mga visual propaganda materials, kabilang ang mga balatengga, placards, at iba pang materyales, ngayong Setyembre 17–19.

πŸ—“οΈ September 17–19οΏ½πŸ“ Student Center

Para sa mga nais tumulong sa paghahanda ng mga materyales, maaaring makilahok sa production work sa mga itinakdang araw.

Tumatanggap din ng in-kind at monetary donations para sa mga gastusin sa production work at sa transportasyon, tubig, at pagkain para sa mga dadalo sa Setyembre 21.

Para sa In-Kind Donations, makipag-ugnayan kay Juan Florentino Maramag (0962 615 3153) ng Agham Youth Engineering, o kaya sa kanya-kanyang mga Local Student Councils.

Para sa Monetary Donations, maaaring ibigay sa donation channel na ito:οΏ½GCASH: 0962 615 3153 (JFM)

Anumang kontribusyon, maliit man o malaki, ay makatutulong sa paghahanda ng mga kinakailangang materyales at logistical needs para sa mga aktibidad.

Mga Iskolar ng Bayan, bahain ng protesta ang Liwasang Bonifacio ngayong Setyembre 21, 2026!


MGA ISKOLAR NG BAYAN, LUMIBAN!Sa tumitinding krisis sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan ang madilim na nakaraan ng ba...
16/09/2026

MGA ISKOLAR NG BAYAN, LUMIBAN!

Sa tumitinding krisis sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan ang madilim na nakaraan ng batas militar.

Ramdam ng mamamayang Pilipino ang pasakit ng dating diktador na si Marcos Sr. Libo-libo ang nagutom. Libo-libo ang nawala. Libo-libo ang namatay. At ngayong nakaupo ang kaniyang anak, patuloy pa rin ang paghihirap ng sambayananβ€” Isinasawalang-bahala ang kanilang mga panawagan at hindi tinutugunan ang kanilang pangangailangan.

Higit pa rito, pinapakita ng administrasyong Marcos Jr. ang kanilang kabulukan at kawalang ng paninindigan. Harap-harapan nitong binebenta ang lupa ng Pilipinas para sa Pax Silica na walang ibang makikinabang kundi ang imperyalistang US. Pinatatahimik din ang mga tumututol dito.

Kaya naman ngayon, panahon na upang lumaban. Mga Iskolar ng bayan, lumabas sa silid-aralan! Sama-sama nating paingayin ang ating mga panawagan!

ISKOLAR NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA PASISMO AT KORAPSYON!

πŸ—“οΈ September 18 | WALKOUT
- 10:00 AM: Snake Rallies
- 10:30 AM: Cluster Action @ CS LIB
- 11:30 AM: AS Steps

πŸ—“οΈ September 21 | BAHA NG PROTESTA | 54TH MARTIAL LAW COMMEMORATION
- 12:00 NN: University Action @ Quezon Hall
- 3:00 PM: Liwasang Bonifacio
- 4:00 PM: March to Mendiola


FREE LEC 5 | CALL FOR BAIL SUPPORTNananawagan ang UP Engineering Student Council, kasama ang UP Diliman University Stude...
11/09/2026

FREE LEC 5 | CALL FOR BAIL SUPPORT

Nananawagan ang UP Engineering Student Council, kasama ang UP Diliman University Student Council, sa agarang pagpapalaya sa limang paralegal na iligal na inaresto, kabilang ang ating mga kapwa Iskolar ng Bayan na sina Kenneth Castor ng UP Office of the Student Regent at RC Placido ng NNARA Youth UPD.

Sa kasalukuyan, kumakalap na ng pambail para sa ating kasama na si Kenneth Castor. Para sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring mag-scan ng QR Code sa ibaba upang makapagpaabot ng pinansyal na suporta.

Anumang halaga ay malaking tulong sa ating mga kasama.



[ALERT!]LIMANG PARALEGAL, ILEGAL NA INARESTO SA IGLAP-PROTESTA KONTRA PAX SILICA SA GRAND HYATT HOTEL, BGC, TAGUIGMARIIN...
10/09/2026

[ALERT!]

LIMANG PARALEGAL, ILEGAL NA INARESTO SA IGLAP-PROTESTA KONTRA PAX SILICA SA GRAND HYATT HOTEL, BGC, TAGUIG

MARIING KINOKONDENA ng UP Engineering Student Council (UP ESC) ang ilegal na pag-aresto sa limang paralegal sa ginanap na iglap-protesta laban sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor (LEC) Investors Forum kaninang umaga sa Grand Hyatt Hotel, BGC, Taguig.

Kabilang sa mga iligal na inaresto sina Kenneth Castro, UP Office of the Student Regent Chief of Staff; Jona Yang, dating Secretary-General ng AGHAM; Dayana Juliano, mula sa Karapatan; at RC Placido, mula sa Tangol Magsasaka at NNARA Youth. Tahasang paglabag sa mga batayang karapatang pantao ang ganitong marahas at pasistang pagtugon ng PNP at ng estado. Malaking banta ito sa kalayaan ng mga nagtatanggol sa mamamayan.

Pangunahing itinataguyod ng proyektong Pax Silica at ng LEC ang panghihimasok at interes ng dayuhang kapital at imperyalismong US. Sa ilalim ng pabalat ng imprastraktura at teknolohiya, nagbabanta ang mga proyektong ito na magpalayas ng mahigit 20,000 residente at katutubong Ayta mula sa kanilang lupang ninuno. Bukod pa ito sa pag-agaw sa kanilang mga batayang serbisyong pantao tulad ng tubig at kuryente.

Bilang mga inhinyero ng bayan, itinatakwil ng UP ESC ang paggamit ng agham, teknolohiya, at inhenyeriya bilang kasangkapan sa pag-aalay ng kabuhayan at kalayaan ng masang Pilipino para sa dayuhang interes. Paninindigan natin na walang puwang ang pamamasismo sa mga kabataang lumalaban.

Hindi kailanman magiging krimen ang pagtatanggol sa karapatang pantao at pambansang soberanya.

REJECT PAX SILICA! IMPERYALISMO, IBAGSAK!
DEFEND THE DEFENDERS! HANDS OFF ACTIVISTS!
MAKE SCIENCE AND TECHNOLOGY SERVE THE PEOPLE!





𝐂𝐀𝐋𝐋 π…πŽπ‘ π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ - π“π‡πˆπ‘πƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇The UP Engineering Student Council (ESC) is now accepting applications for Sp...
05/09/2026

𝐂𝐀𝐋𝐋 π…πŽπ‘ π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ - π“π‡πˆπ‘πƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇

The UP Engineering Student Council (ESC) is now accepting applications for Special Appointments for Academic Year 2026–2027.

Committed, proactive, and service-oriented second year students and above are invited to join the ESC in strengthening student representation and advancing the welfare of the Engineering community. Through these appointments, successful applicants will have the opportunity to contribute to the ESC’s initiatives and represent their respective constituencies.

The following positions are vacant and open for appointments:
β€’ Councilors (2)
β€’ Engineering Representatives to the USC (1)
β€’ ChE Representatives (3)
β€’ CS Representatives (4)
β€’ EEE Representatives (12)
β€’ GE Representative (1)
β€’ IE Representatives (4)
β€’ ME Representatives (2)
β€’ MMM Representatives (5)
β€’ NGSE Representatives (10)

Application Requirements:
β€’ Curriculum Vitae (CV)
β€’ General and Specific Plans of Action (GSPOA)
β€’ OSE Clearance
β€’ OASH Clearance
β€’ Certification of Scholastic Standing

Application Form:
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments
πŸ”— bit.ly/ESC2627Appointments

Application Deadline:
πŸ“… 17 September 2026, 11:59 PM

Take part in building a more responsive, accountable, and student-centered Engineering community! Apply today and serve your fellow Inhinyero ng Bayan through the ESC.


31/08/2026
[ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆ]Sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani, buong-giting nating pinupugayan ang mga ma...
31/08/2026

[ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆ]

Sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani, buong-giting nating pinupugayan ang mga martir at rebolusyonaryo na nag-alay ng kanilang dugo, pawis, at buhay upang baklasin ang tanikala ng samabyanan laban sa dayuhang pananakop at lokal na pang-aalipusta.

Hindi kailanman naging pasibo ang kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa matapang na sigaw ng Katipunan upang wakasan ang tatlong siglo ng imperyalismong Kastila, sa madugong paglaban ng ating mga kababayan sa pananakop ng mga kolonyalistang Amerikano, hanggang sa gerilyang pakikibaka ng Hukbalahap laban sa pananalakay ng mga Hapones, ang dugo ng mga martir ang patunay na ang kasarinlan ay hindi ibinibigay kundi marahas na ipinaglalaban.

Hindi rin nagwakas ang kabayanihan nang matapos iregalo sa atin ng Estados Unidos ang huwad na kalayaan. Mas lalo itong tumingkad sa gitna ng madilim na kabanata ng pasistang diktadurang Marcos. Sa panahon ng harap-harapang pandarambong at pilit na pinatahimik ang boses ng sambayanan sa Batas Militar, hindi natakot ang mga mamamayan na magbuwis ng buhay sa mga lansangan at kanayunan upang gapiin ang tiranya at ibalik ang demokrasya.

Higit pa sa mga nakaukit na pangalan sa bantayog, ang mga tunay na bayani ng ating bayan ang mga nagpapatuloy ng diwa ng militanteng pakikibaka. Dala ito ng malawak na hanay ng mga manggagawa, magsasaka, propesyonal, kabataan, at iba’t ibang sektor ng masang Pilipino na araw-araw na nakikibaka laban sa kawalan ng lupa, mababang pasahod, at pasismo ng estado. Sila ang nagbubuhos ng lakas at dugo upang tutulan ang pananamantala ng mga naghaharing uri sa pangunguna ng paksyong Marcos-Duterte. Sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiya, patuloy ang pagbebenta ng ating soberanya sa mga dayuhang puwersa at ang matinding pamamayagpag ng pampolitikang karahasan at paniniil sa karapatang pantao.

Bilang mga iskolar at inhinyero ng bayan, bitbit natin ang mga aral at tradisyon ng mga bayani ng nakaraan. Sa ating pagsasanay, isaalang-alang natin na ang agham at teknolohiya ay hindi kailanman dapat maging kasangkapan ng mga mapanupil. Sa halip, dapat silang maging sandata ng masang nakikibaka para sa tunay na kalayaan at pambansang demokrasya.

πŒπ€πŠπˆππ€πŠπ€, 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 πŒπ€π“π€πŠπŽπ“!
πˆππ‡πˆππ˜π„π‘πŽ 𝐍𝐆 ππ€π˜π€π, π“π”π‹π”π˜-π“π”π‹πŽπ˜ 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍!
π€π†π‡π€πŒ 𝐀𝐓 π“π„πŠππŽπ‹πŽπ‡πˆπ˜π€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π!




Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Engineering Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to UP Engineering Student Council:

Shortcuts

Share

Category