22/04/2023
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ญ๐ฐ๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ฎ๐น๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ ๐ ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป
LUNGSOD NG PASIG, Abril 20, 2023 โ Pinuri ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga Pilipinong mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa bansa matapos na manalo ng kabuuang 1,310 medalya, kabilang ang 148 gold medals, sa International Kangaroo Mathematics Competition (IKMC) na ginanap noong Marso 18.
Nasungkit din ng mga kinatawan ng Pilipinas ang 358 silver medals at 804 bronze medals para sa pagpapakita ng pambihirang kakayahan sa problem-solving at kakayahan sa matematika sa buong kompetisyon.
Mula sa mga paaralang lumahok, napagwagian ng MGC New Life Christian Academy ang pinakamaraming gintong medalya na may 9, na sinundan ng Saint Jude Catholic School na may 8, at Grace Christian College na may 7.
Nanalo rin ng tig-dalawang gintong medalya ang Taguig Integrated School ng DepEd NCR at Tanauan City Integrated High School ng DepEd Region IV-A.
Inilarawan bilang "particularly competitive" ang edisyon ngayong taon na sumubok sa mga kasanayan ng mga kalahok sa matematika sa pinakamahuhusay at pinakamatatalino mula sa ibang mga bansa. Ang kompetisyon ay itinuturing din bilang isang tunay na pagdiriwang ng kapangyarihan ng matematika na magbigay ng inspirasyon at hamunin ang murang isip ng mga kabataan.
Bukod dito, pinuri ng mga event organizer ang lahat ng mga kalahok dahil sa kanilang pagsusumikap, dedikasyon, at pagkahilig sa matematika. Binati rin nila ang mga nanalo dahil sa kanilang mga kahanga-hangang tagumpay at hiniling ang kanilang tagumpay sa mga tatahaking landas sa hinaharap.
Sa matagumpay na pagsasagawa ng 2023 IKMC, inaasahang mabibigyang inspirasyon nito ang mga batang mathematician sa buong mundo na ipagpatuloy ang kanilang hilig sa matematika at magsikap upang maging mas mahusay.
Itinatag noong 1991, ang IKMC ay itinuturing na isa sa mga pinaka-prestihiyosong internasyonal na kumpetisyon sa matematika na may layuning isulong ang interes at kahusayan sa matematika sa mga kabataan.
Tingnan ang kompletong listahan ng mga nanalo rito: https://bit.ly/2023-IKMC-PH-results.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2023/04/20/filipino-learners-bag-148-gold-medals-at-international-kangaroo-mathematics-competition/]