04/03/2025
Malugod na pagbati sa mga Newly Elected Supreme Elementary Learner Government officers para sa School Year 2025-2026! Nawa’y magpatuloy ang inyong dedikasyon at malasakit sa bawat mag-aaral. Huwag kalimutan na ang tunay na lider ay naglilingkod mula sa puso, kaya’t sana ay magtagumpay kayo sa bawat hakbang na tatahakin ninyo. Ang inyong mga pangarap at layunin ay magbibigay ng liwanag at inspirasyon sa buong paaralan. Magsimula tayo ng isang taon ng positibong pagbabago at pagtutulungan!