Financial guro

Financial guro

Share

Sir Vince teaches practical tips on money management to Filipinos worldwide

17/08/2026

Sa stock market, hindi lahat ng “investor” ay pare-pareho ang ginagawa.

May mga taong bumibili ng shares dahil gusto nilang magkaroon ng ownership sa isang negosyo. May iba naman na mas nakatuon sa buying and selling para kumita sa price movements.

Magkaiba ang role, magkaiba rin ang mindset.

Kaya bago sumabak, itanong muna: Ano ba talaga ang purpose mo sa pagpasok sa stock market?

Watch the video and learn more here:
🔗 https://bit.ly/vince-rapisura

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

16/08/2026

3383 | Bawal Magkasakit—Mahal Magkasakit!

Isang malubhang sakit, puwedeng maubos ang ipon at mabaon ang pamilya sa utang. Kaya unahin ang preventive health care. Sa PhilHealth YAKAP, may checkup, health assessment, covered tests, cancer screening, at libreng essential medicines. Protektahan ang kalusugan para maprotektahan ang kabuhayan.

15/08/2026

3395 | Alamin ang SSS Pension Booster, isang voluntary savings program para madagdagan ang retirement fund mo.

Competitive ang returns, tax-free ang earnings, at puwedeng magsimula sa ₱500. Pero bago mag-invest, unahin ang emergency fund, insurance, at mahal na utang.

Tandaan: ang pagyaman ay napag-aaralan at napagtutulungan!.

15/08/2026

Kung mas maliit ang kita mo, dapat ba mas mabigat ang pasan mo sa social protection?

Para sa maraming nanoentrepreneurs at informal workers, sila na nga ang pinaka-vulnerable, sila pa ang kailangang sumalo nang buo sa kanilang SSS contribution.

Hindi natin sinasabing huwag maghulog. Ang punto: kailangan ng mas patas na sistema para mas maraming Pilipino ang kayang manatiling protektado.

Read the full discussion here:
🔗 https://vincerapisura.com/title-panawagan-para-sa-sss-reform-tulong-sa-nanoenterprises-hindi-lang-sa-formal-sector/

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

**o

Panawagan para sa SSS Reform: Tulong sa Nanoenterprises, Hindi Lang sa Formal Sector - Vince Rapisura vincerapisura.com

14/08/2026

Dahil tumataas na naman ang presyo ng langis, balikan natin ang isang mahalagang usapan tungkol sa budgeting sa panahon ng oil surge.

Kapag mas mahal ang pamasahe, delivery, at bilihin, mas kailangan ang maingat na pag-prioritize at paghawak ng budget.

Panoorin ang video at tingnan kung alin sa mga payo ang maaari pa ring makatulong ngayon.

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

**o

12/08/2026

Ang savings ang unang proteksyon mo kapag may emergency, kaya hindi kailangang madaliin ang pag-invest kung wala pang matibay na pundasyon.

Ipon muna bago tubo. 🌱

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

**o

11/08/2026

Malaki ang kita, pero bakit parang hindi pa rin yumayaman? 😅

Hindi lang pala ito problema ng ordinaryong empleyado—kahit mga professionals tulad ng doctors, puwedeng maging HENRY: High Earning, Not Rich Yet.

Dahil sa dulo, hindi lang laki ng income ang mahalaga. Mas importante kung paano mo ito hinahawakan, iniipon, at pinapalago.

Read the full discussion here:
🔗 https://vincerapisura.com/doc-henry-ka-ba-high-earning-not-rich-yet/

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

**o

Doc, HENRY Ka Ba? High Earning, Not Rich Yet? - Vince Rapisura vincerapisura.com

10/08/2026

Ano ba ang gusto mong buhay pagdating ng retirement?

Kung gusto mong may sapat na income, sariling bahay, o mas maraming oras para sa sarili at pamilya, dapat ngayon pa lang aligned na roon ang financial decisions mo.

Hindi lang basta “mag-ipon para sa retirement.” Mag-ipon para sa retirement na gusto mong buhayin.

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

**o

08/08/2026

Pagod na ba sa kakadiskarte?

Mahalaga ang pagiging madiskarte—but may mga problema na hindi kayang solusyunan ng pagtitipid lang.

Habang tumataas ang presyo ng bilihin at gasolina, kailangan din ng maayos na public services, tamang policies, at suporta para sa ordinaryong Pilipino.

Habang ginagawa natin ang ating parte, panahon na rin para gobyerno naman ang kumilos.

Read more here:
🔗 https://vincerapisura.com/pagod-na-kaka-diskarte-panahon-na-para-gobyerno-naman-ang-kumilos/

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
**o

05/08/2026

3382 | Ano ang PhilHealth YAKAP?

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


23 Dela Rosa Street, Loyola Heights
Quezon City
1108I’M

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm