05/05/2026
Matipunso Elementary School invites you!
Be part of the 2026 ARAL Summer Remediation Program happening from May 6 to June 2, 2026.
Inaanyayahan ang lahat ng incoming Grade 2 hanggang Grade 6 learners, kasama ang ating mga dedicated tutors at volunteers, na makiisa sa makabuluhang programang ito.
β¨ Programs Offered:
π ARAL Summer Reading
β ARAL Summer Mathematics
Sama-sama nating palakasin ang pundasyon ng bawat bata at gawing mas accessible ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat.
Strong Foundation, Brighter Futures. Together, We Make Learning Accessible to All.
Ikaw ay mahalagang bahagi ng pagbabago. Be part of ARAL! π
π Matipunso Elementary School
24/03/2026
π
March 24, 2026
Matagumpay na naisagawa ang Fire Drill at Symposium sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Antonio, na naglalayong ihanda at turuan ang mga mag-aaral at g**o sa tamang kaalaman at kahandaan sa oras ng sakuna.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas napalawak ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng fire safety, tamang paglikas, at mabilis na pagtugon sa mga emergency na sitwasyon. Ang hands-on na pagsasanay ay nagbigay ng mahalagang karanasan upang maging alerto, handa, at responsable ang buong paaralan.
Lubos ang aming pasasalamat sa Bureau of Fire Protection (BFP) San Antonio sa kanilang oras, dedikasyon, at pagbabahagi ng kaalaman na tunay na makatutulong sa kaligtasan ng aming komunidad.
Sama-sama tungo sa isang ligtas at handang paaralan! πͺπ«
π₯
π
π§―
π«
12/02/2026
π
Pebrero 12, 2026
Isang bagong yugto ng pag-asa at kaunlaran sa edukasyon ang sinimulan ng Matipunso Elementary School sa pamamagitan ng Groundbreaking Ceremony ng itatayong two-storey building. Isang proyektong magbibigay ng mas maayos, ligtas, at inspirasyong lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot sa nagkaloob ng nasabing gusali, sa pangunguna ng ating mahal na Gobernador ng Lalawigan ng Quezon, Governor Dra. Helen Tan, kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, gayundin ang aming lubos na pasasalamat kay Dr. Kim Tan sa patuloy na malasakit at suporta sa edukasyon.
Lubos din naming pinahahalagahan ang walang sawang tulong at pakikiisa ng LGUβSan Antonio, Quezon sa pamumuno ni Mayor Erick M. Wagan, ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Alvin Pillerba, at ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Dominador C. Tanyag.
Isang malaking pagkilala at pasasalamat ang ipinaaabot sa mga SPTA Officers ng SY 2023β2024, 2024β2025, at 2025β2026 sa kanilang patuloy na suporta at aktibong pakikibahagi sa mga gawain at programa ng paaralan.
Bukod dito, naging recipient din ang Matipunso Elementary School ng mga aklat na βMga Unang Hakbang sa Pagbasa,β isang programa ng ating minamahal na Ina ng Lalawigan, Governor Dra. Helen Tan, na naglalayong higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral.
Ang mga proyektong ito ay patunay na sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan, paaralan, at komunidad, mas napagtitibay ang pundasyon ng edukasyon at mas napaghahandaan ang mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Matipunso.
30/01/2026
Malugod na pagbati! ππ
Taos-pusong pagbati kay Bb. Christine G. Lalunio sa kanyang promosyon mula Teacher III patungong Teacher V. Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod sa larangan ng edukasyon. π
Ikinalulugod ng buong paaralan ang iyong tagumpay. Mabuhay ka at patuloy na magsilbing inspirasyon sa ating komunidad ng mga g**o at mag-aaral! ππ
**ongPilipino
28/01/2026
π’ ππππππππππππ!
π EARLY REGISTRATION FOR SCHOOL YEAR 2026-2027
π January 31 β February 27, 2026
Magandang balita, mga magulang at guardians! Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng bagong taon ng pasukan, ang MATIPUNSO ELEMENTARY SCHOOL ay magsasagawa ng EARLY REGISTRATION para sa SY 2026-2027.
Inaanyayahan naming ipatala ang inyong mga anak dahil βAng mag-aral ay karapatan mo!β β¨
π AGE CUT-OFF
KINDERGARTEN
β’ Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2026
GRADE 1
β’ Mga batang magtatapos ng Kindergarten sa SY 2025β2026
π KINAKAILANGANG DOKUMENTO
KINDERGARTEN
β‘οΈ PSA / Birth Certificate o Local Registry Copy (photocopy)
GRADE 1
β‘οΈ ECCD Checklist
β‘οΈ PSA / Birth Certificate o Local Registry Copy (photocopy)
BALIK-ARAL / TRANSFEREE
β‘οΈ PSA / Birth Certificate (photocopy)
β‘οΈ School Report Card
Huwag palampasin ang pagkakataon! π
Magpalista na!
05/12/2025
Maraming salamat sa ating SPTA, sa pamumuno ni Bb. Shirly G. Lalunio, sa patuloy na pagpapagawa ng bubong patungo sa Comfort Room ng Grade 5 at 6! π¨β¨
Isang malaking hakbang ito tungo sa mas ligtas at mas maayos na pasilidad para sa ating mga mag-aaral.
Mabuhay ang SPTA at ang ating masiglang school community! π
03/12/2025
Maraming salamat sa Matipunso Waterworks sa maagang pamasko para sa Matipunso Elementary School! ππ
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong suporta sa aming paaralan at mga mag-aaral.
Happy Holidays! β¨
09/10/2025
Bright Smile, Bright Future! β¨π
π
Oktubre 9, 2025
Isinagawa sa Matipunso Elementary School ang programang βBright Smile, Bright Futureβ, na layuning mapanatili ang kalusugan sa ngipin at tamang pangangalaga sa kalinisan ng mga bata. π¦·πͺ₯
Ang programang ito ay iniyunsiyo ni Dr. Ceferino Trinchera Jr., sa tulong ng Local Government Unit (LGU) na pinamumunuan ni Hon. Erick M. Wagan, Municipal Mayor ng San Antonio, Quezon, at ng Rural Health Unit (RHU). π
Ang mga benepisyaryo ng programa ay ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 2, na buong siglang nakibahagi sa mga aktibidad. ππ§π¦
Maraming salamat sa LGU, RHU, at sa lahat ng nagtaguyod ng programang ito para sa mas malusog at maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan! π
02/10/2025
β¨ World Teachersβ Day Celebration 2025 β¨
π
Oktubre 1, 2025
Ipinagdiwang ng Matipunso Elementary School ang World Teachersβ Day bilang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng ating mga g**o na patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa mga mag-aaral. ππ
Taos-pusong pasasalamat sa walang sawang suporta:
π¨βπ©βπ§βπ¦ Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni Hon. Dominador C. Tanyag
π©βπ« SPTA na pinamumunuan ni G. Shirley G. Lalunio
π¨βπ©βπ§ Mga Magulang
π Mga Mag-aaral
π©βπΌ Principal I β Mary Grace B. De Guzman
Dahil sa inyong pakikiisa, naging makulay, makabuluhan, at matagumpay ang pagdiriwang na ito. πβ¨
**ongPilipino
19/09/2025
πβ¨ ARAL Reading Program Kick-Off β¨π
π
Setyembre 19, 2025
Matagumpay na isinagawa ang Kick-Off ng ARAL Reading Program sa Matipunso Elementary School. Dumalo sa nasabing programa ang ating Punongg**o, mga G**o, Sangguniang Barangay Representative, mga Magulang, at mga Mag-aaral.
Tinalakay rin ang ilang mga paalala at mahahalagang bagay na magsisilbing gabay sa matagumpay na pagpapatupad ng programa. π€
Sama-sama nating itaguyod ang kultura ng pagbabasa tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral. ππ‘