18/08/2026
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Paaralang Aurora A. Quezon sa Disaster Management Team ng Brgy. Damayang Lagi, sa pamumuno ni Kapitana Aileen Ledesma, sa agarang pagtugon at serbisyong kanilang ipinagkaloob sa ating mga mag-aaral at opisyal ng SPTA na na-stranded dahil sa pagbaha sa Damayang Lagi dulot ng Habagat.
Sa panahon ng matinding pag-ulan at pagbaha, malaking bagay ang inyong presensiya, malasakit, at kahandaang tumulong upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabataan at mga miyembro ng ating school community.
Ang inyong mabilis na pag-aksyon ay tunay na nagpapakita ng diwa ng bayanihan, malasakit, at serbisyong publiko. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong tulong at suporta, lalo na sa panahong higit na kinakailangan ng ating mga mag-aaral ang gabay at proteksiyon ng komunidad.
Maraming salamat pong muli, Barangay Damayang Lagi Disaster Management Team sa pangunguna ni Kapitana Aileen Ledesma!
Ang inyong serbisyo ay hindi lamang tulong-ito ay isang pagpapakita na sa panahon ng pagsubok, walang batang Auroran ang nag-iisa.